Nakangiti pa si Avi habang mahimbing na natutulog sa kanyang kama kahit medyo mainit na ang sikat ng araw. Magkaganon man, kahit mainit ay malamig naman ang hangin na sumisimoy papasok sa bukas na pinto ng balcony ng kaniyang kwarto. Nananaginip siya na may malalambot na labi ang humahalik sa kanya. At ang halik, napakarahan lang. Bawat segundo na nakalapat ang mga labing iyon sa mga labi niya ay tila tinutunaw siya. Humahalinghing pa siya nang marahang bumaba sa leeg niya ang mga halik. Di man makita ng malinaw ang mukha nong lalaki sa panaginip, ramdam naman niya ang katamtamang init na binibigay ng yakap nito. In fairness, kasi may abs pa raw. “Avi! Bumangon ka na!” Nangunot ang noo ni Avi nang marinig ang boses ng kaniyang ina. Minsan na lang nga siya lumandi kahit sa panaginip na l

