Matapos mailibing si Thelia ay dumiretso ako saglit sa bahay nila bago umuwi. Sinundan ko lang si Tita hanggang sa makarating na kami sa kwarto ni Thelia. Bahagya pang napakunot ang noo ko nang buksan niya ito at papasukin ako. “Hindi ka nakalimutan ni Thelia, iha. May iniwan siya para sa’yo. Tignan mo na lang sa table niya,” ani Tita pagpasok ko sa loob. Tumango naman ako at nagpasalamat. Bago pa niya ako iwan ay nagsalita ulit ako. “Tita, p’wede ko po bang malaman kung bakit gano’n ang nangyari kay Thelia?” nagbabakasakali lang na alam niya lalo na’t silang dalawa ay close sa isa’t isa. “Kasalanan namin, Alysha. No’ng sinabi niya sa ‘min na may problema sa kanya, hindi kami naniwala. Akala namin ng papa niya ay nagbibiro lang siya…” at muling naluha si Tita kaya niyakap ko na lang

