Mabilis lumipas ang panahon. Parang kailan lang— nasa classroom sila, sabay nagmamadali sa pag gawa ng projects, sabay nangangarap. Nakatayo na sila sa entablado, suot ang toga, hawak ang diploma. Graduates na. Nagyakapan ang magkakaibigan. May halong saya, pagod, at konting lungkot sa pagtatapos ng isang yugto. At sa paglipas ng mga buwan— Unti-unting nagbago ang mga relasyon. Naging magkasintahan sina Gavin at Shine. Hindi man biglaan, pero unti-unti itong nabuo— sa mga kumustahan, sa mga pagkakataong nagkita sila, hanggang sa isang araw, naging malinaw na pareho na silang may nararamdaman. Masaya si Shine. Simple. Tahimik. Pero totoo. Si Gavin, mas naging seryoso. Mas naging maingat kahit paminsan Minsan ay natutukso pa rin at tumitingin sa ibang babae.. gusto niyang

