Chapter 1: Moving

2314 Words
Siyap ng mga sisiw na hinahanap ang kanilang nanay. Hiyaw ng mga baboy na humihingi ng pagkain. Tawanan ng mga batang naglalaro sa tapat ng aming bahay. Kwentuhan ng magkakapitbahay habang nagwawalis ng kanilang mga bakuran at masayang awit ng mga ibon sa sanga ng puno. Ang mga ingay na 'yan ang nakasanayan ko ng alarm clock kada magigising ako tuwing umaga. Ang pinaka gusto kong parte ng araw sa aking buhay; ang bagong umaga. Masaya akong nag-inat at bumangon ng higaan. Agad bumalatay sa aking mukha ang hindi maipaliwanag na kalungkutan nang magawi ang aking paningin sa dalawang maletang puno ng aking mga gamit na dadalhin. Pagkaraan ng ilang minutong pagtitig dito ay mabilis akong tumakbo papuntang banyo. Ngayon ang araw na nakatakda kaming lumuwas ng Laguna. Nagdesisyon ang aking mga magulang na doon na manirahan upang matutukan ang negosyo nilang naulila nang namayapang kapatid ni Dad, kamakailan. At dahil doon na kami titira ay kailangan ko ring lumipat ng paaralan kahit pa graduating na ako ng sekondarya. Mataman kong pinagmasdan ang aking sarili sa harapan ng malaking salamin na yari ang gilid sa mamahaling klase ng kahoy. Suot ang kulay bughaw na contact lense ay hindi mapapansin sa akin ang pagkakaroon ng dugo ng isang pilipino. Mapusyaw rin na puti ang aking kulay kahit pa laki ako ng probinsya. Maliit ang aking mukha na binagayan ng dalawang biloy na nakaukit sa magkabila ng aking pisngi. Malayong-malayo sa itsura ni Mom at Dad na parehong kayumanggi. "Samantha!" malakas na tawag sa akin ni Mom, "Samantha?" Hindi ko siya pinansin, ngumiti ako sa salamin upang itago ang luha ng kalungkutan sa gagawing paglisan sa lugar na ito. Tumambad sa akin ang pantay-pantay at mapuputi kong ngipin na nakakulong sa kulay gintong bakal. Hindi kami mayaman, hindi rin kami mahirap. Subalit spoiled ako sa kanilang dalawa kaya naman lahat ng hilingin ko ay ibinibigay nilang dalawa. "Samantha, ano ba?!" narinig kong tawag muli ni Mommy. "Saglit lang po." tugon kong hinablot ang backpack at muling sinipat ang sarili sa salamin. "Ang tagal mo anak!" naiimagine ko ang itsura niyang naiirita, "Kapag tayo naiwan ng bus lagot ka sa akin!" may himig ng pagbabanta sa kanyang tinig. Nagbigay ako ng isang malalim na buntong-hininga at saka patakbong lumabas ng kwarto. "Nandiyan na po," "Bilisan mo, kanina ka pa diyan!" hiyaw niya na alam kong nakatayo sa puno ng aming hagdanan. Kung hindi ba naman sila nagpa party kagabi ni Dad hindi naman ako tatanghaliin ng gising. Halos madaling araw na kami nakatulog dahil sa salu-salo nang nagdaang gabi. Nandito rin ang buong angkan ni Mom, mga kaibigan ko at mga kapitbahay naming nakapalagayang loob na namin. Natigilan ako nang makita ang family picture namin sa may daanan. We've been here for the past ten or nine years kung hindi ako nagkakamali. Bumibisita kami ng Laguna pero kada bakasyon lang 'yon. Madalas rin kaming nag a out of town or magbabakasyon sa ibang bansa. Hindi kami mayaman gaya ng sabi ko pero dahil nag-iisa nila akong anak kung kaya't ang lahat ay kaya nilang ibigay sa akin. "Samantha!" umaalingawngaw na namang tinig ni Mom. "Honey, baka naman may ginagawa pa siya." awat sa kanya ni Dad. "Alam mo naman 'yong batang 'yon mahal na mahal ang kwarto niya." "Huwag mong kampihan ang batang 'yan," mas mataas na tono niya, "Kaya