HAWAK-HAWAK ni Kevin ang kamay ni Camila habang ang mga mata'y nakatuon sa monitor kung saan kita nila ang kanilang baby na may laking twelve centimeters. Tutok na tutok doon si Kevin at lahat ng sinasabi ng doktora ay tila sinasaulo niya. Nang si Rehan hindi naman kasi niya ito naranasan dahil hindi naman sila noon magkasama. Madami din siyang mga katanungan sa doktora. Tungkol sa mga puwede at bawal kainin.Tinanong din kung safe na mag-travel si Camila, dahil plano niyang dalhin ito sa Europe next month. Inabot na sila ng ilang minuto katatanong ni Kevin ng kung ano-ano. "Excited lang ako. Hindi ko naman kasi naranasan ito noon kay Rehan. Hindi ko maintindihan kung bakit kailangan mong magtago habang nagbubuntis ka. E di, sana noon pa tayo nagkakilala. Malay mo, hindi kayo magk

