"PAMAHIIN"
(Huwag Kumanta Habang Nasa Harap ng Kabaong Dahil Maaga Kang Mamatay)
✍️: Mr. Anel
?: 07
"Si erol!?" pagtatanong pa ni adam.
"Oo adam, may nalabag siyang pamahiin. Nagdala siya ng pagkain sa bahay nila at doon nga ay nadatnan nalang siya ng magulang niya na bumubula na ang bibig at ilang oras lang ang lumipas ay namamaalam na siya." pagkwento pa ni drake.
Nagulat silang lahat sa narinig at halos hindi maniniwala.
"Ibig sabihin dalawa na ang patay ngayon dahil sa lamay na'to?" pagtatanong pa ng president nila at tumango lang si drake.
Pero bukod sa kaalaman nila ay namatay narin si alexis dahil sa may nalabag itong pamahiin, kumuha siya ng baryang para sa patay at yan ang hindi alam ng kararamihan.
Natahimik silang lahat at tumawag ng ambulansya si pres at ilang oras lang ang lumipas ay nakarating na ang ambulansya at dali daling dinala si brent sa morgue at pinaalam ito ng kanyang pamilya.
Walang imik si sue dahil namatay ang kanyang kaklase dahil lang sa nakikiramay sila sa kanya.
Maya maya pa ay nataranta na ang lahat na nasa bahay at nag aantay kung kailan sisikat ang araw, para magsiuwian sila dahil natatakot silang umuwi hanggang walang makikitang sikat ng araw sa labas.
Dahil sa mga nangyayare ay mas pinabuti pa ng mama ni sue na sa loob nalang muna silang lahat para mabantayan hanngang sa sumikat ang araw.
Habang nasa loob sila ay hindi maiwasan ng president ang magtaka dahil simula kanina ay hindi pa niya nakikita kung ano ang hitsura ng patay.
Kaya agad itong lumapit sa kabaong at dahan dahang tumingin.
Halos lumabas na ang dalawang mata ng president nang makita niya ang nasa loob ng kabaong, ang batang nagpapakita sa kanya kanina ay siya mismo ang nasa loob.
Agad na pinagpapawisan ang pres ng napakarami at nagsimula nang mangamba, aakmang tatalikod dahil magsusumbong kay drake nang biglang gumalaw ang bata sa loob kaya napatigil siya. Tinitigan niya ang bata at para talaga itong gumalaw.
Hindi inalis ng president ang pagtitig hanggang sa unti unting lumingon ang bata sa kanya at dahan dahang nimulat ng dalawang mata at nakatitig ito sa mata ni pres.
Lumakas ang t***k ng puso ni pres. At halos naninigas sa kinatatayuan nang biglang may humawak sa balikat niya.
"WAAAAAGGGG!!!!!" sigaw pa ng pres at Nagsimula nang mag panik. Nagulat ang lahat sa loob tsaka tumingin sa kanya.
"Hoy pres! Ako ito, si drake!" pagpakilala pa ni drake.
"WAAAGG!! MAAWA KAA!!" sambit pa ni pres at umiiyak.
"Hoy pres! Ako nga ito! Si drake!" dagdag pa ni drake.
Ngunit hindi nakinig si pres at at humagulhol lang ito ng iyak kaya agad na lumapit si adam at niyakap niya si pres, dahilan para bumalik siya sa katinuan.
Pero hindi sapat ang yakap para maibsan ang takot na naramdaman ni pres kaya kinanta niya ang favourite song ni president at dito nga ay kumalma ito.
Naguguluhan ang lahat pati narin si adam.
Nagpatuloy lang siya sa pag kanta at inalala ang mga ginagawa ni president.
Habang kumakanta siya ay naalala niya na lumapit si president sa kabaong at tumingin sa batang patay.
Medyo nagtataka si adam kung bakit ganoon nalang ang reaksyon ni pres nong hinawakan siya ni drake, kaya habang kumakanta siya ay dahan dahan niyang tiningnan ang nasa loob ng kabaong at wala namang nag iiba. Ang batang patay ay siya parin ang nandon.
Kaya naguguluhan talaga siya at agad na inalis ang mga mata sa batang patay habang kumanta ng favourite song ni pres.
Ngunit walang kaalam alam si adam na gumalaw ang bata noong inalis niya ang kanyang mga mata at tumingin kay pres. Hindi niya alam na tumingin ang bata sa kanya at ang mga mata nito ay nagiging kulay itim habang nakatitig kay adam.
