Malakas ang buhos ng ulan nang gabing iyon at isang pares ng mga paang paika-ika ang patungo sa direksiyon ng munting k'weba na naroon. Sa bungad pa lang ng k'weba ay bumagsak na ang taong may ari ng mga paang iyon. Mula sa kamay nito ay makikitang may hawak-hawak itong isang di-kalakihang garapon. Inabot ng isang kamay nito ang takip ng garapon saka inikot upang mabuksan. Lumabas mula sa garapon ang isang di-kalakihang earthworm. Gumapang ito papalayo sa garapon. Unti-unti namang gumapang ang taong may hawak ng garapon para abutin ang papalayong earthworm. "E-eri-e..." anas ng babaeng walang iba kundi si Merlin...
Download by scanning the QR code to get countless free stories and daily updated books


