Isang linggo akong hindi nakatulog dahil sa nangyari dun sa bahay nila bakla. Pero pakiramdam ko parang kahapon lang nangyari ang kissing scene namin ni TL. Haha actually kahapon lang talaga nangyari yun, Nag exaggerate lang ako masyado. Nakahiga ako ngayon sa kama at tulala parin dahil sa nangyari. Sa twing naalala ko yung ginawa niyang lapastangan sakin hindi ko mapigilang mag wild in the zoo in my stomach. She kissed me.. we kissed.. ano kayang naramdaman niya nung hinalikan niya ako? Natatakot naman akong sabihin sa kanya kasi baka mapahiya lang ako at sabihin niyang nag story telling lang ako.
TL..