ITS BEEN TWO days already simula nung nakita kami ni Yvo na magkasama ni Justin at until now hindi niya pa din ako pinapansin.
"Goodmorning, Doc H." Masayang bati ko.
Tinapunan niya lang ako ng seryosong tingin at tipid lang siyang tumango sakin pagkatapos ay nilagpasan na ako.
Mariin akong napapikit dahil sa inis. Hanggang kailan ba niya ako di kikibuin?
Ano bang problema niya?
Napahilot ako ng sentido at bumuntong hininga na lang bago tuluyang pumunta sa ward ng mga patient para magcheck na ulit ng vital signs.
As a nursing assistant, ako ang nakatoka sa pagkuha ng vital signs ng mga patients, pati na din ang paglilinis ng mga sugat, lalo na ng mga patients na galing sa surgery. Ako din ang nakatoka sa pag iinventory sa mga gagamitin ng patients for their surgery para na din maiwasan magkaproblema.
Pagdating naman ng mga doctor na kailangan mag ikot sa mga patients nila, kasama din kami at mga nurses dahil na sa amin ang charts nila at mga vital signs ng patients na need ng Doctor.
Sa totoo lang nakakapagod dahil sobrang laking responsibilidad ang nakapatong sa mga balikat ng Nurses, Nursing Assistant at mga Doctor. Ito ang propesyon na kailangan perfect at bawal kang magkamali dahil buhay ang nakataya dito.
Napakahirap sa medical field pero masasabi kong masaya at nakakatanggal ng pagod ang bawat ngiti ng mga pasyente na natulungan ko, namin, bilang mga taga pangalaga ng kalusugan.
"GOOD AFTERNOON, Doc H."
"Good afternoon."
Napatingin ako sa di kalayuan nang madinig ko ang pangalan ni Yvo. Napaismid ako nang bumati din sya pabalik, samantalang sakin di man lang ako mabati.
Nasa gilid ako ngayon ng nursing station, nakaupo sa waiting area malapit sa chapel. Ang station kasi namin ay harap ng hagdan sa Third Floor, sa gilid naman ang chapel at waiting area na sliding door lang ang pagitan.
"Good afternoon, Doc H." Bati ko nang dumaan sya sa gilid ko papuntang hagdan, tipid lang syang tumango at dumiretso na pababa.
Nataranta naman ako kaya mabilis akong sumunod sa kanya. "S-Sandali.." sabi ko nang makarating na kami malapit sa second floor.
"What do you need?" pormal niyang tanong.
"Uhm.." Ano nga ba?
Bakit ko ba sya pinigilan?
Tumingin siya sa relo na parang naiinip at kunot noong bumalik ng tingin sakin. "Kung wala kang sasabihin aalis na ko, madami pa akong pasyente."
"Na-miss kita." bigla kong sabi at natigilan.
Na miss? Teka mali..
Bahagya siyang natigilan. "You miss me?" di niya makapaniwalang tanong.
Nataranta ako bigla, bakit naman ayon ang lumabas sa bibig ko. "A-Ano, ang ibig kong sabihin, bakit di mo ako pinapansin nitong mga nakaraang a-araw." sabi ko at umiwas ng tingin. Pakiramdam ko ay nag iinit ang pisngi ko.
Inisang habang niya ang pagitan namin at lumebel sa mukha ko. "Did you miss me, Lucia?" Tanong niya na may kislap ang mga mata. Masaya ba sya?
Na miss ko ba sya? Oo? Siguro?
Sa dalawang araw na nagdaan hindi sya naalis sa isip ko. Aaminin ko ba sa kanya yon?
Inilihis ko ang tingin ko. "Ano naman ngayon kung oo.." sabi ko.
"Then why did you choose to stay with that guy instead of following me, the day that we met?"
Natigilan ako. Is he talking about Justin?
"Si Justin?" Tanong ko. tumango siya habang di inaalis ang tingin sa akin.
"Nakilala ko siya last week and we bond, that's all. Hindi kita sinundan because I was hurt, hindi mo ako pinansin, ayokong mapahiya. " pag amin ko.
"You're hurt?" Tanong niya. tumango ako at kinagat ang pang ibabang labi ko. Nasaktan ang ego ko don, hindi ko matanggap no.
" Ako din, nasaktan ako. Hindi ko pinilit makauwi kahit bumabagyo para lang makita kang nakikipagtawanan habang magkaholding hands." malungkot na sabi niya.
Yvo...
Bumilis ang t***k ng puso ko, sa pagkakataong to' hindi ko na matatanggi, na-miss ko nga sya.
Wala sa sariling inilapit ko ang mukha ko sa mukha niya, sa isang iglap lang nakita ko ang sarili kong hinalikan si Yvo.
Hinalikan ko si Yvo?
Nagulantang ako at agad napalayo, kita ko ang gulat sa mukha niya dahil sa ginawa ko. Mabilis akong tumayo at tatakbo na sana nang bigla akong hablutin ni Yvo at hinalikan. This time mas matagal, masuyo at malalim.
Napayakap ako sa leeg niya nang marahan niya akong naisandal sa pader. Pakiramdam ko ay tumigil ang paligid ko at tila nabingi ako dahil wala akong marinig kundi ang t***k ng puso ko lang habang patuloy pa ding magkalapat ang labi namin.
Tila nablangko ang utak ko ng ilang minuto. Napapikit ako nang pakawalan niya ang labi ko at parehas kaming naghahabol ng hininga.
Umupo kami pareho sa baitang at namayani sa amin ang katahimikan.
"Yvo.." tawag ko nang bigla niya akong yakapin. Hindi naman ako nag aalangang may makakita samin dahil bibihira lang ang naghahagdan pero ayoko pa din ma-issue kami.
"Na-miss kita. You don't know how much i wanted to go home from the seminar just to see you." Pinakawalan niya ako sa yakap at nakangiting tumingin sakin. "I'm sorry for ignoring you. It's just that, hindi ko alam kung paano ko pakakalmahin ang sarili ko sa tuwing naiisip ko ang nakita ko." sabi niya.
Hindi ako umimik.
Bakit ba ganito ang puso ko? Ang sabi ko sa sarili ko, sa isip ko na ayoko, hindi pwede, pero bakit...bakit pakiramdam ko tinatraydor ako ng puso ko?
"Lucia.." tawag niya.
Napatingin ako sa kanya. "B-Bakit?" Tanong ko.
"Would you like to go on a date with me?"
I froze.
He's asking me for a date. Like what he asked before in Emergency room. Ito na ba yon?
Tumingin ako kay Yvo. Hindi naman siya masamang tao, he never take advantage of me kahit na noong naaksidente ako instead inalagaan niya ako ng walang reklamo.
Maybe...
"You know I don't take 'no' as an answer." sabi niya pa. Napailing iling nalang ako at ngumiti pagkatapos ay tumayo na.
"Oh, bat tinanong mo pa ko kung may sagot ka na pala?" natatawang tanong ko.
Tumayo di sya at nakangiting humarap sa akin. "Naninigurado lang na tama ang isasagot mo." sabi niya.
Ngumiti lang ako sa kanya. "Fine, let's go on a date, then." sabi ko at umakyat na.
Maybe we can try..
maybe he can heal me..
Maybe..
____________
"MUKHANG maganda ang mood ng aming muse."
Napairap na lang ako sa kawalan nang ako na naman ang inaalaska ni Rochelle. Talagang ang babaeng to, mabakante lang ng ilang minuto talagang mang aasar at mang aasar sya.
Kakatapos lang ng huling ikot ko sa ward para mag check ng vital signs kaya pahinga nalang ako habang nag aantay mag end ang duty ko ngayong araw.
"Mukhang may magandang nangyari sayo ah, tumama ka ba sa loto?" nakangiting sabi ni Nurse Gelyn, habang nag aayos ng mga charts.
"W-Wala naman, no. Masaya lang ako kasi malapit na matapos ang last shift natin for this week, makakapagpahinga na ko. Finally!" masayang sabi ko.
Nagdududa silang nakatingin sakin, na para bang ineexamine ang mukha ko.
"Hindi ka naman ganyan kasaya pag rest day no, ayaw mo ngang nasa bahay mo eh." sabi ni Rochelle
Ang babaeng to' talaga basag trip palagi.
"Di ba pwede maging masaya oh, edi sige, ito malungkot na." sabi ko at kunwaring sumimangot.
Napailing iling nalang sila sa akin na parang di makapaniwala. Napabuntong hininga nalang ako at ngumiti.
'Ihahatid kita mamaya. See you at the parking lot, Lucia.'
Napakagat ako sa labi ko para supilin ang pag ngiti, mahirap na baka ma-issue na naman ni Rochelle. Malakas pa naman mang alaska ang isang to'
"See you later, then."
Mabilis kong ibinalik ang cellphone ko sa bulsa ng scrub suit ko pagkatapos ay tumayo para mag ayos na ng mga gamit ko dahil one hour nalang ay uuwi na kami.
"Sasabay ka ba sakin ngayon?"
Napatingin ako kay Rochelle at umiling. "Hindi na bes, kailangan ko kasi makauwi agad baka pumunta na naman yung landlord sa bahay." Pagdadahilan ko.
Nakasagot na kasi ako kay Yvo na ihahatid niya ako, mabuti nalang din at huli palagi silang umuuwi kaya di niya kami makikita kung sakali.
Nawiwirduhan syang tumingin sakin. "Bakit parang napapadalas ang punta ng landlord mo? nagbabayad ka ba ng upa mo?" Tanong niya.
"Oo naman, basta, pupunta sya." sabi ko. Wala naman syang choice kundi tumango nalang at sumang ayon sakin.
At sa haba haba ng paghihintay ko, ito na nga at uwian na.
Finally.