Pasukan na naman. Lunes ng umaga, at kahit halatang pagod pa ang katawan nila mula sa sunod-sunod na meeting at planning noong weekend, pilit pa rin silang naging masigla. Sa hallway ng university, bitbit ni Shine ang mga libro niya at isang maliit na notebook—hindi lang para sa lectures, kundi para sa café updates din. “Alive ka pa?” bulong ni Jiro habang naglalakad sila papunta sa classroom. “Half alive,” sagot ni Shine, pero may ngiti. “Ikaw?” “Functioning,” sagot niya. Pagpasok nila sa classroom, nandoon na ang barkada. “Hoy!” bati ni Kevin. “Mukhang pagod ang mga may sikreto.” Nanlaki ang mata ni Shine. “Anong sikreto?” “Wala,” sagot ni Kevin sabay tawa. “Joke lang.” Umupo sila sa kani-kanilang pwesto. Habang nagsisimula ang lecture, pilit nagfo-focus si Shine sa professor.

