**KINABUKASAN**, maaga akong pumasok sa ospital, dahil hindi ako nakatulog ng maayos kagabi.
“May zombie.”
“Kaya nga.”
Napabuntong-hininga na lang ako at umupo sa mesa. Hindi ako nakatulog dahil kay Yvo. Nakakainis, kahit ayaw ko siyang isipin, wala akong magawa.
Sa totoo lang, bukod sa trust issues ko dahil sa tatay ko, wala pa talaga akong karanasan sa pag-ibig. Ni hindi pa ako nagkaka-boyfriend kahit kelan.
"Lucia!"
"Boyfriend!" Nagulantang ako sa nasabi ko. Nagngisian naman sila. "Kaya pala di nakatulog dahil sa 'boyfriend,'" sabi ni Ma'am Gelyn.
"Boyfriend mo na, no?" Nakangiting sabi ni Nurse Lea, na parang alam na niya kung sino ang tinutukoy ko.
Mabilis akong tumanggi at umiling. "No, a-ah, nanood lang kasi ako ng K-drama, 'My Secret Boyfriend' ang title, kaya napuyat ako," palusot ko. Pero kita ko namang nagkatinginan silang lahat at hindi naniniwala.
"Totoo ng—"
"Delivery po, galing kay Dr. Hernandez para sa mga nurse ng fourth floor," sabi ng delivery guy.
"Wow, ang daming pagkain! Anong meron?" tanong ni Nurse Lea habang inaabot namin ang lahat ng pagkain. Nagkumpulan sila at pinagpipicture-an ito.
Napabuntong-hininga na lang ako. Is this his move? Try again, Yvo. Hindi ‘yan uubra.
"Napaka-thoughtful naman ni Doc Pogi," sabi ni Ma'am Gelyn.
"Bakit kaya..." tanong ni Jessica.
"Ah, baka kasi wala siya ngayong linggo. Thank you gift niya siguro for taking care of his patients," sabi naman ni Jessica.
"Wala siya ngayong linggo?" napalakas kong tanong na dapat ay bulong lang talaga.
Napabungisngis si Ma'am Lea. "Hindi ba nasabi sa'yo ni Doc H? May seminar siya sa Cavite, kaya wala siya ngayong linggo."
Napakunot ang noo ko. "Hindi niya na—bakit naman niya ako sasabihan, no?" muntik na ako doon ah.
Pero nakakapagtaka naman na di niya ako sinabihan. Parang kahapon lang sinabi niya liligawan niya ako—wait, ano bang pinagsasabi ko? Di ba nga, ay pilit ko siyang binabasted kahapon tapos kung anu-ano pa iniisip ko ngayon.
"Tulala ka na naman diyan, girl. Kumain ka na," sabi ni Ma'am Gelyn habang inabutan ako ng plato. Kumain na rin ako dahil nagugutom na rin ako, mamaya lang madami na naman akong gagawin kaya kailangan kumain ako ng marami.
---
**Everything went smoothly.** Naging okay naman ang maghapon namin sa nursing station, kahit na-toxic ako saglit sa isang patient, but thanks to God, everything got back to normal.
---
"ONE... two... three..four..."
It’s been four days already. Wala pa rin siyang paramdam. I wonder kung ano nang nangyari sa seminar niya.
"Parang pinagsakluban ka na naman ng langit at lupa," sabi ni Roch. Inirapan ko lang siya.
"Pakikuha nga nito sa pharmacy. Need ko lang, wala na kasing stock ng paracetamol dito," sabi niya sa akin na mabilis ko namang sinunod. Kahit na best friend kami, ginagalang ko pa rin siya dito sa ospital dahil senior ko siya.
"Okay!"
Hahakbang na sana ako pababa ng hagdan nang maalala ko ang sinabi ni Yvo na gumamit ng elevator. Napailing na lang ako. Yvo na naman...
Mabilis akong pumihit paalis at pumunta sa elevator. Pasarado na ang pinto nang may kamay na biglang pumigil dito at pumasok ang isang lalaki. Medyo nagulat pa ako kasi nagmamadali siya at tila galing pa sa pagkakatakbo.
"S-Sorry..." sabi niya at mabilis na pinindot ang floor na pupuntahan. Based sa suot at dala niya, isa siyang medtech.
"Good morning po," bati ko. Napatingin siya sa akin at ngumiti. "Morning," sabi niya.
Sa tingin ko ay konti lang ang agwat ng edad namin, maputi siyang lalaki, matangkad din. Pakiwari ko'y pag tinabi siya kay Doc H, magkapantay lang sila ng kagwapuhan.
"May dumi ako sa mukha?"
"H-Huh?" tanong ko. Ngumiti siya. "Nakatitig ka kasi sa akin kaya naisip ko baka may dumi ako sa mukha o baka crush mo lang ako," natatawang sabi niya.
Nahihiya akong umiwas ng tingin at umiling. "A-Ano, hindi ah," sabi ko. Ang kapal naman ng mukha ng lalaking 'to.
"Justin."
"H-Huh?" nagtatakang tanong ko. I heard him chuckle. "Sabi ko ang pangalan ko ay Justin," paliwanag niya ulit. Tumango-tango ako.
"Lucia," tipid na sabi ko. Pagkaraan ay bumukas ang pinto sa second floor, lumabas si Justin at humarap sa akin. "Nice to meet you, Lucia. See you around!" sabi niya bago tuluyang sumara ang pinto.
Napangiti ako. Sobrang friendly niya, parang si—
"Bakit ba pumapasok na naman siya sa isip ko?" bulong ko. Wala nga siya dito pero parang dala-dala naman niya ang utak ko. Ewan ko sa kanya, nakakainis.
"Mukhang masama timpla mo ngayon ah," napangiti ako nang makita ko si Nurse Jen.
"Nurse Jen!" masayang tawag ko. "Kumusta ka? Ngayon lang ulit ako nakababa sa E.R.," sabi ko at luminga-linga, umaasang makikita ko siya kahit alam kong wala siya dito.
"Himala nag-elevator ka, hinahanap mo si Doc H, no? Wala siya ngayon, nasa seminar sa Cavite," sabi niya.
Mariin kong itinanggi ang sinasabi niya. "Hindi ah, pupunta kasi ako sa pharmacy, pagod na ako maghagdan simula fourth floor hanggang ground floor, no. Malisyosa ka na din, Nurse Jen ah," natatawang sabi ko. But half of what she said was true.
"Ganon ba? Siya sige na, punta ka na sa pharmacy, mahaba ang pila ngayon doon," sabi niya kaya tumango lang ako, nagpaalam sa kanya, at lumabas.
Muntik na akong mapasigaw nang may humila na naman sa akin papasok sa isang bed space na hinaharangan lang ng kurtina dito sa E.R. at niyakap ako.
Teka... parang nangyari na 'to.
"I miss you..."
I froze.
Naamoy ko na naman ang pamilyar na pabango. Bumilis ang t***k ng puso ko.
Could it be...
"Y-Yvo..." mahinang tawag ko at kumalma. Ngumiti siya at tumingin sa akin.
---
“AKALA KO BA nasa seminar ka sa Cavite?”
Ayun naman ang sabi nila sa akin kanina. Kahit si Nurse Jen, sabi niya nasa Cavite daw siya for a seminar. Kaya nagtataka ako, bakit andito siya sa harap ko ngayon.
“Wala, gusto lang kitang makita saglit tapos babalik din ako agad sa Cavite,” mahinang sabi niya.
Kumunot ang noo ko. “Bumyahe ka pa talaga ng malayo para lang pumunta dito? Baliw ka na.” bulong ko, pero di ko naman maitatanggi na masaya ako sa presensya niya ngayon.
“Siguro nga...” bulong niya din at natatawang umiiling habang nakatingin sa akin.
“Sige na, umalis ka na,” sabi ko dahil baka may makakita pa sa amin dito sa loob kung ano pa ang isipin.
“Lucia, pagbalik ko dito...” panimula niya, marahang napakamot sa ulo at ngumiti. “Pwede ba kitang yayain lumabas?” dagdag niya pa.
Natigilan ako at mabilis na sumagot, “H-Hindi...” sabi ko.
Mahina siyang tumawa at marahang ginulo ang buhok ko. “And you also know that I don't take 'no' as an answer,” sabi niya kaya napangiti na lang ako.
“Aalis ka na?” tanong ko. Tumango siya bago inayos ang suot niyang cap at face mask.
“See you,” sabi niya at pumuslit na ulit palabas.
Napabuntong-hininga ako at lalabas na sana nang may marinig akong nagsalita.
“Sino yun, boyfriend mo?” Si Justin. Nakangiti siya sa akin. Umiling ako. “H-Hindi ah, issue ka...” sabi ko, napatapik ako sa noo ko nang maalala kong inuutusan nga pala ako.
“Talaga? Nakakapagtaka naman kung pasyente ‘yon tapos aayain ka—”
“Hep, wag ka maingay. Diyan ka na, alis na ako,” sabi ko na lang at nilagpasan na siya
---
"Sorry, Rochelle, natagalan ako. Galing kasi ako sa E.R."
"Saan ka na naman ba napadpad, babae ka? Asan na yung pinapakuha ko sa'yo?" tanong niya. Ngumiti ako. "Ito na," sabi ko at masayang inabot sa kanya.
Nawiwirduhan siyang tumingin sa akin. "Saya mo ah, anong meron?" tanong niya. Umiling-iling naman ako. "Wala naman," sabi ko.
"Siguro nakita mo yung poging medtech, no? Bago lang daw 'yon dito eh," sabi niya.
Umiling lang ako at pumasok na sa loob ng nursing station. Para naman may pakialam ako sa mga usap-usapan dito sa ospital. Mag-iinventory na lang ako ng mga supplies; mas mainam pa.
Magsisimula na sana ako nang may marinig na naman akong pamilyar na boses.
"Good afternoon, hiramin ko lang sana si Lucia saglit."