"What Maid?" hindi makapaniwalang bulalas ni Miss Rainnah. "Magpapaalam na po sana ako, Miss Rainnah." "Why? May nagawa ba silang hindi maganda rito sa iyo? Hindi ba sila naging mabuti sa iyo rito, Maid. Tell me, sino?" nag-aalalang tanong ni Miss Rainnah bago tumayo para lapitan siya. Nasa opisina sila nito sa bahay. Katatapos lamang nilang kumain ngunit nagpasya na siyang kausapin agad ito. Hinawakan siya nito sa magkabiila niyang balikat. "Maid, tell me, did they mistreat you here when I'm gone?" Marahas siyang napailing agad. "Mabait po ang mga kasamahan ko dito..." "Then why?" Napalunok siya at napaiwas ng tingin sa babae. Alangan na sabihin niyang ang kapatid nito ang dahilan kaya aalis siya. "Hindi ko lamang po talaga maiwan ng matagal si inay..." pagsisinungaling na la

