"Leron, leron sinta,
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Humanap ng iba."
Marahang at mahinan niyang kinatanta ang kaniyang paboritong kantang pambata habang naglalakad papunta sa tindahan. Sa kaniyang kaliwang kamay ay hawak-hawak ang perang pambili habang ang kaniyang kanang kamay ay malayang sumasabay sa galaw ng kaniyang mga paa.
Natigilan si Samara nang makita ang limang batang naglalaro malapit sa tindahan na kaniyang pagbibilhan. Pinagmasdan niya kung paano maglaro ang mga batang ka-edad niya ng mga larong nais man niyang laruin kasama ang mga ito ay hindi maaari. Bahagyang napahawak si Samara sa masakit niyang pulso kung saan marahas siyang hinawakan ng kaniyang Tatay nang siyang utusan.
Ang inosenteng mga mata ay natuon sa mga bata dahil sa inggit. Ngunit ang sakit na nararamdaman ay isang tanda na mas malala ang kaniyang sasapitin kapag siya ay hindi pa kumilos.
Kahit na labas sa kalooban ay muli niyang ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa tindahan, ang tawa at hagikgik ng mga bata ay rinig pa rin niya.
"Pagbilhan po!" magalang niyang tawag mula sa labas ng pamilyar na lumang tindahan na halos tatlong beses sa isang araw niya kung puntahan.
Mula sa pinto ay dumungaw ang nakatatandang tindera na si Manang Fe at napailing na lamang nang makita siya. "Isang bilog pa para sa tatay mong lasinggero?"
Marahan na lamang ang ginawang pagtango ni Samara sa butihing Ginang na alam ang sitwasyon niya. Sa tuwina ay bubuntong-hininga o hindi kaya naman ay mapapailing na lamang ito kapag makikita siyang nakatayo sa harap ng tindahan nito.
Napapapalatak itong kumuha ng nasabing bote sabay lapag sa kaniyang harapan at kaniya namang iniabot ang bayad.
"Isa sa mga araw na ito ay bigla na lamang tutumba iyang Tatay mo, hane. Mapa-umaga, tanghali at gabi ay puro alak ang hinaharap. Bakit naman kaya hindi siya ang bumiri rine at hindi ikaw na isang paslit ang inuutusan?"
Bahagyang umangat ang kanang bahagi ng labi ni Samara sa tinuran ng Ginang. Noon pa man ay natutuwa at napapantastikuhan na siya sa kakaibang tono ni Manang Fe.
"Salamat po." mahinhin niyang pasasalamat at muling naglakad pabalik sa kanilang bahay bitbit ang alak.
Napalingon si Samara sa mga bata na ngayon ay muli siyang kinukutya habang tinuturo siya. Nagtatawanan ang mga ito na para bang nanunuod ng nakakatawang palabas.
"Haha! Lasinggerong bata!"
"Manginginom!"
"Lasinggero ang tatay!"
Inilihis ni Samara ang mga mata at muli na lamang itinuloy ang kinakanta. Ngunit sa pagkakataong ito ay iniba niya ang liriko.
"Gumising ka, Neneng,
Tayo'y bibili,
Dalhin mo ang pera
Sisidlan ng bilog.
Pagdating sa dulo'y
Lalamba-lambayog,
Bilisan mo, neneng,
Baka ka mabugbog."
Tinahak ni Samara ang maruming daan na puno ng mga basura at tae ng mga aso, masangsang at nakakasulasok ang amoy ngunit ito na ang kaniyang araw-araw na naaamoy. Narating niya ang tagpi-tagpi ilang bahay a kinakalawang na ang bubong at butas na ang ibang parte ng kahoy na tinakpan na lamang ng sako at plastik.
"Nasaan na ba iyang babagal-bagal na batang iyan?! P*******!"
Sa takot na mas lalong magalit ang kaniyang Tatay ay tumakbo na papasok si Samara sa loob at agad na iniabot sa lasing nang Tatay ang alak.
"Akala ko bukas ka pa makakarating! Daig mo pa ang s**o, ah? Kuh, lumayas ka nga sa harapan ko at baka samain kang lintek ka!"
