“Alysha Ganadoz,” I stiffened when Miss called my name. Hindi ko naman kasi akalain na male-late talaga ako. Limang minuto lang naman ang lumipas no’ng magising ako sa pagtunog ng alarm ko. Binilisan ko na nga maligo at hindi na ako kumain para makaabot pa pero hindi na kinaya dahil nag-commute lang din ako. Hindi ako nahatid ni Mama dahil may inasikaso na naman siya. Unang araw ng klase sa bagong taon ay late na agad ako. “You’re late,” dagdag niya matapos akong senyasan na pumasok na. Dapat talaga pinakuha pa ako ng permit sa guidance, ngunit pinalampas na lang iyon ni Miss. Ngayon lang naman ako na-late, eh. “I’m sorry, Miss. Hindi na po mauulit,” paghingi ko nang paumanhin. Natahimik din ang mga kaklase ko, nabigla sa pagdating ko. Nagsisimula na kasing mag-klase si Miss nang m

