CHAPTER 3

2652 Words
DAHAN-DAHANG isinara ni Ada ang pinto ng pribadong silid ni Rozen.  Kakaiba talaga ang clinic na iyon.  Clinic lang pero daig pa yata ang pinakamagandang ospital sa buong bansa.  Kumpleto kasi sa gamit at may pitong pribadong silid na para sa mga pasyente bukod sa mga doktor at nurses na ang alam niya ay pinirata pa ni Reid sa mga ospital ng Pilipinas.   Marahan siyang tumikhim para kung gising ito ay malaman nito ang presensya niya.  Hindi naman kumilos sa pagkakahiga nito sa kama si Rozen kaya dahan-dahan na siyang lumapit.   “Ahm…k-kumusta na ang kalagayan mo?” tanong niya sa natutulog na lalaki.  “Sana okay ka na.  Kasi alam mo, nakukunsensiya ako sa nangyari sa iyo, eh.  Feeling ko kasi, ako ang may kasalanan kung bakit sumakit ang tiyan mo kahit na sinabi pa ni Dr. Mondragon na matagal ka ng may sakit sa tiyan.  Pasensiya ka na sa naamoy mo kagabi, ha?  Hindi ko naman intensyong lasunin ang sikmura sa amoy ng…alam mo na.  Pero ayos na rin na hindi naman pala dahil sa naamoy mo kaya ka hinimatay.”  Napakagat-labi siya nang makitang kumilos ito sa kinahihigaan at bahagyang bumaling sa kanya ang mukha.   Napatitig na lang siya rito.  At parang hindi siya makapaniwalang hindi niya magawang alisin sa mukha nito ang kanyang mga atensyon.  Batid niyang lahat ng club members ay talagang may mga itsura.  Kaya nga ilang beses na rin siyang nagka-crush mga iyon.  At latest nga niya si Jigger Samaniego.  But this guy in front of her now, she just couldn’t turn her eyes away from him!  Meron bang tao na mukhang walang kapintasan kapag natutulog?  Meron siguro.  Dahil ang lalaking ito ngayon sa harap niya, wala siyang maipintas sa itsura. “Bakit hindi ko yata napapansin masyado ito?” bulong niya sa sarili habang unti-unting lumalapit sa kama nito.  “Ang guwapo mo masyado.  Parang hindi totoo.” Inilapit niya ang kanyang mukha rito at hindi niya mapigilan ang mapangiti.  Sino ang mag-aakala na isa ito sa pinakasuplado at pinaka-antipatikong miyembro ng Stallion Riding Club?  E mukha itong anghel nang mga sandaling iyon.  Para bang hindi mo gugustuhing saktan ito o makagawa ng anomang bagay na ikasasama ng loob nito.   Hinila niya ang silya at nauno na sa tabi ng kama upang mas lalong mapagmasdan ang mukhang iyon.  “Parang gusto kong kumain ng kanin ngayon habang nakatitig sa iyo.  Mukha mo pa lang kasi, ulam na.” Tulog naman ito kaya siguro ay hindi na nito mapapansin ang gagawin niya.  Hindi kasi niya matiis na hindi idampi ang daliri niya sa pisngi nito.  Ang kinis-kinis.  Ang ilong, matangos.  Ang mga labi, manipis at pinkish.  Halatang hindi naninigarilyo.  Mahahaba ang pilik.  Makapal ang mga kilay pero may korte.  Napabuntunghininga na lang siya. “Hindi ako sigurado pero sa tingin ko, ikaw ang may pinakaperpektong mukha kapag tulog.”  Impit pa siyang napabungisngis.  “Halos hindi na kayo nagkakalayo ng itsura ni Jigger ko.  And take note, si Jigger na ang pinakaguwapo para sa akin sa buong SRC.” Naghikab na naman siya at namungay na ang kanyang mga mata.  Dapat ay umalis na siya pero ayaw naman niyang mawala agad sa paningin niya ang guwapong mukha ng mamang natutulog.   “Five minutes…” sambit niya nang iniyukyok niya ang ulo sa kama katapat ng mukha ng lalaki para makita pa rin niya ang mukhang iyon.  “Patabi, ha…?” Hindi na niya alam ang sumunod na nangyari dahil tuluyan na siyang nilamon ng antok.  Namalayan na lang niyang nakatulog na pala siya nang magising na siya sa wakas.  Nag-iinat pa siya nang mapansing hindi pamilyar sa kanya ang kinaroroonan.  Saka lang siya nahimasmasan nang luminaw na ang isip niya at mapatitig sa guwapong mukhang iyon na kasa-kasama niya sa kanyang panaginip. “Tulo mo lumalaway,” seryosong wika ni Rozen. “Ha?”  Bilang kasagutan ay inabutan na lang siya nitong isang box ng tissue saka iminuwestra ang kanyang bibig.  Doon lang niya naintindihan kung ano ang ibig nitong sabihin.  “Shucks!” Mabilis niyang pinunasan ang kanyang bibig.  Nakakadiri!  Naglaway na pala siya sa kanyang pagtulog.  Subalit nang hindi makuntento ay nagtungo na siya sa banyo sa silid na iyon para maghimalos. “Nakakahiya ka, Ada!” impit niyang tili sa sariling repleksyon sa salamin.  “Nagpasabog ka na ng air pollution kagabi, ngayon naman naglalawa ang laway mo.  At bakit sa lahat ng pagkakataong puro kahihiyan ang inaabot ko, laging ang lalaking iyon pa ang nagiging saksi?  Pambihirang buhay ‘to!” Nakakahiya talaga!  Wala na siyang magandang mukhang maihaharap pa kay Rozen.  Kaya nagbilang siya ng ilang segundo bago nagpasyang lumabas ng banyo.  Ng nakatakip ang kanyang bag sa mukha niya.  Dire-diretso siyang nagtungo sa pinto para lang muling mapaurong pabalik nang biglang bumukas ang pinto at malakas iyong tumama humampas sa kanya. “O, anong ginagawa mo riyan?”  It was the lordly Reid Alleje.  Kasama nitong nakatayo roon at nakamasid sa kanya sina Myco Gosiaco at Zell Zapanta.  Pare-pareho lang ang reaksyon ng mga ito na nakamasid sa kanya at nagtataka kung bakit naroon siya sa sahig.  Kung hindi lang nangungulit ang p*******t ng kanyang balikat nang tumama iyon sa bumukas na pinto, baka sinamba na niya ang mga lalaking nasa harap niya nang mga sandaling iyon.  Because in their riding uniform, they all looked regally handsome, if there’s such a word. “Wala naman, Sir,” sagot niyang nangingiwi na sa sakit ng pagkakatama sa balikat niya ng pinto.  “Ano lang, ahm…naisipan ko hong mag-swimming.  Alam nyo iyon?” “Hindi.” Myco started to picked her up but someone had reached her first.  Holding her arm firmly but gently, he helped her get up.  Nagulat pa siya nang mapatingala siya sa kanyang tabi at makitang si Rozen ang naroon. “Where’s Kester?” tanong nito sa mga kapwa club members.  “Gusto ko ng lumabas dito.  Marami pa akong aasikasuhin.” “Tamang-tama,” si Zell iyon.  “Kailangan din nating mag-usap.  Kumusta na nga pala ang political system ng Sta. Barbara?  I heard its still a mess.” “Medyo lang.  That’s why I had to go back there now.” “Pero hindi ka pa magaling,” singit niya.  Parang gusto niyang lumubog sa kinatatayuan nang bumaling sa kanya ang tingin ng mga lalaki roon.  Somehow, she felt like she was freezing at that moment.  Kung bakit naman kasi sa dami ng members ng Stallion Riding Club, ang mga ilan sa mga pinaka-unapproachable pa ang kaharap niya ngayon.  “A-ang ibig ko lang naman sabihin, baka kung ano ang mangyari sa iyo kapag lumabas ka agad ng Clinic.” “So, what are trying to say?” tanong ni Myco.  “Pipigilan mo si Roz na umalis ng Stallion Riding Club?” “Hindi sa ganon.  Iniisip ko lang naman na dahil sa nangyari kagabi, parang delikado na lumayo siya rito ng walang mag-aalaga sa kanya.” “Mag-aalaga?”  Kulang na lang ay sakalin siya ni Rozen sa sinabi niya.  “And who are you to tell what’s good or bad for me?  You’re not even a doctor.” “Siguro nga, Sir.  Pero nakita ko ang nangyari sa iyo kagabi.  I’m sorry kung sa tingin ninyo ay masyado akong nakikialam.  Concerned lang naman ho ako sa kalagayan ninyo—“ “Well, I don’t need your pity.” “Sir, wala naman akong sinasabing naaawa ako sa inyo.  Concerned lang ho ako.  Concerned.  Nag-aalala.  Alam nyo iyon?” “Sa iba ka mag-alala.  Hindi ko kailangan ng awa mo.  I can take care of myself.”  Binitiwan na siya nito at bumalik na sa kama upang kunin ang mga gamit sa ibabaw ng nighstand. Napakamot na lang siya ng kanyang ulo.  Hindi rin makulit ang isang ito.  Antipatiko na, mayabang pa.  Kung ayaw mo ng concern ko, e di huwag!  Sinong tinakot mo? “Zell, pakihintay na lang ako sa Cafeteria,” wika nito mayamaya.  “Doon na lang natin pag-usapan ang tungkol sa—“ “Yeah, about that.  I don’t think I can work with a disabled man.” Kahit siya ay napakunot ang noo nang balingan ang nagsalita.  Disabled? “Come again?” tanong uli ni Rozen. “You don’t look so good, Roz.  I don’t want to merged with an unhealthy businessman.  Hindi iyon maganda sa negosyo.” “T-teka, Sir Renzell,” singit niya.  “Wala namang malalang sakit si Sir Rozen.  Kaya mo ka dapat nagsasalita ng ganyan.” “Myco showed us the surveillance tape from the Guesthouse lobby last night.  I’d say that’s very unhealthy, Roz.  I mean, you couldn’t even stand up—“ “Simpleng sakit ng tiyan lang iyon,” singit uli niya.  “Hindi naman siguro iyon makakasama sa pakikipag-deal sa iyo ni Sir Rozen.  At okay naman siya ngayon—“ “You’re not a doctor, girl.  And I’m talking to Roz.” Daig pa niya ang sinampal sa sinabing iyon ni Zell.  Napahiya siya nang husto.  Hindi na naman kasi niya mapigilan ang kanyang bibig kaya heto tuloy ang inabot niya. “Hey, you, I don’t need you to take my side,” masama pa rin ang tingin sa kanya ni Rozen bago nito binalingan si Zell.  “And you don’t need to talk to her like that, Renzell.  Madaldal lang talaga iyan kaya huwag mo na lang pansinin.” “Hindi ako madaldal.” Rozen just ignored her.  Ewan niya pero kahit paano, ang marinig itong ipinagtanggol siya kay Zell ay nakabawas sa pagkapahiyang nararamdaman.  She really ought to learn how to shut her mouth. “Roz,” wika ng tahimik na si Myco.  “Hindi rin ako nakikipag-business deal sa mga…kuwestiyonable ang lagay ng kalusugan.” “What?” “Paranoid ako.  Kaya gusto kong sigurado akong successful ang lahat ng magiging transactions ko.” “You can’t back out now.  May usapan na tayo—“ “Wala pa naman tayong formal deal.  Kaya puwede ko pang bawiin ang mga pinag-usapan natin.” Batid niyang wala siyang karapatang makialam.  Pero sa naririnig niya, parang unfair para kay Rozen ang pinatutunguhan ng usapang iyon. “Sandali lang,” singit na niya.  “Bakit ibinabase ninyo sa isang insidente ang kakayahan ng isang tao?  Sabi ni Sir Rozen, okay na siya.  Kaya hindi na ninyo kailangang ikansela ang transaction ninyo sa kanya, just because you saw him suffered from a simple stomachache last night.” Batid niyang mahigpit si Reid sa mga rules and regulations ng pag-aari nitong riding club.  At isa sa mahigpit na patakaran nito ay ang malaking paggalang ng mga empleyado roon para sa mga club members.  Kaya nga sigurado na siya ngayong patatalsikin na siya nito nang wala sa oras dahil sa pakikialam niyang iyon.  Lalo na at hanggang ngayon ay wala pa ring umiimik sa mga ito. “Hey,” tawag sa kanya ni Rozen.  “Huwag ka ng makialam sa problema namin.  Umuwi ka na lang at ituloy ang pagtulog mo.” Hinarap niya ito.  “Hindi ako nakikialam.  Sinasabi ko lang kung ano ang tingin sa ipinapakita nila sa iyo.  Ipinagtatanggol pa nga kita.  And don’t you ‘hey’ me.  May pangalan ako.  Ada.  Ada Dalipe.” “Wala akong natatandaang hiningi ko ang tulong mo.  Kaya kung maaari lang, huwag ka ng makialam.  Wala kang kinalaman sa usapan.” “Alam ko.  Pero hindi mo naman ipinagtatangol ang sarili mo kaya paano nila malalaman na mali ang ginagawa nila?  Nagmagandang loob lang naman ako.  Huwag kang mag-alala, libre ang tulong ko.” “Once again, I never asked for your help.” “I never asked for your permission.”   Nagtagisan sila ng tingin ng lalaki.  She didn’t back down.  Batid kasi niyang tama siya kaya hinding-hindi siya aatras sa ganitong usapan.   Mula sa pinto ng silid ay pumasok si Dr. Mondragon.  “O, marami yatang bisita ngayon si Rozen.” “Kester, how’s Rozen’s health?” tanong ni Reid. “He’s fine.  Pero kailangang kumain na siya sa oras or else, ospital na naman ang bagsak niya.”  Binalingan nito si Rozen pagkatapos.  “I’m serious this time, Roz.  Kung patuloy mong pababayaan ang kalusugan mo, your condition will just gonna get worse.” “I know.” “Good,” singit uli ni Reid.  “Miss Ada Dalipe, from now on, ikaw na ang bahalang maniguro na hinding-hindi malilipasan ng gutom si Rozen.” Napatanga na lang siya rito. “What?  I don’t need anyone—“ “You need her,” sansala ni Zell.  “Dahil siya ang magsisiguro kung dapat pa ba naming ituloy ang transaction namin sa iyo.  Call us shrewd, but we’re businessmen, Rozen.  We need to know we could always rely on you as our partner.  Kung lagi ka na lang mao-ospital dahil lang sa simpleng sakit ng tiyan, I don’t think I could fully trust my business with you.” “Sorry, Rozen,” wika naman ni Myco.  “Business is business.  We could always be friends, though.” “That’s…that’s unfair…” sambit niya.  But at some point, may katwiran ang mga ito.  They were, afterall, businessmen more than they were friends. “Well, Rozen?” tanong uli ni Reid, obvioulsy ignoring her weak protest.  “Take it or leave it.” “I’ll take it.” Napalingon siya nang wala sa oras sa lalaki.  “Nasisiraan ka na ba ng bait?  Bakit sumasang-ayon ka sa kanila?” “I have no choice.  I need those transactions.” “All you talk about is yourself!  Paano naman ako?  Hindi puwedeng basta na lang kayo magdesisyon para sa akin—“ “Well, let’s see…” si Reid uli.  “If you don’t take this, you’re fired.” “What?!” tili na niya.  “You can’t do that!” “Says who?”  Tinalikuran na sila nito.  “Kapag nakuntento na sina Zell at Myco sa ire-report mong kalagayan ni Rozen, puwede mong balikan ang trabaho mo rito.  And, oh, yeah.”  Muli nitong binalingan ang lalaki.  “If I ever heard you suffered another attack like you had last night, I’ll dissolve your membership at the Stallion Riding Club.  You know my rules, Rozen.” Iyon lang at tuluyan na sila nitong iniwan.  Pagkatapos ay sumunod na rin sina Myco at Zell.   “Don’t take it against Reid, Roz,” wika ng butihing doktor.  “Nag-aalala lang iyon na baka sa susunod mong atake ay nasa kalagitnaan ka ng pangangabayo.  Ayoko na ring isipin kung ano ang maaaring mangyari sa iyo.” “I’m not sick.” “Maybe not now.  Pero hihintayin mo pa bang lumala ang kalagayan mo?  I know you wanted to help your people but you also have to take care of yourself.”   Ilang saglit na hindi umimik si Rozen bago nito kinuha ang jacket at lumabas na ng Clinic.  Naiwan siyang hindi pa rin makapaniwala sa nangyari.  Mukhang kailangan na talaga niyang matulog.  Kung ano-ano na kasi itong napapasukan niyang problema. “Hindi ko alam kung paano kang napasok sa usapang ito,” mayamaya’y wika ni Kester.  “But Reid and the other members seemed to have entrusted Rozen to you.  So, do your best.” “Do my best?  Maloloka na nga ako rito!” Ngumiti lang ito.  “You’ll be fine.” “You’re all sick!” “Goodluck.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD