~ ~ ~*Nikki's Pov*~ ~ ~
Napatingin ako sa dalawa
"wag ka mag alala si Coleen talaga yan. Libro rin kasi ang tinatakbuhan niya kapag hindi siya makatulog o kaya naman mainit ang ulo. Pero ang pinagkaiba lang ay tinutulugan niya lang ito at hindi binabasa. hihihih" Xyla
napatango na lang ako sa sinabi ni Xyla. Bakit hindi ko alam na may ganitong personality rin pala tong kaibigan ko
"tara puntahan natin" Xyla
"anong ginagawa niyo dito?" sabi ka agad samin ni Coleen nung nakaupo na kami sa harapan niya
"Yayain ka sana namin gumimik mamaya" masiglang sabi ni Xyla
"Okay" sagot naman ni Coleen
hinintay na lang namin tumunog ang bell para makauwi na. Hindi na kami pumasok dahil na wala na kami ng ganang pumasok atsaka wala pa namang masyadong klase ngayon.
"Okay guys. Aalis na ako. May date pa kasi ako eh. See you later" sabi ko sabay tayo para makaalis na kaagad
tinext ko na ang kadate ko na sunudin niya na ako sa front gate kaya naman ilang minuto pa lang ang nakalipas ay dumating nadin siya.
I'm so excited!!! ano kaya ang magandang bilhin ngayon?? HMMMMM!!!!
~ ~ ~*Patricia's Pov*~ ~ ~
"Hindi ka ba sasama samin?" tanong ni Xyla habang naka akbay sakanya ang lalaking kasama niya
"Nope. Pupunta pa kasi ako sa mall. Bibili ng bagong libro" sabi ko
"Gusto mo bang samahan ka namin?" pag alok ni Coleen
"Wag na. Umuwi na kayo o kaya mag date muna kayo. Okay lang ako"
"sigurado ka?" Xyla
Ngumiti muna ako bago mag salita "oo. Mauna na ako ha" sabay alis
wala akong kasama ngayon dahil ang nag hatid sakin kanina ay pumunta sa hospital. Nagkasakit daw ang kapatid niya
hindi naman ako pumayag na samahan ako nila Xyla at Coleen dahil alam ko na ma bobore lang sila dun.
Sa aming apat ang bookstore para sakin ay heaven habang sakanilang tatlo naman ang tingin nila sa mga bookstores ay hell.
Ako lang naman kasi ang nag tutuwa tuwing mag basa ng libro . Kung pwede lang sanang pakasalan ang mga libro matagal ko ng nagawa yun kaso hindi eh.
~ ~ ~*Dave's Pov*~ ~ ~
Nandito kami ngayon nila Sky at Vince sa mall. May bibilhin lang kasi kaming pagkain. Naubusan na kami ng stock sa dorm. Si Dwight naman ayun umuwi dahil daw sa bukol na natamo niya sa babae kanina
Ang astig nga ng babae eh. Ang tapang. Ni kami nga hindi namin yun magawa pero siya.
Hindi lang isang beses niya yun ginawa kundi dalawang beses pa
"Pare try natin yun oh" biglang sabi ni VInce at may tinuro pa
kaya naman napatingin kami sa tinuro niya
"Ano yan?" Sky
"Kalamansi" Vince with matching devil smile
"Anong gagawin natin jan?" Ako
"I lalagay natin sa juicer at iinomin natin" VINCE
"What?" gulatang sabi ko
"Sige na. Ako ang ma uuna" sabi niya sabay inom ng kalamansi juice
Isa lang ang masasabi ko
YUUUUCCCKKK!!!!!
ang asim kaya niyan
"Okay it's your turn" sabi niya samin sabay bigay ng dalawang baso ng kalamansi juice
nag cheers muna kami ni Sky at sabay namin ito ininom
"hahahahahhahahahhahahahhaha' Tawa ni Vince
"Ano masarap ba? Ang dali niyo palang utuin no. " Vince habang pinipigilan ang tawa niya
"Anong pinagsasabi mo jan ha?" tanong ni Sky ng matapos niyang inumin ang isang basong tubig
"Wala lang. Naniwala naman kayo sakin na ininom ko talaga yan. Hahahahha" sabi ni VInce at inumpisahan niya na ang pag tawa
"G*G*" SKy at hinabol si Vince
wala akong nagawa kundi ang habulin din siya
takbo dito
takbo doon
ng na habol ko siya puro sapak ang nakuha niya sakin
"Wala ka talagang magawa eh no" sabi ko sabay batok sakanya'
"Heheheh. Namiss ko rin kasing mantrip sa inyo eh. HAaha" siraulong lalaking to. Walang katapusang pag tawa niya
"ewan ko sayo" sabi ko sabay bitaw sakanya
"saan ka pupunta?" VInce
"sa bookstore. Mag hahanap ng babae" sabi ko sabay smirk
"nasaan na ba yung girlfriend mo ngayon?" VInce
"ewan ko dun sakanya. Bahala siya" sabi ko sabay alis
[BOOKSTORE]
Tumingin tingin ako kung saan may mga bagong libro na pwede kong basahin
nag babasa din ako no. Anong akala mo sakin puro babae lang inaatupag ko?
Hindi ako ganung klaseng lalaki. Babaero nga ako pero hindi ko parin pinapabayaan ang pag-aaral ko.
Na aagaw ang atensyon ko sa babaeng tumitingala para ma abot ang isang libro. Hindi niya kasi ito ma abot. Hindi naman siya gaano kaliit. Sadyang mataas na banda lang nakalagay ang libro na gusto niya
and i find her cute
~ ~ ~*Patricia's Pov*~ ~ ~
Aiiishhh!! bakit hindi ko ma abot ang librong yun??? Kanina pa ako tumatalontalon dito pero hindi ko talaga maabot. Hindi ako naman ako pandak sadyang nasa bandang taas lang talaga nalagay yung libro na gusto ko.
isa pa nga
1
2
3
O______o
nabigla ako ng may nag buhat sakin. Kaya naman nakuha ko na ang librong gusto kong bilhin
pagka baba ko tiningnan ko ka agad kung sino ang nag buhat sakin
lubdub
lubdub
lubdub
bakit ganito ang t***k ng puso ko??
napailing na lang ako at sinabi sa sarili na "Wala lang to. Wala"
"Miss okay ka lang ba?" tanong ng lalaking to
ngumiti ako sakanya sabay sabi na 'wala. Okay lang ako. Salamat nga pala ha" pagka sabi kong yun umalis na ako ka agad at pumunta sa cashier para ma bayaran na tong librong kinuha ko
Bakit ganito ang puso ko???
Bakit parang merong nagaganap na karera sa loob
~ ~ ~*Dave's Pov*~ ~ ~
nandito kami ngayon sa sasakyan ni Vince pauwi na
"Dave"
pero hindi ko ma alis sa isip ko ang babae na nakita ko kanina
"Dave"
bakit tumakbo siya ka agad?
may nagawa ba akong mali sakanya?
"hoy! anong nangyayari sayo?" Sky
bumalik lang ako sa katinuan ko ng tinulak ako ng mahina ni Sky
"ha? wala naman bakit?" sagot ko
"wala? eh kanina ka pa kaya namin tinatawag pero parang wala ka sa sarili mo. Yung totoo?" Sky
"ah okay lang ako. Pero may iniisip lang" ako
"Ano naman yun?" Vince
"Diba sabi ko sayo kanina pupunta ako ng bookstore. Tapos eto nga may nakita akong babae na hindi niya ma abot ang librong gusto niyang kunin. Kaya naman tinulungan ko." pag kwento ko sakanila
"tapos anong problema dun?" Sky
"Ayun tumakbo pagkatapos niyang sabihin na salamat" ako
"yun lang ang rason ng pagiisip mo?" Sky
"Oo. kasi parang may mali eh" ako
"Ano naman ang mali dun?" Sky
"ewan ko basta parang may mali talaga." ako
"Hay nako! Wag mo munang isipin ang kung ano man ang mali. Basta sumama ka samin mamaya. May gimik tayo" Vince
tumango na lang ako bilang sagot sakanya. Tama wag ko munang isipin kung ano man yun.
pero hindi talaga mawala sa isip ko eh.
oo parang may mali talaga. Hindi ko alam kung ano
basta ang alam ko may mali