Kabanata 3 Foursome

1601 Words
Magkadikit ang dalawa kong palad habang tahimik na nagdadasal. Nagawa ko pa talagang magdasal kahit na masama ang pinaplano kong gawin. "Tara na, hija!" tawag sa akin ni Mamang sa malakas na boses pagbukas niya ng pinto. "Nandiyan na ang bigtime kong mga kliyente," aniya. Sabay kaming tumayo ni Lily. "Oh, saan ka pupunta?" masungit na tanong nito kay Lily. "Sasamahan ko po siya, Mamang," tugon naman ng kaibigan ko. "Bakit? Ibebenta mo din ba ang sarili mo?" Natameme si Lily. Nagkatinginan kami saglit. "Ayos lang ako, Lily," sabi ko sa kaniya. Mukha kasi siyang nag-aalala. "Sige." Mukhang nag-aalangan siya, pero disidido na talaga ako. Basta magkasundo kami sa presyo. "Hihintayin kita." Lumakad na ako palabas ng dressing room. Nakayuko ako at tahimik lang ako habang nakasunod kay Mamang. Panay ang hithit buga niya sa kaniyang sigarilyo at napupunta sa akin ang usok. Lumiko kami sa madilim at makipot na daanan dito sa bar. Huminto siya sa tapat ng kulay itim na pinto. "Nandito na tayo," sabi niya at bahagya akong pinagmasdan mula ulo hanggang talampakan. Hinila pa niya pababa ang damit ko kaya lumitaw ang aking cleavage. Nagulat ako sa ginawa niya pero hindi na ako kumontra pa. "Ngumiti ka ng kaakit-akit sa kanila," bilin niya bago kumatok ng tatlong beses. Hindi ko alam kung paano ba ang ngiting kaakit-akit, pero sinubukan ko na lang na gawing totoo ang aking mga ngiti. Hinila ni Mamang ang aking kamay nang hindi ako agad humakbang papasok. Dumoble ang kaba na nararamdaman ko nang maamoy ko ang usok mula sa sigarilyo ng mga kalalakihang nandirito. May dalawang babaeng walang saplot ang nagsasayaw. Habang ang mga kalalakihan ay nagtatawanan. Manginig-nginig ang aking tuhod habang naglalakad palapit sa kanila. Sinenyasan ako ni Mamang na pumunta sa harapan. May kaunting liwanag ang madilim na kuwarto sa bandang dingding. Ang mga kalalakihan ay medyo bata pa. Siguro nasa mga late twenty's o early thirty's nila. Mga guwapo. Napasipol ang isa nang tumayo ako sa harapan nila. Ang isa naman sa kanila ay pinaglaruan ang labi gamit ang kaniyang daliri. "I like her," sabi ng isang lalake. Tumawa si mamang. "Virgin siya mga bossing," may pagmamalaki niyang sabi. "Wow!" sambit ng lalake na sumipol kanina. Ang isang lalake ay tahimik lang na naninigarilyo, habang seryosong nakatingin sa akin. Nagyuko ako. Nakaramdam ako ng hiya, kaba at takot. "Turn around," utos ng isang lalake na agad ko namang sinunod. Mabagal akong umikot. "Nice ass!" "Love the curves!" Napalunok ako. Hindi maganda sa pandinig ang mga sinasabi nila. Pero kailangan ko ng pera. "Class A po siya mga bossing," singit ulit ni Mamang. "How much?" tanong ng lalakeng pinakatahimik at seryoso. "Six hundred thousand, bossing." Pigil ko ang aking hininga kasabay ng tahimik na pagdadasal na sana pumayag siya. "Strip first, I want to see you naked," utos niya. Natulala ako. Kumunot naman ang kaniyang noo. Nang hindi pa din ako kumikilos, pinitik nito ang kaniyang daliri. "You want the money or not? Don't waste our time!" pagsusungit niya na nagpasikdo sa aking dibdib. "G-Gagawin ko na po," nanginginig at taranta kong sagot. "Easy. Tinatakot mo, e," awat naman ng isa. "Take of your dress," utos ng isa gamit ang malambing na boses. Inabot ko ang zipper sa likod ng suot kong dress. "Dahan-dahan lang," utos niya ulit. Manginig-nginig ang kamay ko nang ibaba ko sa aking balikat ang isang strap ng suot kong dress. Sunod naman sa kabila. Kagat labi akong tumingin sa kanila dahil sa bigla nilang pananahimik. Seryoso nila akong pinagmamasdan. Nagbaba ulit ako ng tingin bago ko dahan-dahang hinila ang laylayan ng suot kong fitted dress, hanggang sa makarating sa aking bewang. Nailang ako kaya naman tinakpan ko ng aking braso ang aking mga dibdib na may suot pang bra. "Don't be shy, little kitten," sabi ng seryosong boses na nagbigay kilabot sa aking katawan. Hinila ko ang damit hanggang sa malaglag ito sa aking paanan. "Sayawan mo kami," utos ng isang lalake. Pagigil niyang kinagat ang kaniyang daliri, 'tapos ay dinilaan habang nakatingin sa akin. "O-Opo." Hinakbang ko ang isang paa ko pakanan, tapos pakaliwa. Tumawa ang isa kaya naman napapikit ako sa labis na hiya. Hindi talaga ako marunong sumayaw. Si Amanda ang may talent sa pagsasayaw. Para kay Amanda, paalala ng aking isip. Sinimulan kong kumembot. Kaliwa tapos kanan. Sunod naman ay giniling-giling ko ang aking bewang na parang naglalaro lang ng hulahoop. "A little slower, Kitty..." "Yeah..." Dahan-dahan akong gumiling, pikit mata kong sinabayan ang erotikong tugtog. Mabagal. Ilang minuto pa akong sumayaw bago nila ako pinatigil. "You may leave us," utos ng seryosong lalake kay Mamang. Ganun din sa dalawang babae na nagsasayaw. Bibilhin niya ako? "Areglado, bossing. Tawagin niyo na lang ako kapag tapos na kayo," tuwang-tuwa na sagot ni Mamang bago nagkukumahog na lumabas ng silid. "Come here," utos niya sa akin. Hindi ako agad sumunod dahil hinihintay ko ang dalawa na umalis din. Pero hindi pa din sila tumatayo sa kanilang upuan. "Don't keep me waiting, Kitty. Stop wasting my time..." naiinis niyang utos sa akin kaya mabilis akong sumunod sa kaniyang gusto. Tumayo ako sa kaniyang harapan. Ilang dangkal ang layo ko mula sa kaniya. "She's pretty," sabi ng isa. Hinaplos nito ang aking hita. Napaatras ako sa pagkagulat sa kaniyang ginawa. Kinilabutan ako ng husto. Tumawa ang dalawa, malademonyong tawa. Parang gusto ko ng tumakbo palabas ng silid. "So innocent. Definitely a virgin. A hundred percent virgin," ngising asong sabi ng isa. "It'll be exciting..." sang-ayon naman ng isa habang patango-tango. Nag-aapoy ang kaniyang mga mata sa pagnanasa. Nadagdagan pa ang takot na nararamdaman ko sa nakikita ko sa kaniyang itsur. Para siyang isang hayop na handang-handang manakmal. "Pasensya na po, pero dito po ba natin gagawin?" tanong ko habang nakatingin sa seryosong lalake. "N-Nahihiya po kasi ako na may ibang tao na nonood." Ngumisi siya. "Leave us first," utos niya sa dalawa. Nakasimangot naman ang dalawa na tumayo. Nang magsara ang pintuan, hinila ako ng lalake at pinaupo sa kaniyang tabi. Hinaplos nito ang aking pisngi, sunod ang aking leeg. Napasinghap ako sa kakaibang kilabot na dala ng haplos niya. Ngumisi siya. Pagkatapos ay ang strap naman ng bra ko ang kaniyang sinunod. Halos mangisay ako nang magdala ng kiliti ang ginawa niya lalo na ng madampian ng kaniyang daliri ang aking cleavage. Dahan-dahan niyang nilapit ang kaniyang mukha sa akin pero umiwas ako. "Puwede po bang huwag mo akong halikan sa labi?" Humalakhak siya. "Where's the fun in that?" Hindi ako umimik. Hindi na din naman niya pinilit pa ang gusto. Hinalikan niya ang leeg ko. Nakikiliti ako lalo na ng dilaan niya ang likod ng aking tenga. "You smells good, Kitty," bulong niya gamit ang baritonong boses. Kagat labi akong tumingala nang bumaba ang kaniyang halik sa aking leeg. Dinilaan pa niya ito, pinaikot-ikot ang dulo ng kaniyang tenga. Hindi siya nagtangkang hawakan ang aking maseselang parte. Siguro alam niyang kabado ako kaya pinag-re-relax lang muna niya ako. Pinahiga niya ako sa malaking leather couch. Bumaba siya ng halik. Sa aking mga braso, sa aking tiyan. Nagtakip ako ng bunganga dahil nahihiya akong marinig niya ang pag-ungol ko. Tinigil niya ang kaniyang ginagawa. "Don't. Just moan. Mas gaganahan ako kung marinig ko ang ungol mo," sabi niya kaya naman sinunod ko siya. "Ah! Hmmm..." Napakapit ako sa couch nang dilaan niya ang aking pusod habang hinahaplos ang aking hita. Pikit mata ako. Nilabanan ko ang aking nararamdaman. Hindi ako dapat nasasarapan sa kaniyang ginagawa. May tumakas na luha sa aking mga mata. Bukas mapapaopera na si Amanda. Hinaplos niya ang aking braso habang hinahalikan ang aking mga hita. Ang kaniyang isang kamay ay hinaplos ang aking tiyan. Ang isa naman ay nasa aking kilikili malapit sa aking dibdib. Naramdaman ko na bumalik ulit ang kaniyang mga labi sa aking leeg. Napamulagat ako nang mapagtanto ko na bukod sa aking leeg may ibang labi pa ang humahalik sa ibang bahagi ng aking katawan. Gulat na gulat ako nang makita ko ang dalawang lalake. Bumalik sila! "S-Sir," nanginginig kong awat sa kanila. "S-Sir, huwag po," pakiusap ko pero hindi nila ako pinakinggan. Patuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Napasigaw ako nang hawakan ng isa ang aking dibdib. Pinilit kong maupo. Sinipa-sipa ko ang aking paa. Natamaan ang dalawa. Napamura sila at galit na tumingin sa akin. "S-Sir, wala po ito sa usapan," sabi ko sa kanila. Mabilis akong umupo pero ang isa ay mabilis akong niyakap. "Binayaran ka na namin. Ano'ng wala ito sa usapan?" galit na tanong ng isa. Ano'ng ibig nilang sabihin. Na silang tatlo ang nagbayad sa akin. Silang tatlo ang gagamit sa akin? Nabalot ako ng takot. Nanubig ang aking mga mata. Hindi ako makapapayag! Pinilit kong kumawala sa isa. Tinuhod ko siya pero nagawa niyang pigilan ang aking paa, kaya nadapa ako. "Lily!" nagsisigaw ako. "Tulong! Tulong po!" Hindi ko alam kung maririnig ba kami sa labas. Hindi ko alam kung may tutulong ba sa akin dito. Dios ko! Tulungan mo po ako! Gusto ko lang pong isalba ang buhay ni Amanda pero huwag mo po sana akong hayaang mapahamak sa tatlong lalakeng ito. "Dalhin mo siya sa couch!" "Please, huwag! Hindi ko kaya ang gusto niyong mangyari. Please, hayaan niyo na akong makaalis dito." Tumawa ang isa. "Makakaalis ka naman, Kitty. Pasasayahin ka muna namin," sagot ng isa bago tumawa nang malakas. Binitbit ako ng dalawa at dinala sa couch. Walang-wala ang lakas ko kompara sa kanila na may malalaking katawan. Ano ba 'tong napasok ko? Umiyak ako nang ibabawan ako ng isa. Sa isip ko sumisigaw ako ng saklolo. Na sana magpadala ang Diyos ng tulong sa akin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD