Nagpasya si Kevin na iuwi na lang ng mansyon si Rehan, nang wala namang makitang problema sa sinagawa na pagsusuri ng doktor sa kaniya. Kailangan lang ni Rehan ng maayos na pahinga at tulog. Physically, maayos naman siya pero ang mga nangyari ay nagdulot sa kaniya ng matinding trauma at stress. Hindi ito gaanong nagsasalita. Tinitignan lang sila kapag kinakausap at iiyak kapag naaalala si Camila. Hinahanap nito ang kaniyang ina. May nakausap na silang proffessional para sa magiging therapy ni Rehan. Umaasa siya na hindi magtatagal magiging maayos din ang kaniyang anak. Kumuha din siya ng nurse na magbabantay dito kasama ng yaya ni Rehan. Hinintay niyang makatulog ang kaniyang anak bago siya nagpunta sa kaniyang sariling silid. Pagkatapos maligo, nahiga siya sa kaniyang kama, pero

