CHAPTER 11
ARAW nang check up niya ngayon, kaya sasamahan daw siya ni Harvey. Naghahanda na siya para sa pagpunta sa clinic. Mamayang hapon bibisitahin siya ng mga kaibigan kasi nakasanayan na ng mga ito na after niya ng check-up bibisitahin siya at kukumustahin ang pagbubuntis niya.
Natataon kasi madalas na wala ang dalawang lalaki na sina Harvey at Niccolo tuwing check-up niya. Sinasabi niya na lamang sa mga ito kapag nakabalik na ito sa Pilipinas.
After niya makapaghanda ng sarili, lumabas na siya ng kuwarto at nakita niya si Harvey sa sala na hinahanda ang disguise looks nito. Mahirap na baka may makakilala sa kanya at dumugin ito. Wala pa naman si Mr. Niccolo ngayon, may pinagawa raw s’yang trabaho rito. Kaya ito ang sasama sa check-up niya. Excited din ang binata na sumama sa pagpapa-check up n’ya. First time raw ito sa kanya sabi nito. Kaya gano’n na lang ang excitement sa mukha nito.
“Are you ready? Let's go?” nakangiti itong inaya na siya paalis.
Pagbaba ng building ng unit nila, agad silang sumakay sa itim na sasakyan na pagmamay-ari nito pero hindi s’ya ang driver. May hi-nire siyang driver dahil ‘di naman nito kabisado ang lugar na pasikot-sikot sa ka-Maynilaan. At isa pa foreigner ito kaya hindi allowed na mag-drive. Unless kung may license na ito na gawa dito sa Pilipiinas.
After couple of minutes, nakarating na sila sa clinic. Hindi masyado malayo ang clinic sa condo nila kaya madali lamang ang biyahe. Inalalayan siya nito lumabas ng kotse. Iniingatan na huwag matumba.
“Sweet naman ni mahal ko.” piping usal n’ya.
“Ano kaya kung maging jowa niya ito siguro super mapagmahal ito sa kanya. Ngayon pa lang nakikita n’ya nang protective ito lalo kung tungkol sa kanya. Sa kanya nga ba or para lang sa baby? Hay!” usisa ng isip, sabay buntonghininga niya
Pagkapasok nila sa clinic agad bumungad sa kanila si Dra. Zanches na nakangiti medyo nagulat lang nang makita ang kasama n’yang nakashades na itim, naka-sumbrero, long sleeve na color blue at jeans. Simpleng porma lang na parang hindi royal outfit. Ganern! Disguise nga, eh!
Sa halos tatlong linggo niya itong kasama sa loob ng unit, nakasanayan niya na rin ito at nakita niya gaano lang ito ka simple manamit sa loob ng bahay. Hindi mo kakikitaan ng royalty attitude. Akala niya sa news lang sinasabi na mabait ito. Totoo nga pala itong mabait. Kaya nahuhulog na siya ng sobra rito pero secret lang. Nakakahiya, eh. Isang commoner at isang royal blood na kay guwapo. Hindi bagay!
“Ah siya nga pala ang representative ni Mr. Niccolo, Doc, busy kasi ngayon si Mr. Niccolo, eh.” Iyon na lang ang pakilala niya rito para ‘di na magtaka. Sanay kasi itong si Niccolo ang nakikita tuwing check up niya.
Para ngang iyon ang tatay dahil napaka-supportive lagi. Pero ngayon iyong totoong tatay ng baby ang kasama niya. Hindi nga lang puwede sabihin sa doctor dahil baka mag-eskandalo ito. Magulat pa ito na ang client niya pala ay lord o prinsipe na in ng bansang Scotland.
“Ako nga nagulat siya pa kaya?” ani sa isip niya.
Pinaghanda na siya nito. Sinuot niya na ang hospital gown at pinahiga sa bed. Ultrasound niya ngayon para makita kung ano na ang development ng baby.
Nilagyan ng parang gel ng doctor ang tiyan niya at tinutok doon iyong apparatus na naka-konekta sa monitor ng ultrasound.
“Oh my ghad!” eksaheradang ani ng doctor.
Kinabahan siya bigla baka kung ano na nangyari sa baby niya. Napansin niyang medyo nagpanic din ang kasama niya pero hindi lamang nagpahalata.
“Ba-bakit, Doc, ano po ang nangyari? kinakabahan niyang tanong.
“Well your baby is not just one but two. Kaya pala medyo malaki ang tiyan mo for four months pregnancy. May hinala na ako pero gusto ko makasiguro sa ultrasound na ginawa natin. Tama nga ako kambal ang baby mo. Next month na pagbalik mo puwede na natin malaman ang gender nila.” mahabang imporma nito sa kanya ng doctor. Nakahinga naman siya ng maluwag pero nanlalaki ang mga mata dahil sa nalaman.
“Kambal?” tanong niya.
Tumango lamang ang doctor na nakangiti sa kanya.
Kita n’yang kunot ang noo ng kasama niya pero binalewala muna niya ito. Mamaya niya na sasabihin dito dahil alam niyang hindi nito maintindihan ang sinabi ng doctor.
Matapos siya check up-in ng doctora, nagpaalam na sila rito. Binigyan siya ulit ng panibagong vitamins kasi dalawa raw iyong baby. Kaya extra careful siya dapat. At pati na rin sa mga vitamins para healthy raw ito paglabas. Masaya ang puso niya pero agad din napalitan nang kalungkutan dahil hindi niya makakapiling ang mga ito paglaki. Alam niya naman ang kinatatayuan niya, eh.
Nagulat siya ng hinawakan ni Harvey ang kamay niya at iginiya sa kotse. Pagpasok nila agad siyang tinanong nito.
“So, what's the doctor says? I don't understand much of what she was saying a while ago, she's speaking your language.” nalilitong tanong ng binata sa dalaga.
“Ahm, she said that the baby in my tummy is two twins. It explained her instinct when she saw me awhile ago that my tummy is like double the size bigger than the normal pregnancy. And she gave me additional vitamins so the babies we're healthy once they were born. “ paliwanag ng dalaga rito. Nauubos na ang English niya mula nang makasama niya ito.
Hindi sya pwede magsekreto rito. Everything should be in details according to him when it comes to her conditions and the baby.
Napangiti ito ng maunawaan na ang sinabi ng doctor. Napaigtad siya bigla ng haplusin nito ang tiyan niya.
“Oh my babies, be a good child inside mummy's tummy,okay, so you will be healthy when you see the world, my babies.” ani nito na parang naiiyak.
Parang hinaplos ang puso niya dahil sa naging reaction nito. Feeling niya talaga asawa niya ito na tuwang-tuwa na magkaka-baby na sila. Pero reality hits her again. Babymaker nga pala ang kinatatayuan niya.
“Hay, kung puwede lamang balikan ang sitwasyon ginawa ko na. Iba pala feeling ng magiging ina kana.” wala sa sariling wika niya.
Masarap sa pakiramdam kahit ‘di pa man lumalabas ito at feeling niya isa na siyang ulirang ina. Pero kapag nailuwal niya na ang mga babies, doon na siya magiging pabayang ina. Hindi n’ya man gusto ang mangyayari after she gave birth pero iyon ang nakatakda. Bigla siyang nalungkot pero binawi rin agad nang mapansin nakamasid sa kanya ang binata.
“What's with the look? Do you feel anything bad? Are you okay? tanong nito.
“I'm okay lor- I mean Harvey.”
Kahit na mag-tatlong linggo na silang magkasama hindi pa rin siya sanay na tawagin lang ito sa pangalan. Syempre crush niya at royal blood pa. Nahihiya siyang talaga!
Dumaan muna sila sa pharmacy para bilihin ang reseta ng doctor then nag-grocery ng kaunti dahil nagci-crave na naman siya. Gusto niya ngayon kambal na strawberries. Ewan ba bigla n’ya na lang naisipan iyon ang kainin. Good thing habang namimili sila ng strawberries, eh nakakita siya ng dalawa. Binili ni Harvey iyon para sa kanya. Bumili ng limang kilo. Ganoon siya gustong palamunin nang strawberry.
Pagka-uwi sa condo nandoon na ang dalawa niyang bestfriend pero biglang nagtaka kung bakit may kasama siyang pisngi lang sa mukha at kamay ang makikita lahat nakatakip. Hinila niya na ang dalawa sa loob at pumasok na rin ang lalaki. Agad itong nagtanggal ng cap at shades. Natulala ang dalawa ng mapagsino kung sino ang kasama niya.
Bigla na lamang ang mga itong hinimitay. Dahil hindi niya kaya ang dalawa hinayaan niya na lamang ito sa lapag mahiga. Hindi niya na pinagka-abalahan ang binata na ipabuhat ang mga ito at ihiga sa sofa.
“Weakling talaga itong dalawa. Tss.” Usal niy sabay lakad patunog sa kusina upang uminum ng tubig.
Sanay na rin siya. Noong nakita nga nila Niccolo, namutla at tulala ang dalawa. Ito pa kayang prinsipe ng buhay niya ang nakita nila, malamang sa malamang hihimatayin sila. Siya nga buti na lang nakapagtimpi pa, eh, tulala lang naman siya noon. OA na masyado ang himatayin. Kumuha na lang siya ng sunflower at pinaamoy sa dalawa ang mint smell nito para magising.
“Ang OA ninyo, ah. Really, hinimatay kayo?” sermon niya sa dalawa. Hindi pa rin makaimik ang dalawa. Kaya agad na kumuha ng tubig si Harvey para ipa-inum sa mga ito. Mukhang natuyuan nang laway ng makita siya.
After nang medyo mahimasmasan, si Jenny agad ang nagsalita.
“Girl, bakit nandito ang Lord ng Scotland?” usisa nito sa mahinang boses.
“Siya ang sponsor ng babies ko.” balewalang sambit niya.
“Ano!” sabay na usal ng dalawa.
Napalingon sa kanila si Harvey na nag-uumpisa nang kalikutin ang laptop nito.
“Ahehehe, so-sorry, Sir.” sabay na wika ng dalawa.
“Ang OA niyo talaga.”
“Girl, anong OA? Isang lord ang sponsor mo at kasama mo rito sa condo. At ultimate crush mo, girl OA pa ba ang reaction namin? Nakaka-star-struck sa kaguwapuhan girl.” bulong ni Jenny na medyo kalakasan kaya napalingon sa kanila si Harvey.
Kilala na sila ni Harvey dahil kasama sila sa information na binigay ni Niccolo sa kanya.
Tumayo ito at lumapit sa kanila.
“I'm sorry for not introducing myself to you, guys. My name is Harvey.” Pagpapakilala nito sabay alok nang kamay nito sa dalawang bisita na nakatulala.
Agad siniko ni Sarah ang dalawa.
“Ah, yeah, yeah, we know you, Sir.” unison na ani nila.
Napapailing na lamang si Sarah sa dalawa.
“Good then. I will not introduce myself further to you ‘coz you knew me already.” sagot ng binata.
“Ah, ye-yes, Sir.” ani ni Nica.
Natapos ang pagpapakilala medyo humupa na ang gulat ng dalawa at nagulat silang may pagkain na dumating. Hindi niya namalayan na nagpa-order pala si Harvey para sa kanila.
Hindi rin nagtagal ang dalawa at lumisan na. Masaya ang mga ito sa na lamang kambal ang anak niya. At lalo mas masaya ang mga ito dahil madalas nilang makikita ang lord na pinapantasya nila, na sa social media,TV at magazine lang nila nakikita.
Ngayon in flesh at nakakausap pa ng mga ito. Hindi maimpit ang tili ni Jenny habang nagpapaalam. Parang ayaw pa nga nito umalis kung hindi niya lang tinulak na palabas ng pinto. Ang kukulit talaga ng mga kaibigan niya lalo na si Jenny, tuwing nakakakita ng guwapo daig pa nasilihan ang bayag.
Nagpaalam na muna siya kay Harvey na mapapahinga sandali dahil napagod din s’ya sa kakasaway sa mga kaibigan, hindi siya na pagod sa paglabas nila ni Harvey.
Masaya siya at the same time malungkot dahil alam n’yang may hangganan ang mga ito kapag nailuwal niya na ang kambal.