Dahan-dahang lumapit si Gerardo kay Merlin para kunin ang b***l dito. "Good choice, Gerardo," ani Merlin na sinabayan pa ng mahihinang palakpak. "Kesa naman mawala ang tatlong anak, mas okay na isa lang ang mawala hindi ba?" natutuwa pa nitong dagdag. "G-Gerardo," tutol ang mga matang sabi naman ni Alpha nang mapagtantong susundin ni Gerardo ang utos ni Merlin na barilin nito si Harvey. Tila nainip naman si Merlin dahil hindi pa rin naman naitututok ni Gerardo ang b***l kay Harvey. "Do it now, Gerardo," untag nito. Agad namang nilapitan ni Alpha si Harvey at hinarangan ito. "No. Wala kang gagawin sa anak natin," mariing sabi ni Alpha dito. Nang lingunin ni Merlin si Gerardo ay kita niyang tila wala pa ring balak si Gerardo na gawin ang ipinag-uutos niya. Sa inis ni Merlin ay lumapit

