"Harvey!" magkapanabay na sigaw halos nina Alpha at Lolo Kennedy nang makita ang nangyari kina Harvey. Mabilis silang tumakbo palapit sa kinatalsikan ni Harvey habang si Jay naman ay makikitang pilit tumatayo dahil sa kanya palapit ang killer eathworm na ang ibig sabihin ay siya ang puntirya nito. Magkahiwalay sila ni Harvey ng kinatalsikan. Tuluyan namang nakatayo si Jay sa tulong ng paghawak o pagkapit sa isang payat na puno malapit sa kanya. Pero halos dalawang dipa na lang ang layo ng killer earthworm sa kanya. Nakaramdam din ng takot si Jay nang makita ang ulo ng killer earthworm na nasa harapan niya. Hindi niya matukoy kung may bibig ba ito dahil hindi niya naman makitang ngumanganga ito kaya sigurado siyang hindi siya nito lululunin nang buo. Napalunok na lang siya sa isiping iyon