Nakaramdam ng isang batok si Samara at agad na nangilid ang luha sa kaniyang mga mata bago umalis sa harap ng Tatay niya at naupo sa papag kung saan siya natutulog. Iniyakap niya ang mga kamay sa tuhod at nahihintatakutan itong tinignan at pinagmasdan ang bawat galaw nito sa takot na siya'y muling matamaan.
Nang sa wakas ay makatulog ang Tatay Raymart niya ay kinuha niya ang mga papel na pinagguguhitan niya at itinuloy ang bahay na iginuguhit. Isa itong magandang bahay at sa harap ay nakatayo ang isang masaya at kumpletong pamilya. Isang Ama, isang Ina at isang nakangiting Anak.
Isang pamilya na malayo sa kung ano sila ng kaniyang pamilya.
At sa murang edad na sampu ay alam na ito ni Samara. Hindi sila katulad ng ibang pamilya na sama-sama at masaya dahil madalas ay wala ang kaniyang Ina at naghahanap-buhay. Ang kaniyang Tatay ay madalas na lasing kapag mahina ang biyahe sa pedicab.
Napapiksi siya at bahagyang nasira ang ginuguhit nang dumating ang kaniyang Inay at nagdadabog.
"Tang***** buhay iyan. Kakaunti na nga lang ang mga kustomer at kadalasan ay mga buraot pa ay nagsara pa ang club na iyon! Letseng buhay 'to! Letse!" nanggalaiti nitong sigaw at mabilis na itinagong muli ni Samara ang iginuguhit.
"Tignan mo mo pa itong damuho at perwisyong lalaking ito. Hoy! Hoy, gumising ka riyang batugan ka!" ubod ng lakas nitong sigaw at unti-unting tinakpan ni Samara ang kaniyang mga tenga. "Wala ka nang ginawa sa inaraw-araw kung hindi maglasing, tumihaya at magpakasarap sa buhay! Kakapiranggot na nga lang ang kinikita mo ay winawaldas mo pa sa alak!"
Nakita ni Samara kung paanong pinagpapalo ng hawak na bag ng kaniyang Inay ang kaniyang Itay na nagising na. Sa kagustuhang huwag makita ang pangyayari ay tumalikod si Samara at idiin ang noo sa pader habang nakatakip pa rin ang dalawang kamay sa mga tenga.
"Aba't kita mo itong pokp*k na ito. Sinong may sabing si–sirain mo ang tulog ko—hik! Halika dito, p*** ka!"
Ipinikit niya ang mga mata at muling itinuloy ang paboritong kanta sa kaniyang isipan upang hindi marinig pa ang ingay sa kaniyang paligid.
"Leron, leron sinta
Buko ng papaya,
Dala-dala'y buslo,
Sisidlan ng sinta,
Pagdating sa dulo'y
Nabali ang sanga
Kapos kapalaran,
Ang ibigin ko'y
Lalaking matapang,
Ang baril nya'y pito,
Ang sundang nya'y siyam
Ang lalakarin nya'y
Parte ng dinulang
Isang pinggang pansit
Ang kanyang kalaban."
BAHAGYANG napaso si Samara nang magsandok siya ng kanin mula sa kaldero na nakapatong pa sa gasulito, ngunit hindi niya ito ininda at sa halip ay itinuloy ang pagsasandok ng kanin sa pinggan.
"Matagal pa ba iyan? Gutom na gutom na ako, oh! Talaga bang wala kang magiging pakinabang sa amin ng Nanay mo kung hindi maging pabigat?!"
Bahagyang napapiksi si Samara sa bulyaw ng kaniyang Itay at muling napaso ngunit minadali na ang ginagawa at inilapag sa harap ng kaniyang Itay ang pinggan na may lamang umuusok pang kanin.
"Tang***** buhay talaga 'to. Nagbabanat ka ng buto tapos sardinas ang kinakain mo araw-araw. Mas mabuti pang tuyo na lang ang kainin natin niyan, eh!" litanya ng kaniyang Ama sabay hampas sa mesa at hindi umimik si Samara at imbes ay nagsimulang kumain.
Napasulyap siya sa nakabukas na pinto nang pumasok ang kaniyang Inay Myla na ipinampapaypay ang hawak na envelope sa sarili.
"Hoy, kuha mo nga akong tubig. Dali!" utos nito sa kaniya at agad namang tumalima si Samara.
Naghugas muna siya ng kamay sa nakahandang timba na inigib niya kanina bago kumuha ng tubig na nagmula sa gripo at ibinigay sa Inay niya.
"P*** , napakahirap humanap ng trabaho sa Maynila. Puro experience ang hinahanap, ano bang magagawa ko kung puro pagbukaka lang ang experience ko? Tapos tang*** naman puro maliliit ang sweldo. Tapos iyang mga call center naman, hindi nga ako nakatuntong ng first year high school! Tang**** buhay 'to. Kasumpa-sumpa!"
Tahimik na bumalik si Samara sa pagkain at naramdaman niya ang pagtingin sa kaniya ng kaniyang Itay.
"Tanda mo ba si Dianne na nakatira sa may kanto?"
"O? Paki ko sa bruhang iyon."
"Balita ko mabenta ang negosyo noon. Bakit hindi mo isama itong anak mo para mapakinabangan naman natin?"
Sa narinig na pagbanggit sa kaniya ay natigil sa pagkain si Samara at napatingin sa kaniyang Ama na nakangiti, at sa kaniyang Inay na humihithit bago ito ibinuga at napangiti rin.
"Bakit hindi?"
"`NAY AYOKO po! Inay uwi na po tayo. A-ayoko po rito." ngumangawang pakiusap ni Samara sa kaniyang Inay Myla na kinaladkad siya sa isang bahay matapos siyang pagbihisin.
Awtomatiko siyang nakaramdam ng takot nang makita ang mga batang kaedad niya o mas bata at matanda na pulos umiiyak habang yakap ang mga sarili. Nakita niya ang ilang mesa na may nakapatong na computer at may nakita siyang mga ibang lahi roon. Ano nga ba ang tawag roon?
"Huwag kang aarte-arte at tatamaan ka talaga sa akin, Samara! Umayos ka! Gawin mo ang inuutos sa'yo para mapakinabangan ka naman namin ng Tatay mo! Kapag sinabing maghubad ka, gawin mo!" bulyaw nito sa kaniya na lalo niyang ikinaiyak at ikinatakot. Mamaya pa ay hinawakan siya nito sa baba at iniharap rito. "Balang-araw ay malalaman mo na wala ring kuwentang pahalagahan mo ang sarili mo sa mundong kinalalagyan natin. Nakikita mo iyang mga lalaking iyan? Mga uhaw at hayok sa p*** iyang mga iyan at magbabayad ng malaki para sa kalibugan nila. Sa ating mahihirap, Samara, hindi mahalaga ang salitang 'inosente', 'birhen' at 'dignidad'. At iyan ang pakakatandaan mo."
Anumang protesta at pagtutol ang ginawa ni Samara ay nasunod ang kaniyang Ina. Iniharap siya sa harap ng Computer at sapilitang ipinagawa ang mga malalaswa at mahahalay na bagay na ikinatutuwa ng matatandang kaharap nila. Maririnig sa maliit na barong-barong ang palahaw at iyak ng mga batang pinagkaitan ng karapatang mamili ng kanilang desisyon. Mga batang ninakawan ng ka-inosentehan sa murang edad.
Mabilis na lumipas ang limang taon na halos walang nagbago sa kaniyang buhay. Ang libo-libo niyang kinikita sa pagpapaligaya sa mga mahahalay na matatandang kano ay napunta lamang sa bisyo at pagsusugal ng kaniyang mga Ina. Binibilhan lamang siya ng matinong damit ng kaniyang Inay para sa kaniyang 'trabaho', ngunit lahat ng kinikita niya ay diretso sa mga kamay nito.
Sa edad na kinse ay napagtanto na ni Samara na siya ay pinagkakakitaan ng kaniyang mga magulang. Siya ang ginawang 'trabaho' ng mga ito at 'gatasan'.
Hindi na bumabaligtad ang sikmura ni Samara at nasanay na siya sa ginagawa sa harap ng Camera. Wala siyang pinagkaiba sa mga porn stars na pinapanuod ng kaniyang mga kaklase mula sa likuran ng kanilang room. Marahil ito na rin ang pinagpapasalamat niya sa kabila ng masaklap na karanasan, ang pinag-aral siya ng kaniyang Inay. Kahit pa ito ay sa kadahilanang upang siya ay mas matuto ng wikang Ingles.
