Kabanata 8

2068 Words
BAHAGYANG nakaramdam ng hiya ang dalaga. Mariin niyang nakagat ang dila habang iniiwasan ang nanunuksong mata ni Krieg sa harap niya. Pinigil niya ang sarili na huwag dumaing sa sakit at pikit mata nalang na nilunok ang dugo mula sa dila niyang nasugat dahil sa kagagawan ng sariling pangil. Maruming kalawang ang nalasahan niya roon. Pwe!   “Ria, look at me.”   “N-no,” she almost whispered as she breathed out hardly. “Bitaw. Papasok na ako.”   “Only if you’ll look at me…” naputol ang litanya niya nang biglaang humarap si Maris. “directly on eyes, honey.”   Wrong move! Halos kaltukan na niya ang sarili dahil sa padalos-dalos na aksyon. Masyado siyang natangay ng emosyon at sensasyon na dulot ng matapang at panlalaki niyang pabango. It makes her want to sniff it for the rest of the day. Mahilig kasi si Maris sa panlalaki na pabango. Ayaw niya iyong pambabae dahil masyadong matamis at masakit sa ilong. Hindi tulad sa panlalaki, matapang at makapit. Mas tumatagal kasi ang amoy nito kumpara sa feminine scent na halos tanso na ang presyo. Pakiramdam ng dalaga ay mas sulit ang pera na ipinambibili niya kung iyon ang pipiliin niya. Iyon nga lang, madalas siyang mapagkalaman na may nobyo dahil sa amoy niya.   “B-bakit… mo ito ginagawa?” she can’t help but to ask.   “I don’t know either,” bulong nito.   Masyadong malapit ang mukha nila sa isa’t-isa to the point na tumatama na ang tungki ng ilong nila sa isa’t isa. At sa tuwing nagsasalita sila, tumatama ang mainit nilang laway sa maliit na parte ng mukha.   Mariin niyang ipinikit ang mata ngunit mabilis din itong idinilat. Ginawa niya ang lahat ng makakaya upang iwaksi ang namumuong atraksyon sa kanyang loob. Hindi na ito maari pang umusbong o lumago. Habang maaga pa ay puputulin na niya. Habang maliit pa ay papatayin na niya.   “Liar!” nagpumiglas si Maris. “May binabalak kang masama sa akin. Siguro ay natalo ka sa pustahan niyong magkaka-ibigan kaya ako ang pinagdidiskitahan mo ngayon, dahil ito ang dare nila sa ‘yo. Tama ba?”   “I never have a friend except for my lovely puppies and crocodile at home.”   “C-Crocodile?” Is he out of my mind? Yes, he is. There is no need for me to ask the obvious. Sinong tao nga ba naman kasi na nasa tamang pag-iisip ang mag-aalaga ng crocodile sa bahay?   “Nababaliw ka na--”   “Maybe yes, or maybe I was just too desperate that time to have a friend… whom I can lean on in every time that mom and dad were fighting over silly things.” Totoo na mayroon silang alaga na crocodile sa bahay, pero hindi buhay kung ‘di isang estatwa. It was his late grandfather favorite animal kaya naka-display iyon sa tahanan nila.   “Obviously, you’re not telling the truth,” she insisted and did her best to escape, but he didn’t let her. Bagkus, mas lalo niya pa itong hinawakan at kinulong. Kaunti na lamang ay mukha na silang nagyayakapan. Kung mayroon mang makakakita sa kanila sa ganitong sitwasyon, malamang bibigyan nila ito ng malisya.   Surely, others might think that they are lovers making out inside the hospital room. Worst, baka bukas makalawa ay magising na lang siyang trending na sa Netizens dahil sa malaswang posisyon nila.   “Krieg…” mahinahon ngunit may pambabanta niyang sambit.   “I am starting to like my name now. It feels good when you’re the one uttering it.” Tuluyan na niyang kinabig si Maris palapit. Ipinulupot niya ang kamay sa dalaga at mahigpit itong niyakap.   Kung yakapin niya ang dalaga ay tila matagal silang nawalay sa isa’t-isa at ngayon lang ulit magkikita matapos ang ilang taon. O ‘di kaya naman ay tila yakap na nagpapaalam.   “Let’s stay like this for a while…” he breathed out softly. “Can we?” Ang mainit niyang hininga ay direktang tumatama batok ng dalaga.   Bumuka ang bibig ni Maris pero walang salitang lumabas mula roon. Nang hindi siya nakapagsalita, mas lalong hinigpitan ng binata ang pagkakayapos sa kan’ya.   “You have a class at 1:30, and you shall leave before 1:00. We still have less than 30 minutes to get along with each other.”   “Krieg, I--”   “Shh. Let’s talk without arguing, and pretend that we’re good friends even just for a couple of minutes. Sa oras na lumabas ka sa pinto na ‘yan, hindi na tayo magkakilala. We will cut the string that connects us… because we know that we’re not good for each other.”   “May 27 minutes pa tayo,” ani Maris. Iniwan niya ang bisig ng binata at paradag na ibinagsak ang sarili sa couch.   Krieg failed to hide how happy he is. Tinabihan niya ang dalaga sa couch, at dahil maliit lang iyon at halos para na silang nasa loob ng lata ng Sardinas.   “In any chance, gusto mo bang malaman ‘yung totoo kong pangalan?” she asked out of nowhere.   He shook his head. “No. Ria and Neri is enough.”   “Hoy, grabe ka naman sa ‘kin! Hindi na ako mag-iimbento ng pangalan--”   “No, no. You got the wrong idea. Ang ibig kong sabihin, ayaw kong malaman dahil baka hindi ko mapigilan ang sarili ko na hanapin ka. Kaya kong halughurin ang kasuloksulukan ng mundo para matunton ka, Ria. Kaya huwag na. It is better this way.”   Sabay silang umiwas ng tingin sa isa’t isa. Makalipas ang ilang segundo ay tumikhim si Maris. “Maraming salamat nga pala sa ginawa mo kanina.”   “Piece of cake, Ria,” pagyayabang naman nito. “Biro lang. Uusok nanaman ‘yang ilong mo. I should be the one thanking you… you saved me.”   “Save me my face.” Umasim ang mukha niya. “Halata naman na gusto mo lang akong pormahan kaya ka nag-inarte.”   “Ah, kaya ka nagpakipot?” tudyo pabalik ni Krieg at saka inarko ang kilay. “Kidding. I’m sorry if you got offended to my attitude. Na-challenge lang siguro ako o baka hinusgahan kita agad.”   “The feeling is mutual, dude. Hinusgahan din naman kita agad noong una nating pagkikita sa park,” natatawa niyang pag-amin. Tila hindi nagulat si Krieg sa rebelasyon na iyon ni Maris; mukhang inaasahan na niya ito. “Basta salamat sa term paper na ginawa mo.”   “I told you, it’s nothing.”   “Bawing bawi ka na sa kasalanan mo sa akin,” dadag na biro ng dalaga. “Kaso masyado mo naman ‘ata ginalingan. Baka mamaya mabilib sa akin masyado iyong propesor ko’t hindi na maniwala na ako ang gumawa--teka, ikaw ba talaga gumawa n’on?”   “The one and only,” pagyayabang niya. Idagdag mo pa ang aksyon na ginawa niyang pagtayo at pag-bow na tila sumasayaw ng folk dance.   “Hindi ko lang siguro in-expect na ganoon ka kabilis, kaganda, at kapulido gumawa.”   “You are flattering me too much, miss.”   “Am I?” pagkukunwari niya.   He give her a nod. “I was a Pol Scie Student.”   Ah, kaya naman pala may idea siya--pero teka, ‘was’?    “Was. Why? I mean, what happened?” kuryusong pag-iintriga ni Maris. Ang hinuha niya’y na-drop ito dahil sa dami nang kalokohan, o ‘di kaya naman ay hindi pumasa. Pero mayroon din namang posibilidad na nag-shift siya ng kurso. Oo nga. Baka nag-shift lang, kumbinsi niya sa utak.   “Nothing happened.” Nagkibit-balikat si Krieg bago isandal ang likod sa couch, dahilan upang magdikit ang gilid ng balikat nilang dalawa ni Maris. “I graduated last two months, and few days from now I’ll be officially go to Law School.”   “Hindi ako naniniwala,” ani Maris ngunit gamit ang pinaghalong tawa at bilib sa tono.   “Woah. Do you want me to recite the 1987 Constitution?”   “Kaya mo?” panghahamon nito.   “Try me,” he fired back with a smirk. Umayos siya ng upo at saka tumikhim. “Preamble. We, the sovereign Filipino people, imploring the aid of Almighty God, in order to build a just and humane society and establish a Government that shall embody our ideals and aspirations, promote the common good, conserve and develop our patrimony, and secure to ourselves and our posterity the blessings of independence and democracy under the rule of law and a regime of truth, justice, freedom, love, equality, and peace, do ordain and promulgate this Constitution.” Sinamahan pa ni Krieg nang nakakalokong kindat bago niya sambitin ang huling salita ng Preamble.   “Ayon na ‘yon?” “Article 1: The national territory comprises the Philippine archipelago, with all the islands and waters embraced therein, and all other territories over which the Philippines has sovereignty or jurisdiction, consisting of its terrestrial, fluvial, and aerial domains, including its territorial sea, the seabed, the subsoil, the insular shelves, and other submarine areas. The waters around, between, and connecting the islands of the archipelago, regardless of their breadth and dimensions, form part of the internal waters of the Philippines.” Hinabol niya muna ang hininga panandalian. “Basially, the first article talks about Archipelagic doctrine.” “Sige nga, ano ‘yong third to the last na article?” “It talks about general provisions. We’ll run out of time if I’ll recite of the sections.” Sa bawat segundo na dumaraan, unti-unti silang naging komportable sa isa’t isa. They enjoyed each other company… so much to the point na halos ayaw na nilang pareho na itigil ang usapan at mawalay sa isa’t isa. They don’t want to, but they need to. “It was nice meeting you, Kreig.” Tumayo na ang dalaga matapos ayusin ang mga gamit. Pasimple niyang sinuklay ang buhok upang makagawa ng rason para manatili. Ang binata naman ay nanatili sa couch, pero ang mata ay tutok na tutok sa puting tiles ng kwarto. “Uhm, sige. Una na ako,” paalam niya. Isa-isa niyang kinuha ang mga gamit. Matapos isukbit sa katawan ang bag ay nagpakawala siya ng buntong hininga bago simulan ang paghakbang palayo kay Krieg. “Ria…” his voice was so soft. “Take care,” dagdag niya’t umiwas ng tingin. “Ikaw din, Kreig.” Tipid siyang ngimiti at hinintay bumuka ang bibig ng binata. “Yes. I will,” mahinahon niyang sambit. “Let’s not see each other again.” “Definitely.” Isang salita lamang iyon ngunit hirap na hirap ang dalaga na sambitin, lalo na sa harap ni Krieg. “Yes,” balik tugon nito. Tuluyan nang tumalikod si Maris. Tinalikuran na niya si Krieg. Nahugot ng binata ang sariling hininga nang akmang bubuksan na niya ang pinto. Alam na alam ni Krieg na sa oras na pihitin ni Maris ang doorknob ay tuluyan na siyang lalabas hindi lamang sa pinto na iyan ngunit maging sa buhay niya. They won’t be able to meet each other again. At kung sakali man na magsalubong ang landas nila, baka hindi na nila makilala ang isa’t -isa. “Ria, wait,” pigil niya. Tinakbo niya ang distansya nilang dalawa at hinawakan ito sa palapulsuhan. Sabay silang napatingin sa kamay nila. Agad na nabitawan ng binata si Maris dahil sa gulat at pagkapaso. “Uhm, sorry.” Kumamot siya sa ulo. “Ihahatid na kita. Give me a minute to change.” “Hala! Hindi na kailangan.” “I insist, Ria. Tsaka anong oras na rin, o. Baka mamaya niyan mahuli ka sa klase at ako pa ang sisihin mo. At isa pa, kapag ganitong tanghaling tapat mahirap hagilapin ang mga sasakyan dahil kumakain sila’t gumagarahe” “Sort of,” biro ni Maris. “I appreciate your offer but I don’t think it’s-” “Allow me drive you for the first and last time, Ria.”      
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD