Samantala ... Habang masayang nagkukwentuhan ang magina, si Sarah at ang maliit na prinsesa, abala naman si Niccolo at maliit na prinsipe sa panonood ng video mula sa laptop nito. Kuha ito mula sa cctv sa palasyo. Nakikita nila ang mga kasalukuyang kaganapan sa loob ng palasyo habang wala sila doon. Kasalukuyang nagagalit ang Earl sa isang dalaga dahil sa mga pumapalpak ng mga plano nila sa palasyo. "You have to do something young lady for you to marry Lord Harvey or else I will disown you!" wika ng matandang Earl sa dalaga. 'Di na malaman ng Earl ano pang plano ang gagawin dahil mula nang bumalik si Lord Harvey, limang taon na ang nakakaraan ay ang dami ng plano niyang hindi natutupad. Dumagdag pang may dalawang bata na mukhang magmamamana sa mga maiiwan ng hari. At hindi siya makak

