Nakanganga ako literally habang nakatingin sa paligid.
I-It is so amazing! Ang ganda ng paligid. Lots of flowers na iba-iba ang kulay at klase nito. Mga matatayog na puno, 'yong mga talahib ay sobrang berde na mas lalong nagpapatingkad ng lugar.
May nakita akong pathway kaya linakad ko ito baka there is something in there na makapanganga na naman sa akin ng sobra.
I giggled nang ang butterfly ay huminto sa paglipad at nagstay sa tip ng aking ilong. Looks like this small little creature alreadys knows that their goddess is here. Charot!
Lumipad ito kaya sinundan ko nalang nang tingin. Nagpatuloy parin ako sa paglalakad. Kada lakad ko ay may masasalubong akong iba't-ibang kulay ng butterfly na ikinangiti ko. Mga humuhuning ibon ay present din dito.
Gosh! This place is so fantastic! Parang gusto ko tuloy makasal dito. Speaking of kasal, ay napatigil ako sa paglalakad nang maalalang wala pala dito si Bangin. Where the hell he could be?
I pouted. Ang lalaking 'yon, iwan ba daw mag-isa ang nag-iisang dyosa dito sa mundo. Paano kung may masamang mangyari dito? Imposible naman siguro, ang tahimik nga dito eh kaya binalewala ko nalang.
I continued walking at mas lalo akong na excite nang may narinig akong bagsak ng tubig. I shrieked and tumakbo agad papunta kung saan nanggaling ang tunog. Minutes passed ay narating ko ang isang makalaglag pangang talon.
Napakataas nito!
The water is so blue kaya di ko mapigilang matempt na maligo. I wonder who is the owner of this place. Gusto kong bilhin 'to sa kanya o di kaya'y ipapabili ko kay Bangin. Mayaman naman kasi ang ugok na yun.
Huhubarin ko na sana ang pangtaas ko when I heard someone faked a cough.
I turned around and napaawang nalang ang aking labi when I saw a drop-dead gorgeous man. Kamukha niya si Bangin. At first, I thought si Bangin nga pero when I saw a tattoo sa braso ng lalaking nasa harap ko ngayon ay napagtanto kong hindi siya ang aking bangin. But he really looked like Bangin.
I gasped with my thought. H-hindi kaya may kambal si Bangin and hindi ko lang alam? Ngunit bakit wala ako nakitang pictures doon sa mansiyon nga may kasama itong kamukha. Baka kamukha lang, marami naman kasing ganyan. Ang alam ko lang ay may kapatid siya pero baka itong lalaking nasa harap ko?
"Hi. "
Napakurap ako nang ngitian ako ni Mr. Stranger-look-alike.
He extend his hands for a shakehands kaya tinanggap ko ito.
"I'm Clayford, ikaw? "
Huh? He's Clayford? Katunog lang kay Clifford. Coincidence nga lang ba to or something.
"Ah-ahmm.. Mae. Mae Salvador Hernandez Tunner. "
Wala naman sigurong masama na idagdag ko ang apelyido ni Bangin, no? Besides he's my mate, may nangyari na sa amin kaya asawa na niya ako. Hahaha assuming but anyways ngayon lang 'to.
I saw a sudden change of emotion in his eyes. Parang galit o ewan ngunit ngumiti naman siya sakin.
"Nice to meet you, Ms. Tunner. " he said habang nakapamulsa.
Did I said already na ang cool niya tingnan? Well, right now! Ang cool niya!
"Mrs. " I corrected him. Todo na 'tong pag ka assuming ko.
"Oh! My bad, Mrs. Tunner rather. " he said with a very serious tone.
"Sa'yo ba 'tong lugar na 'to? " I asked him. He looked around and smiled kaya di mapigilan ang puso ko sa pag rarambulan. Kinapa ko ito.
Why? Bakit nararamdaman ko rin sa kanya ang nararamdaman ko kay Bangin? Bangin is my mate, I should not feel this to someone. Imposible naman ata kung maging dalawa ang mate ko
Or not?
"Yeah, this place is mine. Actually, inaalagaan ko ito ng sobra para sa nag-iisang babae sa buhay ko. " he answered then looked at me deeply na ikinatitig ko sa kanya.
