Nagising ako na masakit ang ulo. Dahan-dahan akong bumangon pero napangiwi dahil nakaramdam ako ng kirot, ininda ko lang ito at sumandal sa headboard ng kama. Hindi ko masyadong maigalaw ang katawan ko, pakiramdam ko kasi ay nakipagkarerahan ako sa isan-daang kabayo o di kaya'y galing sa gyera. Sinuri ko ang mga sugat kong may benda na, pati sa paa ko ay ramdam kong may benda na rin. Inilibot ko ang paningin ko sa kabuuan ng kwarto at tipid akong napangiti nang makitang nasa kwarto na pala ako- kwarto nami ni Bangin dito sa pack. "I'm home." mahinang ani ko sa sarili. Wala sa sariling napahimas ako sa tiyan ko dahil siguradong ligtas na ako, kami ng anak ko. Nabaling ang tingin ko sa pintong bumukas at iniluwa si Bangin mula doon. He smiled at me genuinely kaya ngitian ko lang din siya