"Pres, anong nagyare?" pagtatanong ni adam nang bumalik na sa katinuan si pres.
Kinakabahan si pres at tumingin kay adam at nag salita.
"Kanina kasi, may nalabag akong pamahiin."
"Nagwalis ako dito sa bahay."
"Tapos noong nagtimpla ako ng kape para ipamigay sa mga bisita ay bigla nalang may kumalabit sa paa ko kaya napatingin ako."
"Akala ko kasi isa sa mga kaklase ko kaya aakmang yuyuko ako at pagagalitan sana nang biglang nagpakita sa'akin ang batang yan.(sabay tingin sa batang nasa kabaong)"
"Kaya nagulat ako at agad kayong lumapit sakin pero nagsinungaling ako na nadapa lang dahil ang akala ko ay antok lang yun."
"Tapos kwenento ko kay drake ang nangyare tapos sabi nya mag pagpag daw ako, kaya agad akong kumuha ng dahon."
"Habang kumuha ako ay naypakita nanaman ulit ang bata kaya nagulat ako."
"Tapos ngayon, nakita ko ang bata na nasa kabaong." pag kekwento pa niya.
Napailing nalang ang papa ni sue at ang mama naman niya ay napaupo, nawalan ng gana at agad naman itong niyakap ni rica mey at hinimas himas ang likod.
Medyo maiiyak narin si sue dahil sa pinag gagawa ng mga kaklase niya. Hindi niya alam kung nandito ba sila upang makiramay o nagdadala lang sila ng malas sa bahay.
Hindi rin naman magawang magalit ni sue dahil sa kabutihan nila sa kanya kaya umiyak nalang siya ng umiyak na hindi sinabi ang totoong dahilan ng pag iyak niya.
Maya maya pa ay nag uumaga na at sumikat na ang araw kaya napag pasyahan na nilang umuwi.
Agad silang umalis at nagkanya kanya sila ng daan dahil baka malasin sila sa mga kaklaseng walang alam sa mga pamahiin.
Pero maliban kay rica mey, sinamahan ni drake si pres na umuwi dahil siya nalang ang natitirang nakalabag sa pamahiin na buhay. At si adam naman ay ng iisa sa kalsada na naglalakad habang kumakanta.
Hindi niya alam na may nalabag siyang pamahiin kaya nagchichill lang siyang umalis nang biglang may isang bato ang tumama sa kanyang paa na ipinagtataka niya.
At base sa galaw ng bato ay nanggaling ito sa kakahoyan papuntang kagubatan kaya nag taka siya.
Tinitigan niya ang mga kakahoyan pero wala namang tao kaya mas lalong nagtataka siya.
Pero hindi siya kinabahan dahil maaga na naman at pasikat palang ang araw at maya maya pa ay iinit na.
Agad na nagpatuloy siya sa pag lalakad hanggang sa nakita niya si Alexis na naglalakad sa kalsada papuntang kagubatan at dito nga ay sinundan niya ito at pumasok sa kagubatan.
"Hoy Alexis!" sigaw pa ni adam ngunit hindi ito narinig kay sumigaw pa siya.
"Hoy alexis!! San ka pupunta!!" sigaw pa niya ngunit hindi lumingon si alexis kaya nagtaka siya at tumakbo palapit. Nang makalapit na siya ay agad niyang hinawakan ang balikat at pinaikot niya para tumingin sa kanya si alexis.
"Hoy alexis! Saan ka pupu-..."
Naputol ang pagsasalita niya nang makita niya si alexis na may nakabarang kamay ng bata sa bibig habang hawak hawak ang kanyang puso.
"AAAAAAAHHHHH!!!" sigaw ni adam at dali daling tumakbo palayo.
"TULLONNGG!!" sigaw pa niya habang tumatakbo.
Habang tumakbo siya ay tumingin siya ulit kay alexis at hindi ito sumunod kaya mas lalo pa niyang binilisan ang pag takbo para makarating sa kalsada.
Ilang minutong pagtatakbo at nakarating na nga siya sa kalsada at nagpapasalamat sa dyos, dahil hindi siya sinundan nang biglang may busina ng dumtruck ang narinig.
*Peeepp!!!...* *Peeppp!!!....*
Napatingin siya sa ingay at...
*BOGGSSHHH!!.....*
Tumilapon si adam.
Nasagasaan siya ng isang dumtruck at ang ulo niya ay napisa ng gulong.
Namat@y na si adam at sa likod niya ay nandun si alexis na nakangiti habang pinagmasdan si adam na wala nang ulo.
To Be Continue...