Napatigil sa paglalakad si Harvey. Tiningnan naman siya ni Jay na waring nagtatanong ang mga mata. "Hindi natin mahahanap...malabo..." sambit ni Harvey. Napatingin naman sa malayo si Jay. Tama naman si Harvey. Para lang silang timang na pagala-gala sa kabundukang iyon dahil hindi naman talaga nila alam kung saan ba nila makikita ang killer earthworm. "Kailangang makita ko ulit siya," muling turan ni Harvey. Tumingin ito kay Jay na nakakunot na ang noo. "Iyong lalaki. Siya lang ang susi para makita ang killer earthworm," pagsagot ni Harvey na waring nabasa nito ang katanungan sa isipan ni Jay. "Pero paano?" tanong ni Harvey sa sarili. Nagmumukha na itong baliw dahil wala namang salitang naririnig sa kasama niya. Muling nagpatuloy sa paglalakad si Harvey. Pero sa pagkakataong iyon, ma

