Ilang minuto din ang lumipas bago humupa ang tensiyon na nadarama ko ng sandaling iyon. Tila naman nahulaan ni Jake ang pagka iritable ko at pagkuwa'y tinapik niya ako sa balikat.
"Sandy, kilala mo ba ang lalaking 'yon?" tanong nito sa'kin.
"Ah-eh, hindi ko siya kilala." tipid kong sagot sa kanya. Kaya naman bigla ay pinagtaasan niya ako ng kilay sabay halukipkip ng dalawang kamay.
"Eh, bakit parang nahihiya ka sa kanya kanina? tell me, siguro crush mo 'yung mokong na 'yon?" tanong niya sa'kin ng may pagtatantiya.
"Tigilan mo nga ako Jake!" iritable kong singhal sa kanya. Kaya naman bigla itong humagalpak ng pagtawa at pagkuwa'y sabay talikod sa akin.
Iiling-iling lamang akong nakatingin sa kanya habang patungo ito sa storage room.
Maya-maya pa ay gulat na gulat akong napalingon sa may pintuan ng Convenience Store. Bumungad sa akin ang humihingal na lalaki papalapit sa counter na kinaroroonan ko.
Tila namukhaan ko ang lalaki dahil isa ito sa kasama ng lalaking hinahangaan ko.
"Miss, pwede ko daw ba makuha ang number mo?" bigla ay tanong nito sa'kin na agad ko namang ikinabigla.
"Ku-kukuhain mo ang number ko?" nagtataka ko na tanong sa lalaki.
"Yes, ipinakukuha ni Williard," muli ay sagot nito sa akin.
"A-ano na Miss, ibigay mo na sige na please? yari ako nito kapag hindi mo ibinigay ang number mo." ani to.
Kaya naman dali-dali akong naghanap ng papel at ballpen at pagkuwa'y isinulat ko ang aking numero.
Nagtataka man ay agad kong iniabot ang papel sa kanya ng walang pagdadalawang isip.
Nang makuha nito ang papel ay mabilis itong tumalikod at tumakbo papalabas ng Store.
Naiwan naman akong tulala at nakatitig lang sa papalabas na lalaki. "Bakit kaya niya kinuha ang number ko?" nagtatakang tanong ko sa aking sarili.
Ilang minuto din akong napahinto sa aking ginagawa at paulit-ulit na tinatanong sa'king sarili kung bakit nagkainterest itong kuhain ang numero ko. Samantalang kanina lang ay kagaspangan ng ugali ang ipinakikita nito.
Hanggang sa hindi ko namalayan na nasa tabi ko na pala ang katrabaho kong si Jake. "Sandy, tulala ka na naman di'yan?" tanong nito at sabay abot sa'kin ng Juice.
"Thank you, saan mo naman ito nakuha? mukhang bago natin itong stock ah?" nagtatakang tanong ko sa kanya.
"Huwag mo ng isipin 'yun ang mabuti pa, magmeryenda ka muna,"suhestiyon nito kaya naman agad kong ininom ang Juice na iniabot niya.
Matapos ang shift ko ng araw na 'yun pasado alas sais na ng umaga ng matapos ako. Kaya naman dali-dali na akong nagpaalam kay Jake at mabilis na nilisan ang Store.
Puyat at pagod man ang aking katawan ng umagang iyon ay pinilit ko paring maglakad papunta sa sakayan ng Jeep pauwi sa amin.
Habang naghihintay sa waiting shed bigla ay nagring ang aking telepono. Nang kuhain ko iyon mula sa'king bulsa agad rumehistro ang unregistered number mula sa screen ng aking telepono.
Kaya naman agad akong kinutuban kung sino ang tumatawag na ito sa akin. Habang patuloy lamang akong nakatitig sa screen.
Dahan-dahan ay agad kong sinagot ang tawag at agad bumungad sa akin ang pamilyar na boses na iyon ng lalaki.
"He-hello? Is this Sandy?" tanong nito sa kabilang linya.
Bigla ay tila may kabayong naguunahan sa aking dibdib sa bilis ng t***k nito. Lalo na ng sambitin niya ang aking pangalan.
Maya-maya pa ay inulit muli nito ang pagtatanong sa kabilang linya. "I said, is this Sandy, the girl on the Convenience Store?" tanong muli nito sa kabilang linya.
"Ye-yes, who is this speaking?" Paniniguro ko kahit na ang totoo ay alam ko na kung sino siya.
"Okay, by the way My name, is Williard," pakilala nito.
"Okay then, ba-bakit mo nga pala kinuha ang number ko?" Ngi-ngiti ngiting tanong ko dito.
"Ahm, I wan't to be friend with you. Okay lang ba?" tanong nito kaya naman bigla ay kinilig ako at impit na napatili.
Bago sagutin ang tanong nito ay huminga muna ako ng pagkalalim-lalim upang kumalma ang nagwawala kong puso ng dahil sa kilig ng oras na iyon.
"Ye-yeah su-sure, 'yun lang pala eh," kinikilig kong sagot dito.
Kaya naman matapos ang paguusap namin ng umagang iyon ay tila nawala ang antok, pagod, at puyat na kanina lang ay nagpaparamdam sa'kin.
Ako na ata ang pinakamasayang babae ng umagang iyon dahil sa wakas ang lalaking inaasam-asam ko at matagal kong pinapangarap ay heto at nakikipagkaibigan na sa akin.
Nang makauwi na ako sa bahay. Napalitan bigla ang ngiting kanina lang ay walang sukat paglagyan ng tumambad sa akin ang mainit na ulo ng aking Madrasta.
"Hoy! Sandy, alam mo ba na naaksidente ang Papa mo sa trabaho? alam mo ba na kagabi pa ako tawag ng tawag sa'yo pero hindi mo sinasagot ang telepono mo?" paninita nito sa akin.
Kaya naman agad bumalot ang kaba sa aking dibdib at lumandas ang luha sa aking pisngi. "Na-nasaan po si Papa ngayon? saan po siyang hospital naconfine?" sunod-sunod na tanong ko sa aking madrasta.
Ngunit sa halip na sagutin ako ay agad niya akong tinalikuran at padabog na pumasok sa loob ng kwarto.
Hindi ko malaman ang aking gagawin ng sandaling iyon kung paano ko aalamin kung saang hospital naroroon ng aking ama.
Dali-dali ay tinipa ko ang aking telepono at tinawagan ang numero ng aking Papa. Ngunit panay ring lamang ito.
"Please Papa, sagutin mo na ang telepono please." wika ko habang patuloy parin ako sa pag dial.
Maya-maya pa ay bigla na naman akong sinigawan ng aking Madrasta na siyang ikinagulat ko. "Tanga ka ba talaga Sandy, paano ka sasagutin ng Papa mo eh, wala siyang malay doon sa hospital!"
Agad akong nakiusap kay Tita Fe na sabihin sa'kin kung saan nakaconfined si Papa. Subalit bago nito sinabi ay inutusan muna niya akong maglinis at labahan ang mga damit.
Kaya naman agad kong sinunod ang mga inuutos nito sa akin ng walang pagaalinlangan. Alang-alang sa impormasyon na ibibigay niya kung nasaan na aking ama.
Matapos kong sundin lahat ng ipinaguutos niya ay tumupad naman siya sa aming napagkasunduan at agad iniabot ang address ng hospital na kinaroroonan ni Papa.
Walang patid sa pagtulo ng aking luha ng mga sandaling iyon dahil sa pagaalalang aking nadarama para sa aking ama.
Nang marating ko ang hospital ay agad akong nagmamadaling pumunta sa Information desk ng hospital at inalam kung naroroon ang pangalan ng aking ama.
Matapos kumpirmahin na naroroon nga ay dali-dali akong tumungo sa kwarto na itinuro ng Nurse at tumambad sa akin ang katawan ng aking walang malay na ama.
Punong-puno ng hinagpis ang aking puso ng pagmasdan ko ang madaming galos at sugat nito sa katawan lalo na ng makita ko ang madaming aparato na nakakabit dito.
"Papa! gumising ka na di'yan, please." Humahagulgol kong pagmamakaawa habang niyuyugyog ko ang walang malay nitong katawan.
"Miss, are you the relatives of the patient?" bigla ay tanong ng lalaking nakasuot ng kulay green na scrub suit na sa pagtatantiya ko ay staff ng hospital.
"O-opo, kayo po ba ang nagaasikaso sa Papa ko?" Tanong ko dito at agad naman itong tumango at pagkuwa'y isa-isang ipinaliwanag kung ano na ang kondisyon ng aking ama.
Ngunit ang nakapagpagulat sa akin ay ang huling sinabi nito na kailangan maoperahan ang aking ama. Sa lalong madaling panahon dahil sa brain hemorrhage o may dugong namuo sa ulo nito na kailangan na tangalin.
Pe-pero paano ko magagawang ipaopera si Papa gayung malaking pera ang kailangan idown at wala akong ganoong kalaking pera.
Maya't- maya ay rumerehistro ang halaga ng kakailanganing perang dapat idown para masimulan ang pagoopera. Kaya naman sa kakaisip ko ng solusyon ay hindi ko namalayan na dinadala ako ng aking paa papalabas ng hospital.
Hanggang sa isang pamilyar na boses ang biglang tumawag sa aking pangalan. "Sandy!" Malakas na sigaw nito ngunit bigla ay nanghina ang aking mga tuhod at pagkuwa'y nag-dilim ang aking paningin