After the confession, bumalik din kami sa dati ni Owen. Hindi naman naging awkward sa kanya. Kung paano niya ako tina-trato dati, gano’n pa rin siya ngayon. Walang magbabago tulad nang sabi niya. Ako lang talaga ‘tong medyo nahihiya ulit sa kanya dahil nasaktan ko siya. Bilib lang talaga ako kay Owen, kung gaano na ka-mature ang pag-iisip niya. Sa kabila ng mga sinabi ko sa kanya, hindi niya ako nilayuan. Tinanggap niya ang sinabi ko na hanggang magkaibigan lang kami gaano pa ito kasakit. Nang malaman nila Demitri ang tungkol do’n ay tinanggap na lang din nila, hindi na rin nila bini-bring up ang topic na ‘yon. Sabi naman ni Raven as long as magkaibigan pa rin kami, okay lang ‘yon. Naiintindihan nila ako at si Owen kaya wala pa ring magbabago sa ‘ming magto-tropa. Matagal na rin nilang

