Umaga... "Parating na rin ang mga pulis at iba pa para matulungan tayong mahanap ang mga anak natin," baling sa kanila ng lalaking ama ni Alex pagkatapos nitong ibulsa ang cellphone niya. Balisa naman ang ibang magulang doon na talagang nag-aalala na sa kani-kanilang anak. Samantala, si Harvey naman ay naghahanda ng muli para sa muli nitong paghahanap sa killer earthworm. Pagkatapos maiayos ang mga gamit niya ay umalis na ito. Inilabas niyang muli ang relo niya noong bata siya at sinipat ang oras. Alas sais nang umaga. Binalikan nito ang daan kung saan niya nakitang pumunta ang lalaki kahapon na sinusundan niya. Pero bigo pa rin siyang mahanap ito. Nagpatuloy lang siya sa paghahanap kahit pa pabalik-balik na lang yata siya. Nang makaramdam na siya ng init ay tinanggal nito ang suot

