CHAPTER 79 - PART 4 Owen's POV “Ikaw na ang papalit sa ‘kin, Oscar.” Bahagyang nanlaki ang mga mata ko sa ibinalita ni Papa sa ‘min. Kasama pa rin namin si lola sa bahay kaya maingat ako sa mga galaw ko, gano’n din si Mama. Strikta din kasi, gano’n talaga ang pamilya ni Papa. Next week pa siya babalik sa States. Samantalang si Kuya parang inaasahan niya na ang sinabi ni Papa, hindi man lang siya nagreklamo. Alam ko pa naman kung ano talaga ang gusto niya. Pagkatapos kumain ay sinundan ko na si Kuya sa taas. “Ikaw na talaga magmamana ng school? Akala ko ba magte-take ka pa ng law?” sabi ko nang makapasok na rin sa kwarto niya. Umupo ako sa bean bag upang makaharap din siya. Saka lang siya sumagot nang makaupo na rin siya sa swivel chair niya, kaharap ang laptop niya. “I don’t have