naman lumalaking matigas ang ulo at suwail," akusa niya kay Dad. "Mom, nandiyan na po." "Bilisan mo!" "Opo," takbo ko pababa ng hagdan. "Ikaw na bata ka tigilan mo ako," turo niya sa akin, "Ilang oras ang inabot niyang kakamamaya mo ha?" "Mommy," yakap ko sa beywang niya, "Sorry na po," samo ko. Alam na alam kong hindi niya ako kayang tiisin kahit kailan. "Oo na sige na." irap niyang natatawa, "Umalis na tayo bago muling uminit ang ulo ko," sulyap niya kay Daddy. Lumabas kami ng bahay at mabilis na tinungo ang van na maghahatid sa amin sa terminal ng bus. Hindi na ako nagkaroon pa ng pagkakataong magpaalam kina lolo at lola na malungkot na nakasulyap sa amin. Nandoon rin ang iba pa naming kamag-anak, kapitbahay at aking mga kaibigan upang ihatid kami ng tingin. "Are you ready anak?" lingon sa akin ni Daddy. "Saan po Daddy?" tanong kong kinuha ang tablet sa bag upang makinig ng music. "Syempre sa paglipat natin ng bayan." ubo niya. "Seryoso ka Dad? Gusto mong sagutin ko 'yan ng taos sa aking puso?" nguso ko. "Binibiro lang kita anak," ngiti niya. Isang malungkot na sulyap ang muli kong ginawa sa papaliit na naming bahay. Marami akong alaala dito, alaala ng aking kabataan. Ang kabataan kong edad ay walang gaanong klarong alaala maliban sa hinahabol ako ng isang aso, mga banking mukha ng aking mga kalaro. Hindi ko rin alam kung dito 'yon o sa Laguna nangyari bago kami lumipat ng probinsya. Malawak akong napangiti nang maalala 'yon. We're going back to Laguna for good. Doon na ako mag-aaral ng grade 12 at doon na rin kami titira. Ang probinsyang aming iiwan ngayon ay gagawin na naming bakasyunan ngayon. Kung hindi namatay si tito sa probinsya pa rin siguro kami at kasabay kong magmamarcha sa graduation ang aking mga kaibigang naiwan. "Are you okay anak?" tanong ni Mom pagkalulan namin ng bus. "Yep, why Mom?" "Do you feel anything?" mababanaag sa kanyang mga mata ang takot, "Like headache? Is it hurt?" umiling ako. "No Mom, I'm okay." "That's good," ngiti niya, "Anak do you still remember Patrick?" kumunot ang noo ko. Who is that? Si Patrick na kasama ni Spongebob? "Sino po 'yon?" "Ah wala Sam," iling niya, "Mahaba pa ang biyahe natin kaya matulog ka muna," pag-iiba niya ng usapan, tumango ako at ngumiti sa kanya. "Okay," ngiti ko bago isinandal ang ulo sa may gilid ng bintana. Hindi na ako nahirapan pang matulog dahil pagpikit ng aking mga mata ay kasabay noon ang paglalakbay ng aking isip sa maulap na kalawakan, pabalik sa nakaraan ng aking kabataan na hindi ko malinaw na maalala. Blurred. Walang klaro at walang mukha. Ginising ako ni Mom nang kakain na, nasa biyahe pa rin kami. Hindi ko namalayan ang aming pag-alis dahil sa natutulog ako. "Are you okay 'nak?" masuyong tanong ni Daddy. "Dad, alam mo po may panaginip ako." baling ko sa kanya habang kumakain ng sandwich, "Alam kong ako 'yong nasa panaginip ko pero hindi ko maalala kung anong nangyari." "Sam, baka naman guni-guni mo lang 'yon." singit ni Mommy. "Mom, ang linaw po noon kaya lang hindi ko maalala pagkagising ko." "Bumalik ka sa pagtulog after mo kumain, baka sakaling may continuation at maalala mo na." suhestiyon ni Daddy. Ginawa ko ang sinabi ni Daddy ngunit hindi na ako nakatulog pa. Kahit pilitin kong matulog ay hindi na ito nangyari, hanggang sa makarating kami sa terminal ng bus na aming bababaan. "Welcome to kabihasnan!" sigaw ko pagkalabas ng bus sabay dipa ng malawak. Alam kong mukha akong loka-loka, pero gusto ko lang itong gawin. Maraming beses na akong narating dito pero trip ko lang talagang gawin ito. Hindi ko alintana ang mapanuring mga mata na nakatingin sa akin. "Samantha," saway ni Daddy. "Why Dad?" "Tumabi ka maraming dadaan." "Oh? I'm sorry," hingi ko ng tawad sa mga pasaherong nakatayo sa aking likuran, ngumiti ako sabay abante. Ang buhay namin sa probinsya ay maayos lang, normal kumbaga. Masaya ako doon kahit na minsan nakakaramdam ako na hindi ako belong sa grupo nila, pinagtiyagaan ko 'yon dahil ayokong mag-isa. Puro sila doon lumaki, kayang magsalita ng lenguwahe ng probinsyang 'yon. Ang kulay ng balat ko sa kanila ay kakaiba, puro sila kayumanggi samantalang ako kahit magbilad sa araw ay maputi pa rin. Nag-iisa akong anak, Mom and Dad doesn't had a chance to have a son. Daughter lang ang ibinigay sa kanila kaya medyo may pagka spoiled ako, kaunti lang naman. 'Yong tipong kapag may ginusto akong bagay nakukuha ko, kahit pagalitan ako at the end of the day nakukuha ko pa rin. That's how they raised me, pagagalitan nila ako pero susuyuin rin gamit ang bagay na nais ko kapag nagtampo na ako. I'm turning 18 this coming December. I already imagine how my 18th birthday look like kagaya sa tradition sa probinsya. "Mom?" tawag ko sa kanya nang nasa waiting area na kami ng aming sundo. "Hmmn?" lingon niya sa akin. "CR lang po ako." Nakita ko kung paano manlaki ang kanyang mga mata na tumigil sa aking mga mata, I knew it. Napansin niya ang suot kong contact lense. "Anak..tanggalin mo 'yang contact lense mo at huwag mong itago 'yang brown mong mga mata." "Mom---" "Bilisan mo," putol niya sa akin, "Hihintayin ka namin dito." "Okay," nanlulumo kong sagot sabay talikod rin sa kanila. Pumasok agad ako ng cubicle at umihi, nakasimangot pa rin ako nang lumabas at humarap sa salamin. Okay naman ang lense ko, bagay naman sa mukha ko. Sa mga makakakita sa akin aakalain nilang anak ako ng isang foriegner, ngunit ngayon ay kailangan ko na itong tanggalin. Hindi naman ito problema sa probinsya, akala nga nila anak ako ng ibang lahi kapag suot ko ito. But wait kapag hindi ko ito tinanggal wala namang magagawa si Mommy. Sa bahay ko nalang tatanggalin, tinatamad ako ngayon. Agad kong pinasadahan ng mga daliri ang aking may kahabaang buhok na gulong-gulo pa. Matapos kong i-check ang sarili ay lumabas na ako, hindi pa man ako nakakalimang hakbang nang tumunog ang aking cellphone. "Dad?" "Where are you?" "I'm going out now," "What take you so long?" "Nothing dad, don't be paranoid." "Bilisan mo, umuusok na naman ang utak ng Mommy mo!" "Got it Daddy, sorry." Malalaki ang mga hakbang na tinahak ko ang daan pabalik ng waiting area. Sa pagmamadali ay hindi ko na naiwasan pa na may makakasalubong ako at huli na ang lahat when I realize that we are going to bump into each other, pareho kaming nagmamadali. "Aray!" malakas kong sigaw. “Oh? I'm really sorry Miss.” mabilis na dalo niya sa akin, kahit na tumama rin ang noo niya. “Look what have you done!” sigaw ko na masamang nakatingin sa favorite lipstick kong kanyang natapakan. “I'm sorry Miss, I am really sorry.” “I don't need your f*****g sorry right now!” angil ko, “Get out of my sight!” Mabilis akong tumayo at pinulot ang mga gamit na kumalat sa sahig. Hindi ko alintana ang mga taong nakiki-usyuso na sa aming munting gulo na nilikha. "It was an acci--" “I don't care! It's not my fault either!" sigaw kong muli sa kanya sabay walkout. I know it was an accident, but he stepped on my favorite lipstick. It's not an acceptable reason, he just said sorry and that's it? "Samantha?" "Mommy?" "Bakit ang tagal mo na naman?" "Sorry po." iling ko na sumakay na ng sasakyan. “Are you okay Sam?” lingon ni Dad sa akin. “Yes Dad.” tipid kong tugon. "E anong meron sa mukha mong parang sinakluban ng langit at lupa?" pang-aalaska niya. Hindi ako sumagot dahil kapag sumagot ako, alam kong bubuga ako ng apoy ngayon rin mismo. Kapag nagkaroon ako ng pagkakataong makita muli ang lalaking 'yon, humanda siya sa akin. Kaya lang ay nakasuot siya ng mask kung kaya't hindi gaanong klaro ang mukha niya sa akin. Naka hood rin siya ng jacket subalit kilala ko ang dalawang pares ng kanyang mga mata. "Samantha!" irit ni Ate pagkababa ko palang ng sasakyan. "Ate!" sigaw ko at mabilis na tumakbo palapit sa kanya. Si Ate na halos ang nakasama ko sa bahay noong elementary palang ako. Katuwang siya ni Mom at Dad sa pag-aalaga sa akin. Nauna lang siyang lumuwas upang i ready ang bahay namin sa aming pagdating. She's been good to me, wala akong masasabi sa kanya. Para ko na siyang pangalawang ina. "How's the trip Sammy?" halik niya sa aking pisngi. "Ayos lang, nakakapagod." reklamo kong pinaikot ang mata sa ere. "Ikaw talaga," biro niyang kurot sa aking pisngi "Magpalit ka na ng damit bago tayo kumain." "My favorite?" Namilog ang aking mga mata nang tumango siya. "Yes!" talon ko, "Bihis lang ako Ate!" saad kong tumakbo na papasok ng aming tahanan. "Samantha bilisan mo ha," pahabol ni Mommy, "Baka mamaya ay ilang oras ka na naman sa loob ng kwarto mo." Narinig ko ang tawanan nila ngunit agad ring naglaho nang isarado ko ang dahon ng pintuan. Padapa akong nahiga sa aking kama. Na-miss ko rin dito. Mabilis akong tumakbo palapit sa aking bintana, agad na hinawi ang nakatabon dotong makapal na kurtina. Sumalubong sa akin ang hindi pamilyar na amoy ng hangin. Hindi ito kagaya sa probinsya na malamig at sariwa. Napangiti ako nang kumaway sa akin ang mga dahon ng punong makopa na nagkukulay-ginto na sa tama ng papalubog na sinag ng araw. Tumangkad na siya, noong nasa elementary palang ako ay mababa pa ito. Kayang-kaya kong talunin upang makaakyat pero ngayon ay mukhang mahihirapan na ako, unless dito ako dadaan sa veranda ng aking kwarto. Malalim akong napabuntung-hininga, miss ko na agad ang ingay sa probinsya kapag ganitong dapithapon na. Agad rin 'yong naglaho nang mapatingin ako sa sanga ng puno na may iilang alaala ng bakasyon sa akin. Masaya akong naglalaro sa ilalim ng punong ito mag-isa o kung minsan naman ay kasama ko si Ate. Kinakabitan namin ng kumot ang sanga nito upang aking gawing duyan sa tanghaling tapat. "Samantha..." si Mommy. "Nandiyan na po!" tugon kong mabilis na hinubad ang damit upang magpalit. "Bilisan mo." "Opo!" Alam kong hindi ito kagaya ng lugar na aming iniwan, ngunit nasisiguro kong may haplos pa rin ito ng probinsyang aming tinigilan. Anuman ang mangyari dito ay kailangan ko 'yong mahigpit na yakapin at tanggapin. Naniniwala akong pansamantala lang ang pamamalagi namin dito. Babalik rin kami ng probinsya kung saan kami dati nakatira.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD