"So iyon nga, tinulungan ko siya, at tinulungan niya rin ako. Buti na lang may kopya ako ng formula ng lolo mo bata, kaya nagamot ko ang sugat sa mga daliri ni Merlin," nakangising pahayag ni James sa mga ito. "Plinano nilang mabuti ang lahat. Napaaga lang ang pagpapalabas nila sayo noon Harvey. Pero talagang nasa plano din nila na bumalik kayo ng Pilipinas dahil gusto talaga kayong gantihan ni Merlin. Ang daddy mo sana ang magiging kasangkapan para bumalik kayo. Nagkataon lamang at aksidente lang na may naka video noon sa killer earthworm. Ang mga kaibigan ko, kapalit ng buhay nila ang pagkakaroon ng kakaibang lakas ng killer earthworm na inalagaan nila dito. Wala talagang kasalanan ang daddy mo, Harvey. Ang pagkuha sa'yo ng daddy mo sa Mt. Danayat ay utos ni Merlin na napilitang sundin

