Chapter 2

2017 Words
May 28, 2018 Ang araw ng kinahihintay ko. Fiesta samin! Kaya sobrang saya ko kasi makakain na naman ako ng masarap, nakakasawa na ang beykcen, steyk and salmen haha. Medyo abala ang parents ko sa mga bisita nila. Abala din ako sa pag se-serve ng Berding Kabayo sa mga kaibigan kong tambay dito samin. "Marami pa tayong uubusin." Sabi ko sa kanila. "Hahaha ngapaka bangad ingnguwens mo tangaga Marngengen." Asar nung isang tambay na halos isang ngipin nalang ang natira. Ang sabi nya po sakin ay "napaka bad influence mo talaga Marceline." Pasensya na pero mahirap talagang kausap ang isang to. "Wow! Nahiya naman ako sayo bungi!" Magsasalita pa sana siya pero pinigilan ko na sya. "Please bungi wag ka ng magsalita, nahihirapan na akong e translate sa mga readers ko." Dagdag ko pa. "Ngenger?" Reader po yan. Wag nyo na pansinin. Nakakahilo na nga ang kabayo mas mahihilo pa kayo sa mga words niya. Ilang oras din kaming nagtagayan at lahat kami tawa lang ng tawa. "Hahahaha naalala mo ba yung!?ano! Yun bang ano." Tawang tawa ni Pedro. "Kung tapusin mo kaya yang sinasabi mo para naman ma share mo yang kaligayan mo dyan!" Sabi ko sa kanya saka nag shot ng alak. "Ige ah hu na mangag kwengho." Sabat naman ni Bungi. Agad ko naman siyang pinalo gamit ang pamaypay na ngayon ko lang nakita. San kaya galing 'to? Wow! Magic! "Hahaha hindi nyo ba naalala yung nakakatawang pangyayari hahaha." "Ano nga!!" Inis ko ng tanong sa kanya. "Yung nag tre-treasure hunting tayo yun pala, tae hunting hahaha. Akala natin may treasure dun sa isang imburnal, yun pala puro tae. Hahahahaha." Halakhak niya pa ng todo at tinaasan ko lang siya ng kilay hanggang sa umubo na sya dahil sa pagkahalakhak. "TB na yan! Patingin ka na." At dun na nga tumawa ang iba pa naming kasama. "Hahaha iba ka talaga Marceline. Siguro tomboy ka nuh? Kasi lage kang nakikipag inuman samin." Sabi pa nung isang tambay na kalbo at lumabas na ang tyan dahil sa laki. "Kasi pag may alak may balak. May balak kaya ako sa inyo.. balak na PATAYIN!! Bwahahahaha." At napahalakhak na ulit kami. Hay nako! Weirdo na siguro ako kasi tambay yung kinakaibigan ko. Pero wala namang masama sa tambay haha. Maya-maya ay napansin kong bumagsak na ang mga katagay ko, kaya ginising ko sila isa isa. "Ang we-weaakk nyo!! Gumising kayo! Walang matutulog!" Pero hindi na sila kumilos kaya naman ay pumasok na ako sa loob at dumerecho sa kwarto ko. Walang challenge naman ng mga tambay na 'yun ohhh! ****** *Phone ringing* Bakit ang ingay natutulog ang tao dito, sino bang pesteng taong tumatawag ngayon? Mapapatay ko talaga ito! |Sino ba to??!!! What the hell??!!!| |excuse me?| Bigla akong napabangon at napamulat ng mata, agad kong tinignan ang pangalan na naka registered sa phone ko. Carmel-HR Anak ng!!! |excuse me what did you say awhile ago?| |I mean what a well! I've been waiting for your calls actually. Haha| |ok! I just want to remind you that you have an interview around 9am| Napatingin ako sa side table dito sa kwarto ko at mas lalong napamulat ang mata ko at nataranta ako dahil alas 8 na pala. |sige po nandyan napo ako mamaya. I mean I will be there soon| |ok! See you later Ms. Dela Victoria| Nagmadali na akong bumangon at naligo wala ng sabon sabon pa, ehh madudumihan rin naman ako. Wahaha! Pagdating ko sa Company ay marami din nakapila sa lobby at nag hihintay na tatawagin para sa interview. Sana makapasok ako. Para naman magka color yung lovelife ko Lord! Please Lord! Dinggin nyo na po ang panalangin ko. Nagmamaakawa napo ako sa inyo. "Ms. Dela Victoria, Marceline" "Yes Lord! Este! Yes ma'am." Pinagtinginan naman ako nung iba at pinagtawanan kaya tinignan ko silang masama. At agad ng sumunod sa HR na tumawag sakin. "Goodmorning please take a seat." Agad ko namang hinablot ang swivel chair sa harapan ko at komportableng umupo dito. "Okay! Welcome to WBPO company. My name is Carmel from HR team. So what do you know about BPO ms. Dela Victoria." Tanong niya sakin with matching eye contact pa, nakaka intimidate naman yung tingin niya. Napalunok ako bago ako sumagot. "BPO is abbreviated as Business Process Outsourcing. When a company wants its non-core work to be done by an expert at cheaper costs then they outsource their work to other country, which is called Business Process Outsourcing. The outsourcing is generally made between two countries." Sagot ko tapos ngumiti ako sa kanya. "Why do you see BPO as your career?" "BPO has always been a career choice for me as you are exposed to a new field, which gives you an opportunity to grow and develop your personality and communication skills. The recent survey also tells the fast growth of this industry." Pagkatapos ng interview ay nakahinga na ako ng maluwag. Sana naman hindi nya napansin ang bad breath ko haha. Paglabas ko sa room kung saan kami nag one on one interview ni Carmel ay agad kong inamoy ang hininga ko, well hindi naman mabaho infairness kahit nakalimutan kong mag toothbrush
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD