Kinabukasan, halos alas-nueve na nang magising si Avi. “Good morning,” bati ni Avi kay Jacob na mahimbing ang tulog sa tabi niya. Pero di ito sumagot dahil tulog na tulog pa ito. Umiling na lang si Avi at bumangon na mula sa kama. Nag-inat-inat siya habang ninamnam ang napakagandang tanawin mula sa room na nakuha nila. Pagkatapos ay naghubad siya at naligo sa pool. Mahigit isang oras rin si Avi sa pool pero tulog pa rin si Jacob nang matapos siya. “Oy, luluto na ako ha! Gumising ka na riyan at kakain tayo!” sigaw ni Avi. May personal kitchen sa room na nakuha nila at nagluto si Avi nang mauumagahan nila. Kaso natapos na magluto si Avi ay bumago lang ng higa si Jacob at tulog pa rin ito. “Hey! You ok?” marahang tanong ni Avi kay Jacob, hinahagod ang buhok nito. Tumango naman si Jac

