ILANG araw pa ang matuling lumipas na maayos ang takbo ng sitwasyon at ng relasyon nila Ludgi at Saphira. Hindi pa ulit nasundan ang naging misyon ng mga ito sa bangko sa Kuwatro. Niyaya siya ng binata nang araw na iyon na magpicnic sa batis at doon mananghalian. Ilang araw na din ang nakakalipas simula ng opisyal na magkaroon sila ng relasyon. Nagbaon sila ng paborito niyang inasal saka nanghuli ang binata ng isda. Bukod doon ay may mga baon pa silang ibang putahe ng ulam gaya ng gulay at mga prutas. Kahit yata araw araw na siyang kumakain ng inihaw na manok ay hindi siya nagsasawa kahit pa parang magkakapakpak na siya. Iba kasi ang timpla ng binata sa karaniwan. Hindi niya alam kung ano ang inililigay nito sa tuwing magtitimpla ito ng dressing ng manok. Basta meron siyang nalalasahan na

