Nang sumunod na araw ay hindi mawaglit-waglit sa isip ni Samara ang sinabi sa kaniya ni Georgia. Oo nga't lasing siya at antok na, ngunit pagkagising niya ay ito kaagad ang naalala niya kasunod ng sumusundot na sakit ng ulo. Ano ang ibig sabihin noon? Baka naman namamalikmata lang ang kaibigan niya? There's no way na pupunta sa club nila si Callan, hindi ba? Kung totoo ang nakita ni Georgia, bakit hindi ito nagsalita noon pa? At paano nito nalaman kung saan siya nagt-trabaho? "Bakit ba iniisip ko pa? Wala na! Tapos na ang pustahan namin. Bahala na silang magpakasaya! Wala na akong pakialam sa mga bagay na may kinalaman silang dalawa. Pag-untugin ko pa sila, eh." nakangiwing sabi niya sa sarili bago nagpabaling-baling sa kama. Nagsabi na siyang hindi na niya guguluhin pa ang mga ito k

