Episode 7

1489 Words
CHAPTER 7 "Starting today Niccolo and I will visit you time to time if we are here in Manila. I will call you if ever we're going back to my country. I hope you won't get bored here?" wika ni Harvey after nilang kumain. "If it's okay to you, Si-Sir, can I invite my two best friends to come here? Don't worry they know how to keep secret. Rest assured they won't talk to anyone, regarding my situation, so far." pikit matang sabi ng dalaga sa binata. Dalangin niyang payagan siya nito. Baka mabagot siya ng husto kapag wala man lang kumausap sa kanya kundi apat na pader lamang ng kanyang unit. "I will think about it." sagot nito sa kanya. Medyo umaasa siya na pumayag ito sa hiling niya. MAKALIPAS ang tatlong linggo, nakakaramdam na siya ng pagkahilo, at iba pang sintomas ng pagbubuntis. Pero hindi niya pa sinasabi kay Harvey, baka kasi false alarm lang ulit. Gaya nang nangyari noong unang linggo niya sa condo, nagsuka siya dahil may hindi siya nagustuhan sa pagkain na hinain ni Niccolo, ito kasi ang madalas na nagluluto para sa kanila ni Harvey. Madalas din ang dalawa sa unit niya. Sinasamahan siya ng mga ito lalo kung hindi parehong busy ang dalawa sa trabaho. May araw na wala itong pareho dahil umuuwi ang mga ito sa bansa nila para gawin ang tungkulin nila roon. Naisipan ng dalaga na magpunta sa OB-Gyne na hindi alam ng mga ito. Gusto niya kasing sorpresahin si Harvey. Feeling niya kasi minsan, asawa siya nito. Masyado itong maalalahanin sa kanya. Nakumpirma niya nga na positive, pregnant na siya. Hindi siya makapaniwala na mabilis siyang nagdalantao. Dumating ang araw ng pagbabalik ni Harvey. Tinawagan siya nito na nasa airport na sila. Lulan ng private jet nito. Good thing nga lang at hindi ito nahuhuli ng mga paparazzi. Magagaling silang mag disguise na mag kaibigan. "Hi, how are you?" ito ang bungad ni Harvey sa kanya ng pagbuksan niya ng pinto. Alam niya na kasi na ang mga ito lang ang puwedeng pumunta sa floor nila. "He-Hello Si-Sir," nahihiya at nauutal niyang bati rin dito. Nabigla siya ng hinapit siya nito sa beywang. "I told you, don't call me, Sir, it's Harvey, honey, Harvey." may pagdiin na wika nito. Namula siya sa inasta nito. First time nitong hawakan siya sa beywang, kaya medyo nakiliti siya na nag-init ang pakiramdam. "O-okay Ha-Harvey." pakiramdam ng dalaga may speech deficiency na siya, lagi siyang nauutal kapag kausap o kaharap ang binata. "I think it's better to call me, Honey, too, sounds great for my ears. Don't call me Harvey. Okay, Honey?" malambing nitong turan. Malakas ang loob nito kasi hindi nakikita ng dalaga sa paligid si Niccolo. Ganito ang binata kapag dalawa lamang sila. Kaya madalas siyang kabahan. "Maybe, your girlfriend back in your country, will get mad if I call you that, I'm fine to call you Harvey." sagot niya pero tonong parang nagseselos. Ngumiti naman ito sa kanya. "I'm single, honey, rest assured. No one will get mad at you." Parang nabunutan naman siya ng tinik sa sinabi nito. Nginitian niya lamang ang binata. Kapag kuwan ay inaya niya ito sa living room. "Sit for awhile, I'm gonna show you something." usal niya rito na excited itong talikuran. Pumasok siya sa kuwarto at mabilis na kinuha ang resulta ng kanyang check-up sa OB-Gyne. Nakangiti siyang lumapit sa binata at inabot ito rito. Nagtataka naman si Harvey kung ano iyon, mabilis niyang binuksan ang sobre at agad binasa ang papel na nakalagay roon. Biglang nanlaki ang mga mata nito at binalingan siya ng tingin. "Thank you, thank you so much, hon. You don't know how much you made me happy today. I felt like my jetlag instantly gone after I read the letter. Thank you. So we're pregnant now? I'm gonna be a dad? For real?" usal ng binata habang yakap ang dalaga ng mahigpit. Tumatango-tango na lamang ang dalaga. "Yes, you will be a dad, soon. And I'm gonna be a mom, too." sagot ng dalaga pero pabulong na inusal ang huling mga salita. Hindi naman narinig ng binata iyon. Nakangiti lamang silang dalawa habang nakatitig ang binata sa kanya. ---------- Simula ng malaman n'yang buntis na nga s'ya, madalas masama ang pakiramdam n'ya. Pero kinakaya niya naman lalo kapag gumising siya sa umaga. Tuwing gigising kasi siya may breakfast prepared na sa side table ng kama n'ya na nakahanda. Laging may fresh milk, minsan pancake with maple syrup, minsan fried rice with sunny side up eggs then fruits. Ilan lang sa mga breakfast na hinahanda para sa kanya. Iniisip niya siguro si Mr. Niccolo iyong naglalagay no'n before s'ya gumising. Tanghali na rin kasi madalas s'yang magising kasi nga sa pagbubuntis n'ya . Gusto n'ya tulog nang tulog. "Good morning, self," kausap niya sa sarili. Wala kasi siyang kasama ngayon. Umalis ang dalawang lalaki na laging nakabantay sa kanya. Nabanggit n'ya kay Niccolo 'yong fruits craving n'ya . Lanzones at Rambutan. Weird nga raw sabi ni Niccolo dahil hindi niya pa kilala ang mga prutas na iyon pero dahil sa utos ni Harvey na hanapin ang prutas na iyon, nakilala rin nito sa wakas. Kaya every morning nakahanda na lagi sa side table n'ya ang paboritong kainin. Bago siya kumain, inabot niya muna ang cellphone niya para makatawag sa hospital. Binawalan na siya ni Harvey na magpunta roon. Kinuhanan nito ng nurse ang kanyang ina. "Hello, good morning Miss Cindy, kumusta po ang mama ko?" bungad niyang tanong sa nurse na sumagot ng tawag niya. "Good morning din po, Miss Sarah. Gano'n pa rin po ang mama ninyo, still no response but the good thing is all the medicine that we are giving to her is all in good result. Maybe one of this day, aalisin na po namin ang life support niya. Maintain na lang po iyong dextrose and tube feeding niya until she wake Up. Wala na rin namang nakikita si doc na ibang komplikasyon sa mama nyo po after siya maoperahan." mahabang explanation ng nurse sa kanya. Sa narinig na balita, masaya siya. Dahil kahit paano, paunti-unti, umaayon sa kanya ang himala. She's wishing one day her mom gets well and promise niya talaga na babawi siya rito. Marami pa silang pinag-usapan regarding sa mama niya, at masaya siya. Nag pasalamat na lamang siya rito at ibinaba na ang tawag. Bumuntonghininga siya, kahit paano nagiging okay na ang mama niya. Nagsimula na siyang kumain. Masarap ang pagkain niya ngayon. Kaya magana siyang ubusin ito. Pero minsan napapaisip siya, sino kaya ang naglalagay ng pagkain niya rito at bago siya gumising ay, mainit pa ito. Wala naman siyang naamoy mula sa kusina na may niluluto. At minsan din parang nananaginip siya na may humahalik sa kanya pero kapag nagising naman s'ya alam n'yang magisa lang s'ya sa bahay. Bumangon na s'ya sa higaan dahil parang nasusuka na naman siya, nagmadali s'yang pumunta sa banyo para sumuka. First trimester n'ya kaya ganoon daw ang mararamdaman niya sabi ng doctor. Minsan may hinahanap s'ya na 'di n'ya maipaliwanag sa sarili. Na parang nag-iinit siya. Pregnancy hormones daw iyon sabi ni doc. Minsan madaling araw naalimpungatan siya after n'ya managinip na parang may tao siyang katabi sa higaan at hinahalikan s'ya .'Di n'ya mawari kung panaginip o totoo. Siguro nagha-hallucinate lamang siya. Iniisip niya baka si Mr. Niccolo iyon. Baka nakauwi na ito at hindi lang sinabi sa kanya. Kaso madaling araw na, kaya nakakapagtaka. Mataas na ang araw, nag-yoyoga siya para sa pagbubuntis niya dahil advise iyon ng doctor, dumating si Niccolo. "Good morning, Miss Sarah, have you seen, Lord Harvey?" bungad na tanong nito sa kanya. Nagtaka siya dahil bakit siya tinatanong nito. Sila lagi magkasama sa kanya hahanapin? Ayos din itong kausap niya. "No, I don't. I thought you both came together here in Philippines?" Tanong niya rin dito habang nag-I-stretch siya. "We are not. He came here first. He didn't let me go with him. I was busy in the palace when he decided to come back here. I thought you already saw him?" "I didn't, Sir. There's no sign of Lord Harvey here." Aniya sa kausap. ---------------- When evening come. Ready na siya matulog pero parang gusto niya muna magpa-late matulog. Gusto n'ya lang malaman kung totoo bang nanaginip s'ya o talagang may taong tumatabi sa kanya sa pag tulog. Midnight na antok na antok na siya pero wala pa rin siyang nararamdaman kung may tao nga ba. Sa huli natulog na lamang siya dahil alam niyang bawal siyang mag puyat dahil buntis sya. Samantala, habang mahimbing na ang pagtulog si Sarah, agad naman pumasok ang taong lagi tumatabi sa kanya. "Ah, she's beautiful while carrying my baby." ani nito sa isipan . Pinagmamasdan n'ya ito kung gaano kaganda ng dalaga habang tulog. Nang alam n'ya nang mahimbing na ang tulog ng dalaga, hinalikan n'ya muna ito sa noo bago tumabi at niyakap ito.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD