*Nina Pov*
Ang buong akala ko iniwan na ako ni Alexis, hindi pala dahil talagang hinintay ako upang makasama pabalik ng mansyon. Kinuha niya ang mga bitbit kong kahon, at inilagay sa backset ng sasakyan niya at dahil maraming kahon akong dala wala na akong masakyan sa backset kaya naupo na ako sa unahan katabi ni Alexis.
"Bakit ganyan ka makatingin sa akin? Matunaw ako," seryusong saad ni Alexis. Habang nagmamaneho ito.
"Ha?? Hindi ah, naninibago lang ako sa iyo ngayon. Hindi mo na kasi ako inaaway mula pa kahapon," saad ko sinulyapan ko muli ang maamong mukha ni Alexis.
"Ganun? Napag isip ko kasi na kung magiging okey ang relasyon natin bilang magulang ni Alexa baka mas madali siyang makakapag pag a-adjust diba? Tigilan na natin ang away away na iyan, at maging mabuting magkaibigan na lang tayo pwede naman iyon diba?" Ngumiti at tumingin ng bahagya sa akin si Alexis.
May kunting tuwa akong naramdaman ng mga oras na iyon kaya napangiti rin ako sa kan'ya ngunit bakit parang may bahagi sa puso ko ang hindi dapat ganoon ang gusto kong relasyon namin, ano ba talaga ang gusto ko? Maging mag asawa kami? Ohhh no... Erase erase hindi pwede. Bahagya tuloy napakunot ang noo ko dahil sa ibang parte ng aking iniisip.
"Why? Ayaw mo bang maging magkaibigan tayo? Ikaw ha ano bang iniisip mo?" natatawang saad ni Alexis habang patuloy na nagmamaneho.
Nahampas ko sa balikat si Alexis, kaya mas lalong natawa ito.
"Asumming ka rin ano? Tsssk.. Natuwa lang ako ngayon dahil okey tayo, hindi ba pwedeng hindi lang makapaniwala?" Inirapan ko ng mata si Alexis.
"Talaga ba? Akala ko kasi hanggang ngayon umaasa ka pa rin sa akin. Pasensya na, may nag mamay-ari na nitong puso ko at malapit na kaming ikasal kaya huwag ka nang umasa pa." Nanatili ang ngiti sa labi ni Alexis habang nagsasalita ito.
Nakakaramdam ako ng sakit dahil sa pagiging prangka ni Alexis, ewan ko ba nagiging sensitibo ang tenga ko pag paulit ulit pinapamukha sa akin ang pagkakaroon niya ng fiance.
"Sana makilala ko na si Aliyah ang fiance mo, at sana magkasundo kami. Kailan ba siya uuwi?" tanging naging tugon ko kay Alexis.
"Next week.. Actually, nakapag usap na kami last night via vedio call at sinabi ko ang lahat lahat sa kanya kay Alexa, sa iyo about sa mansyon na pansamantalang pananatili mo sa mansyon. Excited nga siyang makita at makilala si Alexa eh," tugon ni Alexis.
"Mabuti okey lang sa kanya?" muling tanong ko.
"Oo naman. Understanding si Aliyah, That's why i love her so much. At i know kapag nagkita at nagkasama kayo magkakasundo kayo nun," muling tugon ni Alexis.
Napangiti ako kay Alexis, pero sa loob ko nasasaktan ako. Alam ko wala akong karapatang masaktan dahil tanging kaibigan at ina lang ng anak niya ang papel ko sa buhay niya pero ewan ko ba, akala ko kasi talaga tuluyan ng nabura ang pagmamahal ko sa kanya pero hindi pa pala. Napapikit ako at nagdadasal sa aking isip na sana, wala ang nararamdaman kong ito dahil kung dumating ang panahon na makakaharap at makakasama ko sa mansyon ang magiging asawa niya alam kong hindi lang ito ang magiging sakit na mararamdaman ko.
"Back to work ka na ba talaga mamaya?"
Napamulat ako ng muling nagsalita si Alexis.
"Oo, kailangan eh," tanging tugon.
"Talaga bang pagsasayaw lang ang pwede mong maging trabaho? Kung papayag ka sa hiling ko na sana huwag ka nang magtrabaho at sa mansyon ka na lang magpukos kay Alexa, kung gaano kalaki ang kinikita mo sa pagsasayaw tatapatan ko na lang."
Muli akong napangiti sa alok ni Alexis, dahil mukhang ayaw nito na bumalik ako sa bar.
"Hindi na Alexis, maraming salamat na lang. Masaya ako sa trabaho ko ngayon, maybe mga ilang taon pa para makaipon ako sa gusto kong maging negosyo. Hindi rin naman habang buhay nasa bar ako nagtatrabo syempre gusto ko rin ng desenteng trabaho, sariling negosyo pero ayon hindi pa sapat kaya back to work muli ako," pagpapaliwanag ko kay Alexis.
"Magkano ba kailangan mo? Pwede naman kitang bigyan or pautangin lalo na mother ka ng anak ko. Any amount?"
Eneexpect ko na na ito ang itutugon sa akin ni Alexis.
"Hindi na Alexis, nakakapagod na rin kasing umasa sa ibang tao gusto ko naman na aangat ang buhay ko dahil sa sariling pagod ko. Maging isang responsableng ama ka lang kay Alexa sapat na iyon sa akin." Muli kong pinikit ang aking mga mata at hindi na nagsalita pa.
Hindi na muling nagsalita pa si Alexis, hanggang sa makarating kami sa mansyon.
Pagkarating ko sa mansyon, agad lumapit sa akin si manang Jing, dahil may naghihintay raw akong bisita nagtaka naman ako dahil wala naman akong inaasahan na bisitang darating.
"Nina!!"
"Stella!?" Patakbo kong sinalubong si Stella at niyakap ng mahigpit.
"Kumusta? Tagal nating hindi nagkita ha," bulong sa akin ni Stella.
Dahil sa excitement ko, hindi ko napansin si Jacob na nasa tabi ni Stella.
"Hello sir Jacob, andiyan po pala kayo." Tumungo ako ng bahagya kay Jacob.
Ngumiti sa akin si Jacob at nakipag kamay," I'm fine how about you?"
"Okey lang po." Kinamayan ko rin si Jacob.
"Follow me bro, i have something to tell you." Hindi ko namalayan na nasa likod ko pala si Alexis, kung hindi pa ito nagsalita at nagyaya kay Jacob hindi ko pa mapapansin kaya ng sumunod ito kay Alexis kami na lang ni Stella ang naiwan sa receiving room.
Muling yumakap sa akin ng mahigpit si Stella bago kami naupo sa mahabang sofa.
"Kumusta? Na miss kita." Hinawakan ni Stella ang aking kamay.
Ibang iba ang awra ng pananamit ni Stella ngayon, ang laki ng kanyang pinagbago kung dati gandang ganda na ako dito ngayon mas lalong gumanda ito sa paningin ko dahil kitang kita sa kan'ya ang pagiging mayaman na tao.
"Ito okey naman. Ikaw, ibang iba ka na ngayon ha?" Nakangiting tugon ko kay Stella.
"Ito buntis na naman, ito kasing si Jacob gusto ata magtayo ng isang basketball team."
Natawa ako sa tugon ni Stella, buntis nga pala ito pero hindi halos halata dahil sexy pa rin naalala ko tuloy noong nasa bar si Jacob dahil problemado dahil kinaiinisan siya ni Stella dahil sa paglilihi nito.
"Hindi nga ako makapaniwala na nahanap ka ni Alexis, at naikwento niya sa akin na nagkaanak nga raw siya sa iyo. Ayon, tuwang tuwa. Masaya kami dahil may anak siya at sa iyo pa, kung alam mo lang ang pinagdaan nun bago pa kayo nakita maaawa ka sa kan'ya," pagkukwento ni Stella.
"Nasabi nga sa akin ni manang Jing," tugon ko.
"Hayyy naku!!! Ewan ko ba dito kay Alexis mahal na mahal niya pa rin ang Aliyang iyon kahit paulit ulit na siyang nasasaktan. Una, nahuli niya itong nagkaroon ng ibang lalaki sa ibang bansa, then pinatawad, itong huli tuwang tuwa si Alexis dahil natupad na niya ang matagal na niyang pangarap ang magkaroon ng anak pero itong gaga sinadyang ipalaglag dahil hindi pa raw handa. Sabi ko nga, magising ka naman Alexis, mahal mo pa rin kahit ginagago ka na. Alam mo sagot niya? Mahal niya raw eh, kaya handa pa rin siya magpatawad." pagkukwento ni Stella.
"Wala tayong magagawa, ganoon nga siguro si Alexis magmahal wagas." Natatawang tugon ko. Napasulyap ako kay Stella, muling bumalik sa alalaala ko kung paano ito minahal ni Alexis ng husto kahit alam naman nitong si Jacob ang mahal nito. Hinding hindi ko malilimutan ang sinangga nito ang kanyang katawan para sa kaligtasan ni Stella.
"Sana ikaw na lang ano? Sana ikaw na lang nakikita niya para hindi nasasayang ang pagmamahal niya."
Hindi ko inaasahan na masasabi iyon ni Stella.
"Ano ka ba na expired na iyong paghanga ko sa lukong iyan. Saka, kahit naman anong gawin ko, hinding hindi niyan ako magugustuhan. Kaya move on na tayo, sa ngayon masaya ako na may anak kami at sapat na sa akin iyo, at masaya na rin ako para sa kan'ya dahil muli siyang nakahanap ng babaeng minamahal," saad ko muli kay Stella at pinapakitang masaya ako kahit sa loob ko hindi dahil nasasaktan ako sa kung anong nangyayari kay Alexis.
"Ikaw kumusta ang puso mo?"
"Ito, okey naman kahit walang nagpapatibok. Tulad kanina, masaya ako na mayroon akong anak. Siguro sa ganoon na lang iikot ang buhay pag-ibig ko."
"Gusto hanapan kita?" seryusong saad ni Stella.
Natawa naman ako sa nasabi ni Stella.
"Ano ka ba! Binubugaw mo naman ako eh, okey lang ako at masaya na ako sa ngayon na buhay mayroon ako. At masayang masaya na ako para sa inyo." Tinapik tapik ko pa sa balikat si Stella.
"Hmmmm... Basta ito tandaan mo, tawagan mo lang ako kapag nagkaproblema ka ha, kahit anong oras bukas ang pinto namin para sa iyo." Muling niyakap ako ng mahigpit ni Stella.
Natuwa ako kay Stella, dahil hindi nagbago ang pagiging sweet na kaibigan nito sa akin kahit lumipas ang mahabang panahon. Ngayon, masaya ako dahil muli kong natagpuan at nakausap si Stella na maituturing kong bestfriend bukod kay Monica.