Episode 4

1255 Words
CHAPTER 4 HABANG patungo sina Sarah at Niccolo sa kuwarto kung nasaan ang mystery sponsor ng dalaga. Hindi mapigilan ng dalaga na magtanong sa kasama. "Sir, is my sponsor old and ugly? Is he or she strict?" Tanong niya rito habang papalapit sa kuwarto ng sponsor niya. Humalakhak lamang ang binata sabay sabing….. "See it for yourself, Miss." Pumasok ang dalaga sa exclusive room na sinabi ni Niccolo. Kabado siya dahil hindi niya alam kung ano ang puwedeng mangyari sa loob ng kuwarto na pinasukan niya. At iniisip niya pa baka matanda na ang kanyang mystery sponsor. Cross finger at nagdadasal siyang pumasok. Bumungad sa kanya ang napakagandang suit. Presidential suit daw ang tawag dito at sobrang mahal ng presyo. Mga mayaman lang talaga ang puwedeng maka-afford nito. Dati afford niya naman ang exclusive suit, pero hindi niya pa na subukan ang presidential suit. Ang trip lang kasi nilang magkakaibigan noon ay makapag-unwind sa mamahaling hotel. Siya lagi ang taya sa grupo nila ng mga kaibigang sina Jenny at Nica. Naglakad siya patungo sa maliit na living room ng presidential hotel. Nasa pinaka taas iyon ng building kaya kita niya mula sa salamin na bintana ang view sa labas. Nawala sa isip niya na kikitain niya pala ang sponsor niya. Biglang may tumikhim sa likuran niya habang abala siya sa kakatingin ng view. Binaling niya ang tingin sa likuran niya at gano'n na lang ang gulat niya na mabungaran ang taong sa picture niya lang nakikita. Ang kanyang prince charming sa panaginip, si Lord Harvey Scotland. "Ano ang ginagawa niya rito, bakit siya ang nasa suit na ito? Don't tell me?" wika sa isip niya at biglang nanlaki ang mga mata niya ng mapagtanto kung sino ang lalaki sa harap niya. "I heard that you are Miss Sarah Dela Vega?" tanong nito sa kanya. Napakaseryoso ng awra nito. Kulang na lang bumulagta siya dahil medyo nakakatakot at nakakamatay ang mga tingin nito. Ang tapang kasi. Pero bakit iba ang nasa mga pictures niya? Siya ba talaga ito o clone niya lang? Ani sa isip niya. Tumikhim muna siya upang mawala ang bara sa lalamunan dahil parang biglang bumara iyon sa pagkabigla sa taong kaharap niya. "Y. . . Yes. . . Sir." sagot niya ng nauutal. Kabado siya, yes. Kasi naman kaharap niya in flesh ang ultimate crush niya. Parang gusto niya ng lumupasay sa kilig pero pinanatili niyang maging pormal sa harap nito. Mukha kasing nakakatakot ito magalit oras na magpakita siya ng kakenkoyan niya. Minsan kasi kenkoy raw siya sabi ng mga kaibigan. Pero para sa kanya normal lang naman siya. "Good. I'm Harvey by the way. I'm your sponsor. Glad to meet you Miss Sarah. I hope Niccolo explained to you that this process is confidential, right?" deretsong sabi nito at walang paligoy-ligoy. Tumango lamang siya. Pinaliwanag na sa kanya ng assistant nito na wala dapat makakaalam na surrogate mother siya at wala rin dapat makaalam kung sino ang sponsor niya. Mahigpit na ipinagbabawal iyon. Dahil iyon ang pinirmahan niya sa agreement. "Good, so as being the future of my baby carrier, we will prepare you an exclusive accommodation. You don't have to worry about everything. We will settle everything from accommodations to your food, etc. As long as you're taking care of yourself when you get pregnant. Once you feel something to yourself. Don't hesitate to call me or Niccolo, so we can bring you immediately to the hospital. I want you to be healthy. I don't want my baby inside your womb to suffer and come out incomplete or disabled. Understand?" "Yes, Sir, I understand." Sagot niya sabay yuko ng ulo. Bigla siyang nahiya. Parang gumuho na ang pangarap niya dahil ang prince charming niyang pinagpapantasyahan noon ay siyang sponsor niya at siya ay isa lamang Babymaker. Kanina nawala sa isip niya ang sitwasyon ng ina, dahil sa biglang pagkakita sa lalaki. Pero ngayon biglang nabalik iyon dahil nanlulumo siya. Nalulungkot siya sa sarili. Hindi niya kasi inaasahan na ganito ang sasapitin niya. Iniisip niya na lamang na isa itong panaginip, na aabutin ng siyam na buwan. Agad siyang napaisip, kung may accommodation siya. Paano ang mama niya? Hindi rin puwede iwan basta ang mansion nila. Walang ibang tao roon maliban siya, na umuuwi paminsan-minsan. Pero siguro kukuha na lamang siya ng katiwala, iyong minsan lilinisin ang bahay nila. May sobra pa naman ibinayad sa kanyang kalahati, nitong sponsor niya. "My assistant didn't inform me about why you came to this job? I mean what's your reason behind this? You look fine as I can see. "Honestly, Sir, I don't want to do this job, but for my mom's condition, even I it's risking myself or selling my womb just to help my mom recover from a coma, I will do it. She's in a coma and needs a surgeon for her brain blood clot. And I wanna take this opportunity to say thank you, Sir, for giving me this job. Thank you for the payment, my mom is now undergoing her operations. And rest assured, Sir, everything in this, I will keep confidential." imporma niya sa naging tanong nito sa kanya. Hindi na siya mahihiya na sabihin ang totoo, nandito na siya. Hindi niya na ikakahiya na isa siyang surrogate mother kung ito rin ang dahilan upang maipagamot at gumaling ang kanyang ina. "Sir, I have a question. Once I get pregnant, Sir, can I still visit my mother in the hospital? She's currently comatose and no one will take care of her. I'm only her child." tanong niya rito. Inaalala niya ang kanyang ina baka walang mag-alaga kapag wala siya sa tabi nito. Hindi niya naisip iyon bago siya sumubok mag-apply at ma-inseminate. Na-bobo na talaga siya. Sa dami niyang hinarap na problema hindi niya na alam paano I-process sa utak niya ang bawat desisyon. "Yes, you can still visit her. But not to stay there. I will hire a private nurse for your mother. Just focus on your pregnancy in the near future." "Okay, Sir." Aniya sabay upo sa sofa malapit sa kanya. Para ata siyang nanghina bigla. Bibisita na lang siya sa kanyang ina, oras na mabuntis siya. First time niya kasing mawawalay sa ina. Pero titiisin niya, nine months lang naman, eh. Carry niya na iyon. Dalangin niya lang na sana huwag muna magising ang ina kapag kasalukuyan pa siyang buntis. Baka magalit at magulat ito sa sitwasyon niya ngayon. Isa pa naman siya sa dahilan kung bakit ito naka-comatose ngayon. Hangga't maaari ayaw niya nang bigyan pa ng sakit ng ulo ang ina, oras na magising ito. Nangako siya rito na magbabago na siya. Kaya lang isinanla niya lang naman ang sinapupunan niya para maipagamot ang ina. Sana huwag muna malaman ng kanyang ina ang ginawa niya. Napuna ng lord ang ginawa niyang pag-upo, bigla naman itong nakonsensya. Dire-diretso kasi siya, sa kung ano ang sadya niya kung bakit ito tinagpo ng personal. "I'm sorry, for being un-hospitable. I didn't let you sit before we start our business deals. Do you want some juice or water? I will not offer you coffee or soda, I'm sorry, I wanted you to avoid caffeine until you get pregnant. For the baby's safety." wika nito sa kanya. Humingi na lamang siya ng tubig rito. Parang tuluyan ng natuyuan ang kanyang lalamunan dahil sa pakikipag-usap sa hinahangaang lalaki." Ang gwapo niya talaga!" sabi ng malandi niyang isip. Kahit sabihin hopeless romantic na siya para sa pinapangarap na lalaki, puwede pa rin naman siyang magpantasy ng palihim.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD