Matapos ang mahabang usapan sa loob ng opisina ng kanilang boss ay nagpaalam na ang magkaibigan at iniwan na ang mag-ama upang tapusin ang kanilang trabaho. Pinayagan muna ni Don si Miel na sumama kay Gavin, kaya’t sabay silang umalis palabas ng opisina. Hindi nakaligtas si Gavin sa birong puna ni Miel, ''Grabe pare ang tindi pa rin ng kamandag mo sa mga babae,'' aniya habang napapailing na tila ba nanunukso sa kakayanan ng kaibigan pagdating sa mga babae. Agad na kinontra ni Gavin ang biro, ''Tsssk grabe naman sa kamandag, wala yun, hayaan mo na sila. Kamusta na pala ang buhay?'' mabilis niyang iniba ang usapan upang umiwas sa paksa.
''Heto, mahirap pa rin sa probinsiya kaya nagpasya na lang akong lumuwas dito sa Maynila. Buti na lang at naturuan ako magmaneho kaya naging madali na lang para sa akin ang makapag-apply ng trabaho,'' paliwanag ni Miel, ramdam ang pagkakuntento kahit may kasamang pagsubok sa buhay sa Maynila. Biro namang nagtanong si Miel kung balak pa ba niyang kumustahin si Shine, sinusubukan lamang kung inaalala pa ng kaibigan ang isa pang dating kaibigan nilang babae. ''Hindi mo ba kakamustahin si Shine?'' hirit ni Miel. Naging interesado si Gavin nang marinig ang pangalan ni Shine, ''Oo nga pala, nagkita na ba kayo? May balita ka na ba sa kanya?'' tanong niya, naipapakita ang biglang pag-usisa.
''Ang totoo mula ng umalis si Shine sa lugar namin, wala na akong balita sa kanya, pero sabi ng mga kapatid ko ay nagtatrabaho raw siya dito rin sa Maynila. Hindi ko lang alam kung saang parte,'' paliwanag ni Miel habang naglalakad sila papunta sa malaking talyer. Hindi lang basta talyer ang kanilang pinuntahan, dahil pagdating nila ay agad na tinawag si Gavin ng isa sa mga kasamahan, sinabihan siyang may naghahanap sa kanya. ''Vin, may naghahanap sa’yo,'' sabi ni Kaloy, kasamahan nila sa trabaho. ''Wag mong sabihing babae na naman iyan,'' biro pa ng mga kasamahan nila, tila ba inaasar na sanay na sila sa mga ganong eksena kay Gavin. ''Ulol, anong babae, anak ng may-ari ng sasakyang pinaayos ang naghahanap,'' pagsabat ni Kaloy, nag-aasikaso habang itinuturo ang dalawang nakatayong lalaki sa malayo. Kahit malayo pa lang si Gavin ay dama na niya na hindi basta-basta ang bisita; ramdam mo agad na may posisyon at sinasabi ito sa buhay.
Nang makalapit, nagpakilala ang bisita, ''Hi, I'm Jiro Buenavista, the son of Ramon Buenavista,'' sabay lahad ng kamay kay Gavin na agad namang tinanggap. ''Ikaw pala, anong maipaglilingkod ko sa'yo?'' tanong ni Gavin na tumingin din sa driver ni Jiro. ''Pasensya na sa abala pero pinapatanong kasi ni dad kung kelan maayos yung sasakyan niya,'' tugon ni Jiro, magalang ngunit ramdam mo ang awtoridad sa tono. ''Ganun ba? Naku, baka sa isang linggo pa,'' sagot ni Gavin, nagpapaliwanag nang maayos. ''Wait lang, tatawag lang ako kay dad at ipapaalam ko,'' mabilis na paalam ni Jiro at lumayo sandali upang tawagan ang ama.
Nagkaroon ng konteng marites moment si Kaloy, ''Pare, ang gwapo, nakakabakla. Pormahan palang ulam na,'' pabirong bulong na siniko naman agad ni Gavin, ''Tangna pre, bunganga mo. Ayan, 'yung driver nila, baka mamaya kung ano isipin.'' Natawa lang si Mang Anton sa tagalinis ng talyer, ''Sanay na ako iho na marinig 'yang mga puna patungkol kay young master,'' ngiting sabi ng matanda. ''Ngayon ka lang yata nalamangan pagdating sa itsura, pre,'' bulong pa ni Miel, nagpapahiwatig na talagang kapansin-pansin ang kagwapuhan ni Jiro.
