Chapter 13

1441 Words
"Meet me at the forest. 10AM love." basa ko ulit sa nakasulat. Forest? Teka nga, anong gagawin namin doon? Akala ko ba busy ang bangin na 'yon? I gasped. Hindi kaya si Clayford 'yon? Tsk! Malamang hindi, si bangin lang ng tumatawag sa akin ng love eh kaya love na love ko yun hihi "Hoy Luna! Ano? Forever ka nalang bang tatayo diyan at magdedaydream?" Sinamaan ko ng tingin ang hinayupak na Beta ni Clifford. Napatingin tuloy lahat ang mga tao sa akin na nasa paligid. Ngisihan lang ako nito. "Che! Tumahimik ka diyan! Busy ako kakabilang sa mga utang ko sa aking pinsan at bakla ka walang forever uy!" ganting sigaw ko na ikinasimangot ng loko. Napailing nalang sa amin si Malou na tahimik lang na nakatayo sa gilid ng kuya niya. "Ayy, bitter siya oh! Luna my labs, may lovelife ka na nga eh so wag kang maging ampalaya diyan saka Luna may utang ka pala?" "Oo at wala ka ng pake dun. Nagbbilang ako dahil ikaw ang pababayarin ko!" Nanlaki ang mata ni John na ikinahagikhik ko habang si Malou ay lumapit sa akin. "Ayy naku Luna, halika na. Wala kayo sa bundok upang mag sigawan ni Kuya." sabi ni Malou sakin habang marahan niya akong hinila. "Hindi ba bundok 'to sweetheart?" nakakunot-noong tanong ko. "Hindi Luna. Ang pack natin ay nasa gitna ng gubat. Ang pack lang na nasa bundok ay ang Bloody Mist na pinamumunuan ni Alpha Mark Ezekiel Greil." Napatango-tango ako at nang makalapit na kami kay John na nakasimangot parin ay napangisi ako. "Ang creepy naman ng name sa pack na yun, sweetheart kasing creepy ng kuya mo." sabi ko kaya napahalakhak kami ni Malou. Nagpapadyak sa paa si John at tinalikuran kami. Ang pikon talaga ng kumag na yun. "Oo, pero pag nakapunta ka sa pack nila Luna ay hindi naman creepy. Iba lang talaga yung atmosphere kasi hindi pa nakikita ni Alpha Ezekiel ang kanyang Luna." That caught my attention na ikinatigil ko sa pagtawa. Napakunot noo akong bumaling kay Malou. "Ganun ba 'yon?" Malou nodded. "Oo, gaya dati dito sa pack natin. Medyo gloomy yung aura dito nung wala ka pa pero ngayon naging iba. Parang naging lively ganun." I nodded and smiled. "Of course. Ako lang kasi ang nag-iisang dyosa, eh. " Nagsimula na kaming maglakad at sumunod kay John na busy papacute sa mga she-wolves na nakakasalubong namin. Napailing nalang kami ni Malou. "Kumbaga ako ang nagdadala ng kakaibang saya dito sa pack?" "Tama ka, Luna." Malou replied at ngitian ako. I smiled back at her. Napatigil ako sa paglalakad nang may naalala ako. Napatigil rin si Malou na may pagtataka sa mukha nito habang ang kuya niyang may sayad ay patuloy parin sa paglalakad. "May problema ba, Luna? " nag-alalang tanong sakin ni Malou. Umiling ako at pinakita sa kanya yung card. Binasa niya ito at maya-maya pa ay napangiti ito. "Kaya pala." sabi nito habang may nakakalokong ngiti. " Oo eh, alam mo ba ang daan papunta diyan, sweetheart?" Tumango naman ito. "Oo naman Luna pero nakapagtataka ha hindi naman masyado pumupunta dun ang Alpha." "Anong ibig mong sabihin?" " Hmmm.. Ewan ko Luna basta ang alam ko lang ay hindi naman pumupunta ang Alpha dun unless kung may mga rogues." sagot ni Malou. Napatitig nalang ako sa kanya at napatingin sa card na hawak pa rin niya. "Pero baka may sorpresa ang Alpha kaya gusto ka niyang papuntahin dun." dagdag niya at ibinalik sa akin na ang card. Tumango nalang ako ngunit hindi ko parin maiwasang magtaka. Like duh! Baka hindi ito si bebelabs noh pero kung si bangin man to baka magtampo 'yon. "O siya! Ihatid mo lang ako doon sweetheart, please " pakiusap ko kay Malou. She awkwardly smiled habang may pilit na ngiti. "May problema ba?" nagtatakang tanong ko sa kanya. She scratched her nape and awkwardly smiled. "Kasi Luna eh, may bad memory kasi ako doon, eh." "Ganoon ba?" She nodded and I just sighed. "Sige ako nalang." Tatalikod na sana ako but she hold my hand to stop me. "Pero wala naman akong sinabi na hindi kita sasamahan diba?" Oo nga noh? I snapped at my thought and smiled widely at her. "Ang dami mo kasing chuba ek ek eh kaya tuloy sobrang advance kong mag-isip" I said while giggling. She just laughed at iginiya na sa daan. "Yung kapatid mong abnoy, paano na yun?" tanong ko sa kanya habang tinatahak na namin ang daan papuntang entrance sa gubat. "Hayaan mo ang Kuya kong abnoy,Luna. Malaki na yun hindi yun iiyak. " natatawang sagot niya na ikinahalakhak ko. Meanwhile.... ( 3rd person's POV) "Luna? Kapatid? Wah! Nasaan kayo?" Mangiyak-ngiyak na sabi ni John. Lumilinga ito sa paligid ngunit hindi niya makita ang dalawa kaya tumingala siya sa kalangitan habang may munting luha sa gilid ng mga mata nito. Sumisinghot ito habang nakatingala. "LUNAAAAAAAA, KAPATIIIIIIDDDD KOOO HUHUHU BA'T NIYO KO INIWAN?" mangiyak-ngiyak na sigaw niya habang walang pake sa mga taong nakatingin sa kanya. Mae's POV Busy ako kakatingin sa mga pictures na nasa gallery ng cellphone ko habang nakasunod kay Malou na nangunguna sa daan papuntang entrance ng gubat. Sosyal ang forest nila dito,parang mall may entrance at exit. "Ayy, maganda ako." ani ko nang mabangga ako sa likod ni Malou. Umayos ako ng tayo at tiningnan ang nasa harapan. Napanganga ako dahil sa magandang tanawin na nasa aking harapan. "Luna, bibig niyo po, pakisara." ani Malou na agad ko namang sinunod. I heard her giggled pero wala akong pake. Goodness! Sobrang ganda ng aking nakikita. May dalawang malalaking puno na hindi ko alam kung anong pangalan na parang gate. Bale may distanya ang dalawang puno na ito sa mga ibang puno. Ang dalawang puno lang ang nasa bandang gitna. May mga baging na nakasabit sa bawat sanga na pinalilibutan ng mga ligaw na bulaklak na iba't-iba ang kulay habang sa ibaba naman nito ay mga bulaklak rin na nakahilera mula dito sa aming kinatatayuan. Bumaling ako kay Malou at binigay sa kanya yung cellphone ko. Tinanggap naman niya ito habang may pagtataka sa mukha nito. I smiled widely at her. "Kunan mo ako, sweetheart." Napa "ahh" naman ito. "Diba naghihintay pa sa inyo si Alpha, Luna?" tanong niya habang nakakunot noo. Umiling ako at ngumiti ng malaki. "Bayaan mo muna ang lalakeng yun. Kelangan mo kong kunan, pang i********: to bess. Bihira lang ako makakita ng ganito kaganda kaya gora na. Daliii kunan mo na ako." Napakamot nalang si Malou sa kanyang ulo at tumango. Dali-dali akong pumwesto sa gitna ng dalawang puno at nagpose. "Done" Malou said at ibinaba ang cell phone ko. "Isa pa" sabi ko at umupo sa gitna parin. "Go." "Okay,1 2 3 say cheese." "Haaaaaaaam" sabi ko and do the wink pose. Napailing nalang si Malou. After 10 minutes... I smiled widely habang niisa-isa ang mga kuhang larawan. Kyaaah! Akalain niyo yun ang ganda ko dito. Nagmukha tuloy akong diwata ay dyosa pala ako kaya natural lang. "Luh? Ang konti lang pala ng kuha mo sweetheart pero ang galing mo kumuha ha" sabi ko kay Malou habang nakatuon parin ang atensyon ko sa cellphone. " Konti pa yan sa lagay mo Luna?" 'di makapaniwalang tanong ni Malou sakin. I looked at her and nodded. "Oo eh, kunan mo ko ulit." "Seriously, Luna? 300+ na ang mga kuha ko tapos konti pa 'yan sa lagay na 'yan?" I pouted. "Can't help it kasi. Alam mo na, ang aking kagandahan at sa kalikasan ay nag cocompliment kaya pak na pak ang kuha." She looked at me with an impossible look. I giggled na ikinailing niya lang. "Hay naku, Luna. Lagpas 5 minutes na po baka naiinip na yung mahal mo." I gasped. "Oo nga pala! Geez! I need to go there na baka nagbigti na yun." Tumatango-tango naman si Malou. "Tama ka, Luna. Ayaw na ayaw pa naman ng Alpha na pinaghihintay siya." I snorted. "Subukan niya lang magreklamo ipapakain ko siya sa alaga kong buwaya." "Talaga? May buwaya kayo, Luna" "Yup." I proudly answered and speaking of my pet. Wah namiss ko si Crooky. Crooky kasi name ng buwaya ko. "Cool." I flipped my hair." "I know right." Malou giggled. "O siya, Luna puntahan mo na si Alpha doon." sabi ni Malou at binalik sa akin ang cellphone ko. Umiling ako na ikinataka niya. "Bakit, Luna? Ayaw mo bang dalhin ang cellphone mo?" Umiling ako ulit and ngumiti sa kanya. "Kunan mo ko ulit promise last na to." She gasped in disbelief. "LUNA!" Kinuha ko ang cellphone ko mula sa kanya and giggled. "Joke, gotta go. Sayonara!"
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD