Pagkarating nila sa university na pag-aari ng pamilya ni Jiro, bumungad agad sa kanila ang ilang bus na kakaparada lang—mga estudyanteng galing Batangas ay kasisimula pa lang bumaba. May mga dalang maleta, may hawak na kape, may mga antok pa ang mata pero halatang masaya pa rin sa nagdaang overnight. “Uy, sabay pala tayo,” sabi ni Kevin habang bumababa ng sasakyan at iniunat ang katawan. Sa may parking area, may ilang kaklase ang kumaway. “Grabe, solid talaga ang party kagabi!” sigaw ng isa. Napatingin si Shine sa paligid—ibang-iba ang pakiramdam kapag nasa campus na. Wala na ang dagat. Wala na ang resort lights. Mas totoo na ang mundo rito. Lumabas din si Jiro mula sa kabilang side ng sasakyan. Dahil pag-aari ng pamilya nila ang unibersidad, may ilang staff ang magalang na bumati sa