And again, I feel my heart beats fast. Why? Bakit ganito? This is so wrong!
I looked at his eyes. His eyes is color blue with a silver on it unlike Clifford na plain silver eyes lang sa kanya. Right, he is not the love of my life. He is not my Clifford paticularly not my bangin.
"Ganun ba?" sagot ko nalang and tinuon ko nalang yung atensyon ko sa talon. " Nasan na siya ngayon? " tanong ko ulit then looked back at him.
He looked at me deeply again and sighed.
"She's happily living together with the other guy. " he said sadly and I don't know why kung bakit nasasaktan ako after niyang sabihin 'yon.
"It must be so hard for you. "
He nods.
"Yeah. "
"Do you know her name? "
He nod again and look at my eyes.
"Yes, her name is Ma---"
"LUNAAAAAAAAAAA! "
Napabalikwas ako ng bangon nang may sumigaw sa may tenga ko. s**t! Nagising ata lahat ng cells ko sa katawan dahil sa sigaw.
I glared at John na nakangising aso sakin.
"'Yan, sigaw lang pala ang kulang para magising ka nang tuluyan. " sabi pa nito.
Dali-dali kong kinapa ang sarili ko. Baka kasi nakahubad pa ako you knew what happened last night. Napabuga ako nang hangin na may suot na ako. Si Clifford siguro ang nagsuot sakin because sa kanya kasing t-shirt ang suot ko ngayon.
Napatigil ako nang maalala ko ang aking panaginip. Para kasing totoo lalo na si Clayford.
"Luna, nakikinig ka ba? " ungot ni John kaya napatingin ako sa kanya na may pagtataka.
He sighed.
"Naman oh! Ang haba pa naman ng speech ko tapos hindi ka pala nakikinig. "
I raised my eyebrow at him. He's so mareklamuhin kung 'di lang to beta ni Bangin ay baka sinapok ko na to.
"Ano ba kasi 'yang pinuputok ng butsi mo? Ang aga-aga beks, natuliling na yung tenga ko sa'yo. "
He stomped his feet na parang bata.
"Kasi Luna pinagbilin ka sakin ni Alpha. Hindi ka na kasi niya ginising dahil ang himbing daw ng tulog mo tsaka isa pa pagod ka daw. " sabi nito habang naghalukipkip.
"San ba pupunta si Clifford? "
"Nasa border, Luna. "
I nod.
"Okay beks pwede ka ng lumabas. " sabi ko sa kanya habang nakaturo sa pinto.
Tiningnan lamang niya ako na parang hindi makapaniwala.
"Seriously Luna, what is beks nga ba? And wala man lang thank you? "
I raised an eyebrow for him.
"So, tinatamad akong mag thank you sa'yo, eh saka beks stands for beki. "
"What?! gyay?! "
"Yup. "
"As in gay?! "
I glared at him.
"Paulit-ulit? Unli ka unli? "
Umiling siya.
"Postpaid to Luna. " he answered.
"Aba mayaman. "
"Naman, ako pa pero balik tayo. Don't call me beks na luna ha baka maturn off yung mate ko kung magkita na kami. Ayaw ko naman nun. Sayang ang kagwapuhan ko. " drama nito.
"Oo na, alis na. Magbibihis pa ako. " taboy ko sa kanya kaya napailing nalang to.
"K. Bye. " sabi nalang nito at lumabas na mayamaya pa ay bumukas ulit ang pinto at pinasok nito ang ulo.
"Bilisan mo Luna, ha? "
Napailing nalang ako. Kukunin ko na sana ang cellphone ko na nasa side table ng makita kung may dalawang rosas. Napangiti nalang ako.
"Ang sweet talaga ng kumag na yon. "
I smelled the roses at binuklat ang note. Napatawa nalang ako na may tig isang note talaga ang rosas.
I love you, sleepy head.
- Your bangin
I giggled dahil sa emoji niya. So cute.
Nilapag ko ito sa kama at kinuha ang isang rosas at binuklat naman ang note nito. Napaawang ang labi ko nang mabasa ko ang nakasulat.
Have a good day, pretty.
-Clayford.