Chapter 11

1178 Words
"PAMAHIIN" (Bawal Lumapit Sa Kabaong Ang Buntis At Tumingin Sa Patay Dahil Mamalasin Ka Or Mahihirapan kang Manganak) ✍️Mr. Anel ?: 11 "Teka!" sambit ni drake at agad na tumakbo ng mabilis, pero hindi na napigilan ni drake dahil nakarating na sa harap ng kabaong ang babaeng buntis habang umiiyak. Nanlaki ang mga mata ni drake at nagsalita. "MALAS YAN! BAKIT KA LUMAPIT! MAMALASIN KA!" dagdag pa niya. ngunit nagtaka lang ang babae sa reaksyon ni drake at hindi binaliwala. Gusto mang awatin ni drake ang babae pero nagsalita ang mama ni adam. "Pamahiin lang yan." sambit pa niya. "Hindi yan totoo." dagdag pa niya. "Pero tita, di lang po si adam ang namatay." sagot pa niya. At dito nga ay napatigil ang mama ni adam at nagtaka. "Ano ulit?" sambit pa sa mama ni adam. "Tita, it's kinda wierd.. Pero hindi lang po si adam ang namatay." pagsasalita pa ni drake. "May dalawa pa kaming kaklase ang namatay, yung isa ay si erol, yung matabang palaging kasama ni drake. Yung matabang kasabay ni adam papunta sa school." saad pa ni anna at dahil nga dito ay nagulat si tita at agad na tumingin sa babaeng buntis. "Wala namang nangyare sa kanya." sambit pa ni tita. "Wala pa po, dahil ang pamahiing yan ay para sa mga buntis at mahihirapan silang manganak." pagpaliwanag pa ni drake. Tumango lang si tita at parang hindi naniniwala sa sinasabi drake kaya umalis ito at nagtungo sa kusina para mag bigay ng mga kape. Ilang oras ang lumipas at alas dose na ng hating gabi at napabusy si anna at drake sa kakaasikaso nang biglang nagpalaaman ang babaeng buntis na umalis dahil may pasok pa sa trabaho ang kanyang mister. "Mauna na ako ate, ikaw nang bahala dito ha." sambit pa niya. "Okay mag iingat ka." saad pa ni tita. At agad na umalis ang babaeng buntis hanggang sa makalabas siya ng bahay Pero may kakaiba, dahil habang naglalakad siya ay may isang lalaki ang nag mamasid sa kanya kaya napahinto ang buntis at tinitigan ang lalaki na nakatayo sa gilid ng kalsada tsaka nagsalita. "Alexis?" saad niya. Ngumiti lang ang lalaki. "So, tama nga? Haha bakit ka nanjan, diba ikaw yung kaklase ng inaanak kong si adam? Dapat nandun ka sa loob ng bahay." pasigaw pa niya dahil medyo nasa malayo si alexis. Ngunit hindi ito gumalaw at nanatiling nakatayo habang nakangiti kaya nag tataka ang buntis. "Hello?" sambit pa ng buntis ngunit hindi talaga nag response si alexis kaya napagpasyahan niyang lumapit. "Hoy ikaw na bata ka! Pumasok ka sa loob, bakit ka nanja-..." Naputol ang pagsasalita ng buntis nang makita niya ang mukha ni alexis, wala itong mga mata at ang bibig ay bumubula ng mga dugo. Kaya natakot siya at dahil sa takot ng buntis ay nagmamadali siyang tumakbo pabalik sa loob ng bahay. "Aaaaahh!!! Tulloonggg!!!" Sigaw niya habang tumatakbo kahit nakatayo lang si alexis. "Tulonngg!!!" dagdag pa niya. Sobrang kaba ang naramdman ng buntis, nagpapanik ito at hindi nag iisip ng maayos. Kaya habang tumatakbo siya ay hindi niya namalayan na may bato palang nakaharang sa daan at dahil nga don ay nadapa ang buntis at nauna ang tyan sa lupa, dahilan kaya sumakit ang Kanyang tyan. "Aahhh!!" sigaw niya at agad na tumingin sa likod at nakita niya si alexis na nakatayo parin sa gilid ng puno habang ngumingiti. Dahil jan ay sumigaw siya ng tulong at narinig ito ni drake kaya agad siyang pinuntahan. "Tulong!!" Sambit pa niya nang makita niya si drake na tumatakbo papunta sa kanya at nang makarating na si drake ay agad siyang inilalayang maka tayo at aakmang aalis nang biglang may napansin ang babae. "A-a-aray!" saad pa niya sabay hawak sa kanyang puson. Napatingin si drake sa puson at nakuha nga ang kanyang atensyon sa tela ng daster ng buntis na napakaraming dugo. "Aray! Ang s-sakit ng puson ko!" saad pa niya at napansin ni drake na parang may gumagalaw sa loob ng daster kaya kinabahan ito. Dahan dahang binitawan ni drake ang buntis mula sa pagka alalay at yumuko tsaka humarap sa may bandang p*k£han at tiningnan niya ang daster. "May gumagalaw nga." hinang sambit niya kaya nagtaka ang buntis at tiningnan niya ang ibaba sa may bandang p*k£han niya at nakita niya na may gumagalaw kasabay nun ay may napakaraming ihi ang lumalabas. kaya kinabahan siya. "Huwag kang gumalaw." hinang saad ni drake at dahan dahan niyang hinawakan ang daster at hindi tumigil sa kakagalaw ang nasaloob. Parang may maliit na nagduduyan? Or nag si-swing? Kaya agad na tinaas ni drake ang daster at bumungad nga ang isang f£tus na patabyog tabyog habang nakakonekta ang puson ng f£tus sa atay. Nagulat si drake at agad na napasigaw. "WAAAHH!!" Sigaw pa niya at nabitawan ang daster tsaka napaatras sa gulat. Dahil sa reaksyon ni drake ay dali daling tinaas ng buntis ang tela at dito nga ay nakita niya ang isang malapit nang maboung bata, may katawan na ito at mga kamay, may mga paa at talagang anyong bata na ang mukha. Nanlaki ang mga mata ng buntis nang makita niya ang kanyang anak na nakalabas at nakita niya ang ulo nito na nabasag. Dahilan para mamat@y. Agad na sumigaw ng sumigaw ang babae at hindi na alam ang kanyang gagawin, kinuha niya ito at niyakap, napaupo ang babae at halos mawawala na sa pag iisip. Maya maya pa ay dumating na sila anna at sila tita sa kinaruruonan nilang dalawa at nakita ni anna si drake na parang tumitigas at walang imik habang nakatitig sa babae at niyakap ang walang buhay niyang anak. Napaupo si anna sa nakita at sila tita naman at tito ay inasikaso ang babaeng buntis habang umiiyak. Dali daling dinala sa doktor ang babae at nagwawala ito habang nasa sasakyan. Ilang oras ang nakalipas at nakarating na sila sa hospital at dali daling inasikaso ng mga doktor ang babae. Maya maya pa ay lumabas ang doktor sa room at nakipag usap nila tita at tito. "Nawala na ang babae sa katinuan." sabi ng doktor. "Hindi na namin siya maawat, kailangan na ninyo siyang dalhin sa mental. Im very sorry." dagdag pa niya At umalis. Dahil nga dito ay dali dali silang nag tungo sa mental hospital, kalahating oras ang lumipas ay nakarating na sila at agad na tinulungan ng mga doktor doon. Dali daling tinurukan ng mga pampakalma pero hindi ito kumalma at nagpatuloy sa pag iiyak habang tumatawa, kaya tinurukan siya ng pampatulog tsaka marami pang iba. Ilang oras ang lumipas at nag umaga na tapos saktong nagising na ang babae sa loob ng room kung saan siya nilagay at kinulong. Mismong pagkagising ng babae ay agad itong tumatawa at maya maya ay umiiyak. nawala na nga ito sa katinuan at napagpasyahan nilang ilagay nalang sa mental hanggang sa gumaling. Nakakaawa ang babaeng buntis dahil nabasag ang kanyang pag iisip at tuluyan nangang nasiraan ng bait. Sa mga nangyayare ay isa lang ang masasabi ko, dahil nilabag niya ang pamahiin, dapat handa rin siyang harapin ang malas dulot nito. To Be Continue...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD