Habang nag-aalok ako ng alak sa isang bagong dating na customers ng Bar na iyon. May tila isang babae ang bigla ay tumawag sa akin. "Hey, It's you Sandy, right?" pangungumpirma nito habang naglalakad papalapit sa kinaroroonan ko.
kaya naman inaninag ko siyang mabuti dahil medyo madilim ang ilaw ng loob ng Bar. Ng maalala ko na kung sino siya ay agad sumilay ang ngiti sa aking labi.
"Pinky? oh my god, long time no see! kamusta ka na?" excited ko na tanong sa kanya at pagkuwa'y niyakap namin ang isat-isa na may pagkasabik.
"My god Sandy, kamusta ka na? grabe ang ganda mo na lalo. Nga pala diba graduating ka na this year? So, dito ka pala nagtatrabaho?" nagtatakang tanong niya sa'kin.
"Ye-yes. Dito ako nagpapart-time." Malungkot kong sagot sa kanya at pagkuwa'y inalok ko ang ibang customers na bagong dating.
Ng matapos ang pag-aalok ko ay muli kaming bumalik sa paguusap. "Nga pala, kamusta na si Tito Ferdie? kinakamusta siya ni Mama." Tanong muli nito.
Subalit bigla akong napayuko at pagkuwa'y pumatak ang aking mga luha. Kaya naman agad nag-alala si Pinky at niyaya akong makaupo sa bakanteng upuan.
"Hey, may nasabi ba akong mali Sandy? bakit ka umiiyak? may problema ba kayo ni Tito Ferdie?" sunod-sunod na tanong nito.
"Pinky, wa-wala na si Papa." Humahagulgol kong sagot sa kanya. Kaya naman bigla itong napatakip sa kanyang bibig at pagkatapos ay niyakap ako ng mahigpit.
"I'm sorry Sandy, hi-hindi ko alam. Bakit hindi mo man lang sinabi sa'min na wala na pala si Tito." Sagot din nito habang umiiyak.
"Pasensiya na Pinky, hindi ko alam kung paano ko ipaaalam sa inyo. Masyado akong tuliro noong mga panahon na 'yon. Nawalan din ako ng contact sa inyo dahil nadukot ang dati kong phone." Paliwanag ko sa kanya.
"Kaya pala nitong mga nakaraan palaging napapanaginipan ni Mama si Tito. Wala na pala siya." Ani Pinky habang pinapahid ang mga luha.
Matapos ang madamdamin naming paguusap ni Pinky. Hinintay niyang matapos ang duty ko ng gabing iyon at pagkuwa'y isinama niya ako sa bahay nila sa kapatid ni Papa.
Kaya naman agad kong sinabihan si Cyrus sa plano kong hindi paguwi sa apartment.
Batid kong pagagalitan nila ako dahil sa hindi ko pagawa ng paraan upang maipaabot sa kanila ang sinapit at kamatayan ni Papa. Tila naman nabatid ng pinsan kong si Pinky ang aking pangamba at pagkuwa'y mariiin niyang hinawakan ang aking palad.
"Huwag ka ng mag-alala Sandy, mauunawaan ka naman nila Mama at Auntie. Pagpapakalma nito sa akin habang nagmamaneho ito ng sasakyan.
Hindi nagtagal at narating namin ang bahay ng pinsan kong si Pinky. Sa unang pagtapak palang ng paa ko sa bahay nila ay agad nanlambot ang aking mga tuhod. Hindi dahil sa takot sa aking mga tiyahin kung hindi dahil sa lungkot na aking dinadamdam.
Maya-maya pa ay agad bumungad sa amin ni Pinky ang nakangiting si Tita felice at pagkuwa'y excited akong niyakap nito ng mahigpit. "My god, kamusta ka na Sandy? bakit, para atang namamaga ang mga mata mo. Umiyak ka ba?" nagaalalang tanong agad nito sa akin.
Kaya naman napayakap muli ako ng mahigpit kay Tita Felice. "What's wrong iha? may problema ba?" muli ay nagaalalanh tanong ni Tita.
Subalit hindi ko alam kung paano ko sisimulang ipaliwanag sa kanya ang mga nangyari kay Papa. Hindi na nakatiis si Pinky at pagkuwa'y ito na ang nagpaliwanag para sa'kin.
"Ma. Huwag kang mabibigla wa-wala na si Tito Ferdie, Ma, pa-patay na si Tito." Naiiyak na paliwanag ni Pinky. Kaya naman bigla ay napakalas mula sa pagkakayakap sa'kin si Tita at pagkuwa'y umiiyak ako nitong pinilit magpaliwanag sa mga nangyari kay Papa.
Noong una ay tila sumama ang loob nito sa akin subalit ng ipinaliwanag ko na ang lahat simula sa pagkakahiwakay ni Mama at Papa. Pati narin sa pagkakaroon ng bagong kinakasama ay nagkaroon na siya muli ng simpatya sa akin.
Lahat ay ipinaliwanag ko sa kanya hanggang sa maunawaan niyang mabuti ng sitwasyon naming mag-ama.
Kaya naman matapos ko ipaliwanag sa kanya ay nahabag ito sa aking sitwasyon at hiniling na doon na ako mamalagi sa poder nila ng pinsan kong si Pinky. Ngunit tumangi ako dahil mayroon akong pangakong pinaghahawakan kay Papa bago ito ilibing. Na siyang kailangan kong tuparin.
Magpapaalam na sana ako at uuwi sa apartment subalit hiniling ni Tita na doon na ako magpalipas ng gabi at magpahinga dahil masyado ng gabi. Kaya naman upang hindi ito magalala ay pinagbigyan ko na siya sa kanyang kahilingan.
"Sandy, kung ano man ang kakailnganin mo pa huwag kang mahihiyang humingi ng tulong sa amin ng Pinsan mo." Habilin ni Tita sa'kin.
"O-opo Tita." Sagot ko at pagkuwa'y niyakap muli ako ng mahigpit ni Tita at nagpaalam na ito upang makapagpahinga na at matulog.
Naiwan kami ni Pinky sa living room at doon muli ay nagkwentuhan kami hanggang sa doon na namin naisipang matulog kagaya ng nakasanayan namin dati noonh bata pa kami.
Kinabukasan ginising ako ng pag tunog ng aking telepono at ng silipin ko iyon ay rumehistro doon ang numero ni Williard. Kaya naman agad ko itlng sinagot.
"Good morning Sandy, nagising ba kita?" bungad agad nito sa akin. Habang ako ay nagmamadaling bumangon sa higaan.
"Ah, hindi naman kakagising-gising ko lang din. Bakit pala maaga ka tumawag?" tanong ko.
"By the way, gusto sana kita iinvite." Ani Williard.
"Saan naman?" nagtataka kong tanong dito.
"Ka-kasi birthday ko this coming friday. Kung may free time ka sunduin sana kita." Paliwanag nito.
Ngunit matagal bago ako sumagot dahil sa mga commitments ko sa aking part time job. "Ah, susubukan ko Williard huh, kasi mayroon akong duty ng araw na iyon pagkagaling ko sa school." Paliwanag ko.
"Okay, sige. I'll remind you na lang again that day." Sagot nito at pagkuwa'y nagpaalam na.
Tila tuloy ako nanlumo ng ibaba ko ang telepono dahil sa hindi ko man lang mapagbibigyan ang hiling nito. Kaya naman bigla ay nakaisip ako ng paraan upang makapunta sa kaarawan nito.
"Uy, gising ka na pala Sandy. May pasok ka ba sa School or sa mga part time mo?" Agad ay tanong ni Pinky habang pupungas-pungas.
"Ah, mamayang 12 pm pa naman saka isang subject lang 'yun kailangan kong attenand. Then 6 pm pa ang pasok ko sa Bar." Paliwanag ko.
Agad ay bigla akong niyakap ni Pinky ng mahigpit ng ipaliwanag ko ng routine ko.
"Siguro, nahihirapan ka na sa sitwasyon mo. Bakit hindi mo na lang tangapin ang inoofer ni Mommy na dito ka na tumira at siya na ang bahala sa lahat. Para na rin hindi ka na mahirapan magtrabaho. Sige na Sandy, pumayag ka na." Pamimilit nito.
"Pasensiya na Pinky. Pero kaya ko naman eh, at saka diba nga sabi ko sa'yo may pangako ako kay Papa na kailangang tuparin. Kaya kahit ano man ang mangyari kailangan ko 'tong kayanin na mag-isa." Paliwanag ko.
"Okay, hindi ka naman namin mapipilit sa desisyon mo. Mabuti pa tara na at kanina pa kumakatok si Mamang mona sa atin. Ready na siguro ang breakfast." Ani Pinky at pagkuwa'y hinatak na ako papunta sa kusina.
