Sabado ng umaga inagahan ko talaga pumasok sa paaralan para makausap ko ang aking Physics teacher pero hindi ko siya nakita kahit sa faculty room kaya hinintay ko siya, dumating ang break time. Pero nong break time na wala parin siya kaya sobra akong na stress kasi ilang araw na lang graduation day na namin. Hapon na nung nakita ko ang Physics teacher ko kaya natuwa ako at hindi ako nag aksaya ng oras. "Sir!" tawag ko ng malakas sa kanya, sadyang nilakasan ko talaga ang pag tawag para wala na siyang dahilan na hindi niya raw ako narinig. Lumingon siya sa akin, "bakit?" "Sir tungkol po ito sa grades ko", "Kung sakaling makapasa ka, saan kaba mag kolehiyo?" Nabuhayan ako ng pag asa dahil sa tanong nya"hindi ko pa po alam pero gusto ko sa AMA Computer College dahil gusto ko ma

