Umiiyak na patakbong lumapit si Sarah sa kanyang Ina. "Ma!"Mahigpit na yakap ang ibinigay ng dalaga sa ina gan'on din ang ginang sa kanya. Humihikbi silang pareho dahil sa matinding pag-iyak. Sa tagal ng panahon na hindi nila nakikita ang ama, masyado silang nangulila rito. Pero nang makita ito sa mismong video at nagsasalita, bumuhos ang lahat ng hinagpis nila. Parang kailan lang na kasama nila ito, pero ngayon hanggang video na lang nila makikita. At worst mukhang hindi magiging maganda ang magiging buhay nila sa mga susunod na mga araw. "Ma, paano tayo ngayon? Sa sinabi ng daddy na nanganganib tayo paano natin mapoproteksyunan ang ating mga sarili?" turan ni Sarah matapos mahimasmasan sa matinding pagtangis. Natatakot sila sa pwedeng mangyari sa kanila. Kung noon nakaligtas ang ama