Matapos kaming kumain ay agad akong nagpaalam kay Pinky at kay Tita Felice. Ngunit gulat na gulat ako ng mayroong iabot na puting sobre si Tita Felice na sa tansiya ko ay pera ang nilalaman.
"Naku, tita. hindi ko po ito matatangap, pasensiya na po." Sagot ko at agad kong ibinalik ang sobre kay Tita. Subalit hindi nito iyon tinangap.
"Sandy, tangapin mo iyan iha, malaking tulong 'yan para sa pagaaral at pangastos mo araw-araw. Hindi ako makakatulog ng maayos kapag hindi mo tinangap iyan. Gusto ko kahit wala na ang Papa mo, may nagawa man lang ako para sa inyo. Kaya iha, nakikiusap ako tangapin mo na iyan sige na Sandy." Pakiusap ni Tita kaya naman kahit labag man sa aking kalooban na tangapin ang pera ay wala na akong nagawa pa upang ibalik pa iyon kay Tita Felice.
Nang makauwi ako sa Apartment ay malungkot akong humiga sa kama at pagkuwa'y naalala ko muli ang aking Papa. Muli ay may mununting luha ang lumandas sa aking pisngi.
Maya-maya pa ay biglang tumunog ang doorbell ng aming pintuan. Kaya naman dali-dali akong lumapit at sinilip sa maliit na butas kung sino ang taong naroroon sa labas.
Nang makumpirma ko kung sino ay agad ko itong binuksan. "Wi-williard? paano mo nalaman na nandito na ako." Nagtataka kong tanong sa kanya.
"Ah, kanina pa ako nagaabang sa'yo sa labas. Gusto ko sana na personal kitang mainvite. By the way here is my invitation card. Sa hotel kasi gaganapin ang party ko so kakailanganin mo 'yan if ever na makakapunta ka." Paliwanag nito.
"Naku ikaw talaga, nag abala ka pa." Sagot ko habang binubuksan ang invitation card. Subalit bigla ako naconcious ng titigan na naman niya ako ng malagkit.
"Ah, gusto mo ba ng maiinom?" agad kong tanong sa kanya upang maalis ang pagkakatitig nito sa akin.
"Su-sure." Sagot niya at umupo na sa sofa. Habang ako ay agad pumunta sa kusina upang gawan siya ng maiinom.
Bago ko iserve ang maiinom sa kanya ay sinilip ko muna siya mula sa kusina at pagkuwa'y inayos ko ang aking sarili. Agad akong lumabas at isinerve sa kanya ang inumin.
"Thanks Sandy." Ani Williard sabay abot sa baso ng juice.
"Nga pala williard, pwede ko ba na malaman kung magkano ang nagastos mo sa operasyon ni Papa pati na rin sa burol niya. Gusto ko sana magbayad na ng paunti-unti." Tanong ko.
"Sandy, sa totoo lang wala na akong plano pa na singilin ka. Kaya huwag mo ng alalahanin pa 'yun okay," ani Williard.
"Naku, hindi naman pwede 'yun williard. Ipinangako ko sa'yo na magbabayad ako kahit anong mangyari. Kaya sana hayaan mo na bayaran kita. Pwede mo na bang ibigay ang bank account mo para doon ko ihuhulog ang bawat ibabayad ko?" Pamimilit ko sa kanya.
Subalit sa halip na sumagot ito ay bigla na lamang tila sumama ang timpla ng mukha nito at pagkuwa'y lumabas na.
"Sa-sandali lang Williard. May nasabi ba akong mali?" tanong ko habang hinahabol ko siya palabas ng bahay. Kaya naman bago pa siya makarating sa sasakyan niya ay agad kong iniharang sa daraanan niya ang aking katawan.
"Williard naman, ano ba kasi ang nasabi kong mali? please kausapin mo naman ako." Pakiusap ko dito.
"Look Sandy, hindi ako pumunta dito para singilin ka. I am here because nagaalala ako sa'yo palagi. Kung ano man ang naitulong ko sa Papa mo hindi ko iyon pinababayaran sa'yo." Tila galit nitong paliwanag.
Kaya agad naman ako napayuko sa sinabi niya. "Pe-pero Williard. Bakit mo ako tinulungan kung wala ka naman pala planong pabayaran sa'kin ang lahat ng ginastos mo." Tanong ko dito.
"Because, I like you Sandy." Pag-amin nito kaya naman biglang bumilis na naman ang t***k ng aking dibdib sa mga sinabi niya. Habang titig na titig ito sa akin.