Sa isip-isip ni Gavin, tunay ngang napakalaki ng lamang sa kanya ni Jiro, ngayon lang siya nakaramdam ng kakaibang insecurity sa kapwa lalaki—parang nasa kanya na ang lahat. Bukod sa ubod ng yaman, walang tapon ang itsura at kilos nito, halos perpekto sa paningin ng kahit sino. Narinig pa ni Gavin ang usapan ng mga kasama niya, lalo na si Kaloy, ''Manong, siguro po ang daming nagkakagusto sa young master n'yo, no?'' ''Naku iho, totoo yan, pero isnabero kasi si young master. Mga kaibigan lang niya ang nakakalapit sa kanya,'' kwento ni Mang Anton na halatang bilib at may paggalang sa amo. Dugtong pa ni Mang Anton, ''Ayaw niya sa mga babaeng nagpapakita ng motibo, nagagalit siya sa mga ganu'n.'' Nagtaka tuloy si Gavin kung anong klaseng tao si Jiro, kung ayaw lang ba talaga nito o mayabang dahil alam niyang nakukuha niya ang lahat ng gusto niya.
Biglang dumating si Samantha, ''Hey Gavin, are you done?'' tanong niya. ''Hindi pa Sam, ayan o, nariyan ang anak ng kliyente ko,'' turo ni Gavin. Napalingon si Sam at halos manlaki ang mata niya—tila nakakita ng artista, dali-daling lumapit kay Jiro at hinawakan ito sa braso, ikinagulat ni Jiro na muntikan na siyang maitulak. ''Who are you? What the hell, bigla-bigla ka na lang nanghahawak?,'' singhal ni Jiro. Napatigil silang lahat at napatitig sa kaganapan, si Samantha naman ay hindi nagpatinag, ''Ito naman, kala mo big deal, hinawakan lang eh. Di mo na ba ako nakikilala? Ako 'yung binangga ng kasama mong babae sa mall, 'yung nagfe-feeling maganda pa,'' mataray na sagot ni Sam habang napapailing si Gavin, ramdam na wala nang pakialam si Jiro kundi ang kilos at asal ng babae.
unti unting naalala ni Jiro, ''Ah, ikaw pala 'yung bratinela na 'yun. Miss, iba ang nabangga sa binangga. Una sa lahat, ikaw ang di tumitingin sa dinadaanan mo. Pangalawa, talagang maganda 'yung kasama ko, literal in and out,'' sagot ni Jiro, para bang napakaimportante ng babae sa kanya. Hanggang sa umalis ito at tinawag si Mang Anton, ''Manong, tara na,'' walang lingong likod na iniwan si Samantha. ''Leche ka, antipatiko ka,'' sigaw ni Sam sa inis at pagkapahiya. Subalit bumalik si Jiro at mariing sinabi, ''Me, antipatiko? Miss, kung gusto mo ng respeto, sana nirespeto mo muna ang sarili mo,'' sagot ni Jiro bago tuluyang humarap kay Gavin, ''Ikaw ba si Gavin?'' ''Oo, ako nga,'' tugon niya. ''Pinapasabi ni dad na babalikan na lang next week yung sasakyan niya, paborito kasi niya yun kahit meron pang ibang magagamit. Kaya sana daw maayos, he's willing to pay kahit magkano,'' mahabang paliwanag ni Jiro kay Gavin at napatango na lang ito bilang sagot. Habang paalis si Jiro, lumingon pa ito kay Sam, ''At ikaw miss, I'm sorry kung nasaktan ko ang ego mo pero bawasan mo 'yang pagiging bratinela mo, nakakabwisit at di bagay sa'yo,'' saka tuluyang lumayo, na lalong nagpakita ng kanyang pagkakaiba sa iba.
Namangha si Miel kay Jiro Buenavista, hindi niya inakala na may lalaking ganoon kaiba. Maganda na at sexy naman ang babae, ngunit tila walang epekto kay Jiro—parang ngayon pa lang alam na ni Miel na magiging sakit sa ulo ang senorita niya.
Samantala, pauwi na si Jiro sa mansion ng mga Buenavista kasama ang matandang driver. ''Young master, grabe naman po yata ang reaksyon nyo kanina doon sa babae,'' puna ni manong. ''Naiinis ako, manong, sa mga ganung babae, parang hindi nila kayang igalang ang sarili nila. Ayoko sa mga babaeng nagpapakita ng motibo,'' tugon ng batang amo, seryoso at may paninindigan. ''Ikaw talaga, iho, malay mo naman ay may pagsinta lang sa'yo,'' tugon pa ng matanda. ''Hindi ko siya magugustuhan manong, kasi ito at ito,'' sabay turo sa kanyang isip at puso, ''ay nakalaan na sa isang tao. Pero gusto ko bago niya malaman, may narating na kami pareho.'' ''Napakaswerte ng babaeng sinisinta mo, iho,'' saad ng matanda. ''Hindi ko alam, manong, kung siya ba ang swerte sa akin o ako ba ang magiging maswerte sa kanya kasi kahit wala siyang yaman, nasa kanya na lahat ng hinahanap ko—na hindi ko nakikita sa ibang babae,'' malalim na paliwanag ni Jiro habang sumasapit na ang sasakyan nila sa malawak at marangyang mansion ng mga Buenavista, puno ng tanong at damdamin ang isip habang tinititigan ang tahanan kung saan siya umuuwi at sabik na muling Makita ang babaeng tinutukoy nya.