Hindi ako makatulog. Nakainom ako pero nakakapagtaka na hindi ako ngayon dalawin ng antok. Binuksan ko ang lampshade sa gilid ng aking kama saka tumihaya. What did just happened? tanong ko sa aking sarili. Parang nakikita ko pa din ang imahe ng lalake kanina. Ang guwapo at seryoso niyang mukha. Parang ramdam ko pa din ang matitipuno niyang katawan. Ang matigas niyang dibdib. Ang hot niya talaga! Naalala ko din ang ginawa niya sa akin kanina. Napakagat labi ako nang maalala ko kung paano mag-respond ang aking katawan sa simpleng pagkakadikit lang ng aming katawan. Hinaplos ko ang aking panga hanggang sa aking leeg. Iyon lang naman ang ginawa niya pero halos umungol na ako kanina. Nag-init ang aking katawan. Nabuhay ang aking pagnanasa. Namasa din ang aking p********e —at hind

