HINDI ko alam kung anong pinag-usapan nina tatay at Michael basta napansin ko na seryoso silang dalawa, kaya minabuti ko munang magmuni-muni sa tabi ng punong kahoy. Ang sarap sa pakiramdam na nakauwi ako. Na-miss ko ang lamig ng simoy ng sariwang hangin na dumarampi sa balat ko, ang malamig na tubig, mga huni ng ibon kahit tanghali-tapat, ang grupo ng balinsasayaw na malayang lumilipad sa maaliwalas na himpapawid, at ang luntiang paligid na animo’y hindi kumukupas sa pagdaan ng panahon. Limang taon na ang nagdaan pero parang walang pinagbago ang mga bundok dito, napakasarap pa rin masdan lalo na kapag palubog ang araw. Nakikita ko pa rin ang bulkang Kanlaon, ang mala-hamog na usok sa tuktok nito, ang naglalayag na mga barko papuntang San Carlos galing Tolido. Simula nang umalis ako rit

