Capitulo Treinta y seis

1020 Words

"Ano na, JC? Ba't parang nanginginig ka 'ata?" Nasa harapan ko si Sabrina kasama ang mga bagong n'yang alipores na hindi ko alam kung taga sa'ng selda. Biyernes ngayon at nagtatanim kami ng kamote. Iigib sana ako ng tubig nang hinarangan ako nina Sabrina. Akala ko wala na talaga s'yang planong guluhin ako, dahil no'ng nakaraang labasan namin ay hindi n'ya ako ginulo at nakatingin lang sa 'kin nang masama habang gumagawa kami ng basahan. Pero, 'eto s'ya at nakangisi nang nakakaloko sa harapan ko. Ayaw ko s'yang patulan ngayon, dahil bukas ang dalaw ni Emmanuel. Hindi sa ayaw kong makatanggap ng mga suntok at magkapasa sa mukha, kung hindi ayaw kong matapon na naman sa underground cell. Kapag nagkataon, hindi ko makikita si Emmanuel. Kaya umiiwas ako sa bawat harang nila sa 'kin. Nan

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD