Chapter 19

927 Words
Naaalimpungatan ako dahil sa sinag ng araw na tumama sa aking maganda't perpektong mukha kaya dahan-dahan akong bumangon dahil nakakaramdam parin ako ng pagkahilo. Napakunot-noo ako nang mapansin na hindi pamilyar ang silid. Teka! Hindi to kwarto namin ni bangin ah! Dali-dali akong bumangon at hindi ko na pinapansin ang hilong nararamdaman ko ngayon at agad kong hinawi ang kurtina. "s**t! Nasaan ako?" mahinang tanong ko sa sarili ko. Hindi ito ang Thunder Pack dahil ang paligid ng bahay na ito kung nasaan ako ngayon ay pinalilibutan ng mga puno. I mean, ganun din naman sa pack namin pero kakaiba ang paligid sa labas. Tinakbo ko agad ang pinto upang buksan pero tangina! Nakalocked. Shit! s**t! Baka nag-alala na si Bangin kundi ang impakta kong pinsan. Napatigil ako sa pagpupumilit buksan ang pinto nang maalala ko ang nangyari bago ako nawalan ng malay. Before that, I saw Clifford's face bago ako nawalan ng ulirat. Laglag balikat akong bumalik sa kama at bumuntong-hininga. Imposibleng si Bangin yun kasi umalis naman ito papuntang Crenon hindi kaya- Nanlaki ang mga mata ko nang may ma-realized ako. "Shocks! Oo nga pala, kamukha nga pala ni Bangin si Clayford!" I exclaimed while my hands automatically wrapped to my tummy. Eh? Nabaling ang tingin ko nang bumukas ang pinto at iniluwa doon ang lalaking kamukha ng asawa ko chars! Pero seryoso, tama nga ang hinala ko nga si Clayford nga ang may pakana nito. "Gising ka na pala." ani nito habang nakatayo parin sa may pinto. Kita naman siguro niyang nakatayo na ako at dilat na dilat ang mata diba? So obviously, gising na ako. Alangan namang mag sleep walking ako, gago. Ay wait! Ba't ang init ng ulo ko ngayon? Tiningnan ko lang siya. Kung titingnan, kahawig nga niya talaga si Clifford, magkasingkatawan nga lang sila pati tindig parang si Bangin nga. Pero ewan ko ba, ba't napakadali sa aking makilala ang kaibahan ng dalawang ito. "Ba't mo ko dinala rito? Alam mo naman siguro ang consequences sa ginagawa mo diba?" kalmadong tanong ko sa kanya na ikinalito ko naman ulit. Kanina ang init ng ulo ko ngayon naman nagiging kalmado na, sudden mood swings para naman akong bunt- Kinapa ko ang tiyan ko na sinundan naman ng mga mata ni Clayford. Napakunot-noo ako nang makitang nag-igting ang mga panga nito na parang pinipigilan ang sariling sunggaban ako. Tatanungin ko sana siya kung may problema ba pero pinili ko nalang manahimik. Tahimik lang akong nakamasid sa kanya na tahimik rin. Later on, he heaved a deep sigh. "Alam ko yun." kalmadong sagot niya pero nakikita ko parin ang kakaibang emosyon sa mga mata nito. "Then why?" Nagtaas-baba ang adams apple niya habang matamang nakatitig sakin. Mayamaya pa ay bumuntong-hininga ito at tumalikod na para lumabas sa silid ngunit agad ko naman siyang pinigilan. Napatigil siya sa pagbukas ng pinto nang hawakan ko ang kanyang mga braso. "Gusto ko ng umuwi, please. I'm sure nag-alala na ang mga tao doon pati na ang pinsan ko." pagmamakaawa ko sa kanya habang nakatitig sa mga magagandang mata nito. "Yun lang ba?" "Lalo na si Ban-- I mean, si Clifford." dagdag ko pa. "Kukuha lang ako ng makakain." ani niya. Hinawakan niya ang kamay ko at marahang tinanggal sa braso niya at tahimik na lumabas sa kwarto. Nanatili akong nakatayo at kinapa ang dibdib dahil sa bigat ng nararamdam ko nang makita ko ang sakit sa mga mata niya. Bakit? Bakit ang sakit sa dibdib nang makita ko ang sakit sa mga mata ni Clayford? May kailangan pa ba akong malaman tungkol sa mga taong lobo? Bagsak ang balikat akong napaupo sa kama at pinagmasdan ang bintana. "Umuulan?" mahinang tanong ko sa aking sarili at dahan-dahang tumayo ulit upang pagmasdan ang patak ng ulan. Nang makalapit sa bintana ay agad kong binuksan ito. Napapikit nalang ako nang tumama sa mukha ko ang malamig na hangin. Hindi ko mapigilang mag-alala sa mga tao dun sa Thunder Pack. Alam kong sa mga oras na ito ay pinapaalam na nila kay Clifford ang pagiging missing in action ko. Knowing him, nagmamadali na itong umuwi. Malayo pa naman ang Crenon sa Avenia pero kung sa mga taong kagaya nila Bangin ay madali lang sila makabalik. Napahawak ako sa bibig ko nang makaramdam ng pagsusuka kaya tinungo ko agad ang banyo at sumuka. Nagmumog agad ako pagkatapos kung sumuka at nanghihinang napaupo ako sa bowl. Pansin ko rin ang tamlay ko kanina at pag-iiba agad ng mga emosyon ko. Hindi naman ako ganito dati kaya posible bang buntis ako ngayon? Hinimas ko ang tiyan ko at napabuntong-hininga. Kung buntis man ako kailangan ko na talagang makabalik upang malaman ni Bangin ang kalagayan ko. Ayaw kong tumagal rito baka magwawala ang Clifford na 'yon. Tumayo na ako upang lumabas, pagbukas ko sa pinto ng banyo ay napatigil ako dahil nakatayo si Clayford sa harap ko habang matamang nakatingin sakin. Awtomatikong kinapa ko ang tiyan ko na sinundan naman niya ng tingin at nakita kong napaigting naman ang mga panga nito. Tiningnan niya ako ulit at walang imik na lumabas sa kwarto. Sinundan ko lang siya ng tingin at napailing. Babalik na sana ako sa bintana upang sarhan ito dahil ramdam na sa loob ng kwarto ang lamig na mula sa labas ngunit napatigil ako nang makita ko ang isang tray na may mga pagkain. Wala sa sariling napatingin ako sa pinto habang kinakapa ang dibdib dahil kumirot na naman ito. May koneksyon ka ba sa akin, Clayford?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD