"Very wrong dear...hindi ko mapapayagang ilabas niyo ang katotohanan," nanlilisik ang mga matang anas ni Merlin habang nakakubli at nakatingin kina Dra. Evangelista. Dinig na dinig nito ang pagsisiwalat ni JenBee sa mommy nito. At hindi siya papayag na makaalis pa ang mga ito doon dahil oras na mangyari iyo, sasabihin ng mga ito ang katotohanan at mababalewala ang lahat ng pinaghirapan nila ng kasama niya. "Letse kasing lalaki iyon! Hindi maayos trumabaho!" pagngingitngit pa nito dahil sinisisi niya ang lalaki kung paanong buhay pa sina JenBee. Bigla niyang ikinubli ang buong katawan nang makitang nagsimula na muling humakbang sina Dra. Evangelista na nangangahulugang paalis na ang mga ito sa lugar na iyon. Doon siya nakakubli sa kinapup'westuhan ng telebisyon na madalas niyang pagpanoo