Narinig niyang napapalatak ang kaniyang Inay na si Myla habang binibilang ang 'kita' niya ngayong linggo. Nakataas ang paa nito at walang paki kung kita na ang singit nito.
"Hindi na gano'n kalakas ang benta mo, Samara. Lintek. Tumatanda ka na kasi kaya ang mga pedophile nakanong iyon ay ayaw na sa iyo. Paano naman tayo lalarga nito sa sampung libo? Dati nakaka-singkwenta ka. Tang***** buhay 'to."
"Sampung libo pa rin iyan, hoy! Kung iyan ba naman ay hindi mo idinidiretso sa sugal at iniipon mo o ginagamit mo sa makabuluhan, baka hindi ka nam-mroblema. Palibhasa mukha kang perang, p*** ka."
"At nagsalita raw ang malinis at mabait! Ugok! Kung hindi pa panay hingi mo ng pang-inom mo. At akala mo ba hindi ko alam na nanghihingi ka rin para pambabae mo? Gag* mahiya ka sa malibag mong balat! Talaga kayong mga lalaki, pare-pareho! Puro uhaw sa p***!"
Napabuntong-hininga na lamang si Samara sa pagtatalo ng kaniyang mga magulang.
Ang pera nga naman, ginawa nang Diyos ng ilan, handang pumatay ang kung sinumang maghangad nito.
"Sus, ako, hindi ako pumapatol sa mga lalaking makakapal ang mga wallet! Palibhasa'y gumurang ka na rin at maluwag na iyang kuweba mo kaya umay na ang mga lalaki diyan!"
"Taran****!"
Narinig niyang tumawa ang kaniyang Itay at ang sunod nitong sinabi ay tila bombang sumabog sa kaniyang pandinig.
"Bakit hindi mo ipasa ang trono mo diyan sa anak mo? Birhen pa naman iyan kaya siguradong maraming magbabayad para diyan."
Hindi na napigilan pa ni Samara ang sarili at napatayo habang kuyom ang mga kamao. Ang kaniyang mga mata ay puno ng luha.
"Mga magulang ko pa ba talaga kayo? Mga tao pa ba kayo para kaswal lang na pag-usapan ang anak ninyo na para bang isa lang akong laruan na walang pakiramdam?! Kahit kailan ba ay nag-abala kayong tanungin ako kung gusto ko itong nangyayari? Kung gusto ko bang ibinebenta ninyo ako kung kani-kanino para sa pansarili ninyong kapakanan!"
Napasinghap si Samara nang maramdaman ang malakas na sampal sa kaniyang pisngi. "Masiyado kang ma-drama, p*** ka. Hangga't dito ka nakatira sa ilalim ng bubong namin ay pag-aari ka namin! At lahat ng gusto naming gawin sa'yo ay karapatan namin bilang kabayaran sa ilang taong pagpapalamon namin sa iyo!"
Masama ang loob na hawak niya ang kaniyang masakit pang pisngi dahil sa sampal ng kaniyang Inay. Puno ng panunumbat at sama ng loob ang mga matang tinitigan niya ito.
"Baka lang din ho nakakalimutan ninyo na anak ninyo ako at responsibilidad niyong alagaan ako." pagkasabi noon ay iniwan niya ang maliit nilang salas at bumalik sa papag kung saan siya natutulog.
Kinabukasan, nagising nalamang si Samara sa pakiramdam na may kamay na humahaplos mula sa kaniyang mukha pababa sa kaniyang katawan. Nawala ang antok niya at kaagad siyang napaupo. Nanlaki ang kaniyang mga mata nang makita ang isang lalaking hindi niya kilala at kaagad na umatras upang protektahan ang kaniyang sarili.
"Tang*** mo, Borgs. Bwena mano ka riyan sa anak ko at sariwa pa iyan. At ikaw, Samara, ayos lang 'yan. Paligayahin mo ang first customer mo."
Ang nahihintatakutang mga mata at nakita ang kaniyang Inay na nakatayo sa pinto habang nilalaro ang makapal na bungkos ng pera sa kamay. Ngumisi ito sa kaniya bago isinara ang pinto at iniwan siya sa kamay ng isang estrangherong may balak na masama sa kaniya.